Chapter 15-Plan

2.8K 108 1
                                    

[Jerish POV]

“Mga mahal kong mga pinsan,saan tayo ngayon dahil sem-break na!"tanong ni Rex sa mga pinsan.

“Langya!!Mahal talaga?!"angal ni Calyx.
“Kakasuka!!"angal naman ni Kaizer.
“PusangtumalonnamukhangpalakangkokaksiRex!"angal naman ni Storm.Wait lang!Ang haba nung sinabi ni Storm ah.

“Anyway,guys uuwi ako ng probinsya."

Sem-break na kasi ngayon at wala naman akong ginagawa.Kaya dadalaw na lang ako sa lola ko sa probinsya kesa wala akong ginagawa rito.Anong gagawin ko?Tutunganga?Makikipag-usap sa pader?

“Sama kami!!"napatingin ako sa kanila.Anong naisipan ng mga ito para sumama?

“Hindi pwe-"

“Bukas aalis na tayo kaya ayusin mo na yung gamit mo."sabi ni Calyx na nagpo-phone.

“Oh sino ang mag-aayos nang mga gamit natin?"tanong ni Kaizer na naglalaro ng chess kalaro si Storm.Mukhang seryosong seryoso si Kaizer sa pagtalo kay Storm.

“Ikaw na!!"sabi ni Storm na pa-easy easy lang sa paglalaro.

“Aba!Ano kayo?Hilo?!"angal ni Kaizer.

“Bato-bato pik na lang tayo!!"sigaw ni Rex.

Napasapo na lang ako ng noo ng nagsimula silang maglaro ng bato-bato pik!Hindi sila pwedeng sumama sakin!!Haist!Wala talagang maisip na matino itong magpipinsan.Sa huli ang natalo ay si Rex.

“Bakit ako?!"sigaw ni Rex na nagdadabog pa habang ang mga pinsan nya ay nagbubunyi sa pagkapanalo.

Wala talagang ise-seryoso tong mga to.

*iling iling*

“Ikaw nagpresenta dyan sa bato,bato pik na yan eh!!"sigaw ni Calyx.

Hay nako!!Itong mga taong to talaga!!Hilig nilang magtulungan para bwisetin ang pinsan nila.

“Ako na mag-aayos ng gamit nyo.Nag-iingay pa kayo!"sabi ko at lahat sila nagsigawan sa tuwa.Tuwang tuwa ang mga asungot.Ngumiti na lang ako.

Anong magagawa ko?Ang kulit nila eh!Nakakatuwa rin pala ang kakulitan nila.Noon hindi ko lang napapansin kasi iritang irita ako sa kanila,pero ngayon parang nagbago ang ihip ng hangin.Mukhang magaan na ang loob ko sa kanila.

Sama ko na nga ang mga asungot na to.Kasi kukulitin rin ako ng mga yan.

“Oh Zero?Mag-ayos ka na ng gamit mo.Pupunta tayo sa probinsya nila Rish"biglang sabi ni Calyx.Napatingin ako sa may pinto at nakita ko si Zero na mukhang kakagising lang.Bigla akong nagtago sa likod ni Storm.Malaki naman katawan ni Storm kaya di ako makikita.Damulag tong si Storm eh!Charot lang!!!Hahaha!

“Pretty,bakit?"tanong ni Storm at nagsenyas na lang ako na tumahimik sya.

Well,nagtatago ako kasi nahihiya pa rin ako dun sa ginawa namin sa kotse nya.Ayts!!Nakakahiya talaga!!!

Kahit na mga isang buwan ng nakakalipas yun.Hindi ko pa rin makalimutan.

Di ko pa kaya humarap kay Zero!!Kayo ba naman kasi halikan ng ganun!!Pashnea sya!First kiss ko kaya yun!At sa asungot na yun pa!!Gusto ko ang first kiss ko ay isang taong mahal ako at sa Eiffel Tower ako hahalikan.Kaso nakuha ang first kiss ko sa kotse at kay Zero Smith pa!!Minolestya nya ang labi ko!!Magsusumbong na ako ‘Ipaglaban Mo' na TV show.Ipaglalaban ko ang karapatan ng labi ko na minolestiya ng walanghiyang Higop man este ng walanghiyang asungot na yun.

“Okay.Mag-aayos na ako ng gamit."sagot ni Zero.

“Si Rish na raw ang mag-e-empake para satin."sabi ni Calyx at dahil sa sinabi nya parang gusto ko na tuloy syang batukan.

“Si War-freak?Nasaan ba yun?Tinataguan ako nun eh."

“AYUN OH!!"sabay sabay nila akong tinuro.Napa-poker face na lang ako.Nagtatago nga ako tapos sila pa ang nagturo.Mga walanjo talaga!!

“Mag-eempake na ako sa taas."umakyat na ako papuntang kwarto nila.Tinawag pa ni Zero ako pero di ko pinansin.Aasarin lang naman nya ako eh!Tch!!

-NEXT DAY-

“HOY!!ANG TAGAL NYO NAMAN!!"sigaw ko.Kanina ko pa sila tinatawag pero wala pa ring bumaba.Baka akala nila party ang pupuntahan nila kaya grabe kung makapag-ayos.Aba!Probinsya ang pupuntahan nila.

Napatingin ako sa taas at nakita ko silang sabay sabay na bumaba.Napanganga na lang ako kasi....Pakshet!Ang hot nila!Jusko!Pababa pa lang sila ng hagdan nyan ah!!Makalaglag panty!!Lengye!!Ang yummy pa nila!!

“Tapos ka na bang titigan kami?"sabi ni Calyx na nakapagpabalik sakin sa katinuan.

“Naglalaway ka na!"sabi naman ni Rex at ngumisi sakin.

“ABA!Ang yabang nyong mga hambog kayo!!Nakakasuka kaya kayo!!Tara na nga!"sigaw ko at tumawa lang sila.

Psh!Nahuli nila ako doon ah!

Living with these Five Hot Jerks [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon