Chapter 28-Hurt

2.5K 90 3
                                    

[Jerish POV]

“Kain lang kayo ng kain."sabi ni Storm at agad akong kumain.Gutom na ako eh!!

Napansin kong di pa kumukuha ng pagkain si Katkat.Mukhang napansin rin ni Storm.

Anong problema nitong si Katkat?Di ba nya gusto yung pagkain?

“Bakit di ka pa kumakain?"tanong ni Storm kay Katkat.Napansin kong agad na namula ang mukha ni Katkat.Crush ba nya si Storm?Yihee!Kilig si Katkat oh!

“Bakit ka namumula?Mainit ba?"tanong ni Storm.Para kasing nagpi-picnic kami dito sa garden.Buti di masyadong mainit rito.

“Ah.....eh...."tinusok tusok ko yung bewang ni Katkat.

“Yihee~Crush nya si Storm oh!"bigla ring namula si Storm.Hahahaha!Kakatuwa ang mga to.

Patuloy ko silang inasar hanggang matapos kaming kumain.

Bagay naman kasi sila.May spark sila.Kyaah!Love na ito!!

“Crush mo sya no?Yun oh!Love team na ito!!!"asar ko.

“Hindi ko nga sya gusto!!Si Rex ang gusto ko!!!!!"bigla nyang tinakpan ang bibig nya ng marealize nya ang sinabi nya.

“Si Rex?"sabay na tanong namin ni Storm.Si Rex Smith ang gusto nya?Walanjo!!Yung antukin na yun?

“Hindi!!!"agad nyang depensa.

Naku!Naku!!May nabiktima na naman si Rex.Una yung kaibigan kong si Lexi.Sumunod naman si Katkat.Ano ba nagugustuhan nila kay Rex na walang ginawa sa buhay kundi matulog?

Biglang nawala sa paningin namin si Katkat.Mukhang nahiya na sya dahil sa sinabi nya.Malamang mahihiya sya kasi isang Smith ang kasama namin at to be fact na pinsan ni Storm si Rex.

“Ayt!Ang bilis mawala ah!"

“Oo nga eh!"

“Sana magkaayos na kayo ni Zero.Ayaw kong nakikita kayong nag-aaway."tumingin sya sakin dahil sa sinabi ko.

“Mataas ang pride ng taong yun.Hindi yun makikipagbati agad."

“Pero sana magkabati pa rin kayo."

“Tara!Ligpitin na natin to."wala na akong magagawa kung ayaw nyang magkabati sila.

Tinulungan ko na lang syang magligpit.Di ko napansing malapit na pala ang mukha namin sa isa't isa.Lalayo na sana ako pero may biglang humatak sa braso ko ng pagkahigpit higpit.

“What the-ZERO?!"nagulat ako na sya pala ang humatak sakin at nilayo kay Storm.

“Zero,bakit ka nandi-WHAT THE HELL?!"agad kong pinigilan si Zero sa pagsuntok kay Storm.Patuloy pa rin sya sa pagsuntok kaya hinatak ko sya palayo kay Storm.

Agad kong tinulungan si Storm dahil napansin kong pumutok ang labi at may mga galos sya.Hindi pa nga nakakagaling ang sugat nila,dadagdagan pa niya.

“Ano bang problema mo,Zero?!Wala ka bang magawa sa buhay mo?!Bakit mo sya sinuntok?!Anong ginawa nya sayo?!"galit na galit kong sigaw.

“He will kiss you!!Di mo naramdaman yun?!Manhid ka ba o tanga ka lang!!Ang landi mo kasi!!"di ko napigilan ang sarili ko at sinampal ko sya ng malakas.Nag-unahan sa pagtulo ang luha ko.

“Ano bang paki mo kung gusto nya akong halikan?!At sino ka ba para sabihan akong malandi?!Bakit?Nilandi ko ba sya?!At bakit ba nagagalit kung gusto nya akong halikan?!Ano ba kita?!HA?!"alam kong pumipiyok na ako dahil patuloy akong umiiyak.Di ko mapigilan ang mga luha ko sa pagbagsak.

“Alam mo Zero.Nag-iiba na yung tingin ko sayo.Akala ko matino ka,isa ka rin palang g*go.Nakakatawa lang na tinatawag akong malandi ng taong dapat mas kilala ako.Ang sakit na tawagin akong malandi kahit wala akong ginagawang masama.Ganun ba ako?Malandi na ba ako?Kumain lang ako kasama nya,malandi na ako?Paano kung kausap ko lang sya,malandi na ako?Gusto ko kayong mag-ayos dahil ayokong nag-aaway kayo pero parang nasasayang na yung effort ko."I smiled bitterly at umalis ng garden habang tumutulo yung luha ko.Di ko alam kung saan ako dinala ng paa ko basta iyak lang ako ng iyak.

Ang masakit kasi yung ginagawa mo naman yung tama pero ikaw ang lumalabas na mali.Sana wala na lang pala akong ginawa kasi ako rin yung lalabas na masama at malandi.Ngayon umiiyak ako at nasasaktan.....

Living with these Five Hot Jerks [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon