Chapter 8-Her Smile and Laugh

3.1K 115 8
                                    

[G.Pops POV]

Kausap ko ngayon ang mga apo ko sa library ng mansyon.Alam kong sumasakit na ang ulo ni Jerish sa mga ito kaya kahit papano pagsasabihan ko na lang itong magpipinsan.

Maski ako rin naman ay sumasakit ang ulo sa mga to dahil sa pagiging babaero.

Noong kasama ko pa ang magpipinsan sa iisang bahay,andaming tumatawag sa mansyon na kesyo nabuntis daw siya ni ganito at ni ganyan,kailangan daw panagutan.Kapag naman kinakausap ko yung magpipinsan sinasabi lang nila na gumagamit daw sila ng proteksyon.Hay nako!Mga kabataan nga naman!!*iling iling*

“Bakit mo kami pinatawag,G.Pops?"tanong ni Calyx.

“Pasulubong nga pala namin?"sabi ni Rex.Inuna pa ang pasalubong.Hay nako!

“Hoy,tagapag-mana,mukha ka ng pasalubong.Andami dami mo namang pera."sabi ni Storm.

“Eh kinurakot ng Zero na yan eh!"

Biglang tumingin ang magpipinsan kay Zero na naka earphone.

Ano na naman ginawa ng apo kong to?

“Anong ginawa mo Zero sa mga pinsan mo?"tanong ko.

Biglang tumingin sakin sina Rex na parang nagpapaawa at malapit ng umiyak.

“Sinaktan nya kami...."Rex
“Minura nya kami...."Calyx
“Kinuha nya ang mga pera namin......"Kaizer

Si Storm naman ay tumatawa na lang sa mga pinsan nya at si Zero ay walang pakialam sa mundo.Ano bang aasahan ko sa apo kong iyon?Kailangan ko na yatang ipakonsulta sa doktor ang apo kong si Zero.Manhid yata eh.Walang emosyon.

“At bakit mo naman Zero sinaktan,minura at kinuhaan ng pera ang mga kawawa mong pinsan?"tanong ko kay Zero.

“What the-?Seriously,G.Pops?"Rex.
“Kawawa?!"Calyx.
“So you think that we're poor and beggar?!"Kaizer.
“Naks!Ingles yun ah!"sabi ni Storm at nag-apir pa ang magpinsan.Napangiti at napailing na lang sa kulit ng magpipinsan.

“Okay,okay.Hindi na kawawa.Pulubi na lang."napatawa na lang ako sa mga reaksyon nila.Sila Rex,Calyx at Kaizer ay nagwawala habang si Storm naman ay tawa ng tawa at si Zero ay wala pa ring emosyon.

Gusto ko yung ganito.Masaya lang lahat.Masaya ang magpipinsan at hindi nag-aaway dahil sa oras ng pangangailangan,sila rin ang magtutulungan.

[Jerish POV]

“Mukha ba akong TV para panoorin nyo?"tanong ko sa magpipinsan na nanonood lang sakin habang nagluluto ako.Umalis muna si G.Pops dahil may aasikasuhin daw muna sya.

“Ang ganda kasi ng actress sa pinanonood namin eh!"sabi ni Storm na nakapagpangilabot sakin.

“Mukha ba akong gumagawa ng drama dito?!"angal ko sa kanila.

“Eto naman hindi mabiro."sabi ni Storm at bumalik ang panonood nila sakin.Wala naman akong pake kung manood sila pero nakakailang kasi eh.Nakakailang na may nanonood sayo.

“Ano bang problema nyo at pinapanood nyo ako?!"

“Gusto kasi naming tumulong."Rex.
“Dahil sa medyo magaling kami magluto."Kaizer.
“Hindi na kami tutulong."Calyx.
“At baka makasunog kami."Storm.

Gusto nila akong tulungan eh kaninang umaga lang parang binagyo tong kusina ng sila ang magluto.Pero okay na ring manood na lang sila kesa mag-ingay sila.

“Gusto nyo bang tumulong?"tanong ko at napatango naman sila.

“Maghiwa na lang kayo.Marunong naman kayong maghiwa no?Di naman siguro kayo mangmang para gumamit ng kutsilyo no?"tumango sila.Nagsimula na silang maghiwa habang ako naman ang nagluluto.

“Bakit *sobs* umiiyak ako?"tanong ni Calyx sa sarili nya.Naghihiwa kasi sya ng sibuyas.Tapos pinupunasan nya yung mata nya gamit yung kamay nyang nakahawak sa sibuyas.Malamang iiyak talaga sya.

“Baka dahil sa pinanood natin kanina?"tanong ni Rex.

“Tanga!Action yung pinanood natin hindi Drama."sabi naman ni Storm.

“Eh bakit ako naiiyak?"tanong ni Calyx na hindi na mamulat ang mata.

“Malamang may mata ka."sunod sunod na tumama kay Kaizer yung mga cutting board na gamit ng mga pinsan nya kaya napatawa ako.Napahinto sila at napatingin sakin.

Napakunot yung noo ko.

“Oh bat ganyan kayo makatingin?"

“Kasi tumawa ka!!"sabay sabay pa silang nagsabi.

Masama na bang tumawa?!

Napasimangot na lang ako.

“Edi wag ngumiti.Masama na palang tumawa eh!!"inis kong sabi at ako na yung naghiwa at nilakasan ko yung paghiwa.

“Dahan dahan naman,Pretty baka masugatan ka."tinutok ko yung kutsilyo sa kanila kaya napaatras sila.

“Oo na.Aalis na lang kami."sabay sabay nilang sabi at tumakbo na palayo.

Psh!Simpleng tawa lang bawal na agad?!Grabe ah!!

Living with these Five Hot Jerks [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon