Chapter 3-Burst Out

3.7K 121 12
                                    

[Jerish POV]

Pilit kong pinipigilan ang sarili ko na makasuntok habang naglalakad papuntang  classroom ng mga unggoy na iyon!

Lintek talaga yung magpipinsan na yun!Mapapatay ko talaga sila.Lalo na yung Zero Smith na yun!Hay naku!!!!

Hindi ko alam kung anong ikinapuputok ng butsi nun at ako ang napagtripan!

Napadaan ako sa school bulletin at nakita ko lang namang headline na kami ng balita.At ang mas ‘masaya' pa dyan ay nakalagay ang mga mukha namin.Ang bilis talagang kumalat ng balita.Kinuha ko yung pictures at binulsa.

Nakakabwiset rin yung tingin ng mga estudyante

Napatigil ako sa tapat ng classroom ng mga unggoy.Huminga muna ako ng malalim bago ako pumasok.Kinakalma ko ang sarili ko kahit halatang hindi ko magagawa.Napatingin lahat sakin pati ang mga unggoy.

“Good morning,Mrs. Cabrera.Pwede ko po bang i excuse ang mga ungg-este ang mga Smith?"tanong ko sa guro nila.

Biglang tumaas ang kilay nitong matandang ito.

“At bakit naman?"

“You know what,Mrs. Cabrera?Hindi ikaw ang kailangan ko kaya manahimik ka dyan."nilagpasan ko yung matanda at dumiretso sa likod kung saan nakaupo ang mga unggoy.

Bastos na kung bastos.Basta makaganti lang ako sa mga lokong ito.Nakakabastos rin ang ginagawa ng mga ito eh!

“Anong kagag*han ang ginawa nyo doon sa classroom namin?!Alam nyo ba ang ginawa nyo?!"sinampal ko sa mukha nila ang mga pictures na kinuha ko kanina sa school bulletin.Literal na sinampal ko sa mukha nila iyon.

Kinuha nila isa isa ang mga sinampal ko at napangisi sila.

“May nakakatuwa ba?!Alam nyo bang nagkanda letse letse ang buhay ko ng dahil sa inyo?!Ngayon usap-usapan na ako sa buong campus?!"

“Bakit?Hindi ka ba natutuwa na sikat ka na?"sabi ni Zero Smith.Ang lakas lang talaga ng apog nitong lalaking to!

Sinuntok ko sya mukha ng napaka-lakas.Yung tipong matatanggal na yung ulo nya sa katawan nya.

“Para sayo yang g*go ka!Pinlano mo pa talaga ang lahat ah!Tang na juice ka!!"sinuntok ko ulit sya sa mukha.Putok na ang labi nya at puro gasgas na ang mukha nya.Pero di pa rin sya nagalaw sa kinauupuan nya.Bagay lang sa kanya yang bugbog sa mukha nya.Para rin mabawasan ang kayabangan niya.

Nagsimula na akong maglakad palabas ng may humawak sa balikat ko.

“Pretty-AAH!!FVCK!!"binalibag ko lang naman siya.Si Storm Smith pala ang nabalibag ko.

Humarang si Calyx sa pinto kaya sinipa ko sya sa ano nya.Dun sa where-it-hurts-the-most.Kaya ngayon naglulupasay na sya sa sakit.Yung dalawang natira ay tinulungan na lang yung mga pinsan nila para tumayo.Kung subukan pa nila akong pigilan baka hindi lang sipa at bibag ang magagawa ko sa kanila!

Bagay lang sa inyo yan mga Smith.Deserve niyo yan.Dahil yan sa mga kalokohan niyo.

*Uwian Time*

“Uy Jerish ano bang nangyari?"

“Pwede ba Lexi tigilan mo muna ang pagtatanong?"naiinis na ako sa kanya.Kanina pa tanong ng tanong.

Alam naman nya siguro na wala akong balak makipag-usap sa iba sa lagay ko ngayon.At baka siya pa ang mapagbuntunan ko ng galit!

“Sure ka ba?"

Hindi ko na siya pinansin at lumabas na ng

Sumakay na agad ako at dumiretso pauwi.Nakakawalang sa mood yung mga Smith na yun.Alam nyo yung feeling na gusto kong umiyak sa galit kaso magmumukha naman akong kawawa nun.

Isa pa rin akong babae.Pusong babae na mabilis masaktan.Parang defense mechanism ko na kasi ang pagsusungit eh.Yun na yung pumoprotekta sakin.

Ayokong pagtawanan nila ako dahil mahina ako.Dapat matapang ako.Di papatalo.

Bago pa ako magdrama rito bumaba na ako at pumasok sa mansyon.Napatingin sakin ang mga unggoy na nanonood ng TV sa sala.

“Pretty....."
“Eris......"
“Rish...."
“Ish....."

Binigyan ko sila ng cold look bago ako dumiretso sa kwarto ko.Doon ko na binuhos ang galit ko.

Living with these Five Hot Jerks [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon