Chapter 38-Lingon

2.2K 90 7
                                    

[Jerish POV]

“Pwede ba tigil-tigilan niyo ako!!"naiinis kong sabi kay Storm at Hanz.Pagkatapos kong umiyak ay napag-isipan kong wag na munang pumasok.Wala ring papasok na lesson sa utak ko.At may Hanzama at isang Bagyo ang patuloy na sumusunod sakin.

Nakita kasi ni Storm si Hanz na niyayakap ako kaya nag-away pa yung dalawa.Kung mag-away,akala mo di magpinsan.Tch!

“Di pwede!!"sabay na sagot ng dalawa at nagtinginan ng masama sa isa't isa.

Napahawak na lang ako sa ulo.

Walang pag-asa itong dalawang ito.Si Hanz,nambwi-bwiset,etong si Storm naman ay pikon.Kaya walang mangyayari sa kanila.

Naglakad na lang ulit ako.Nasa mall ako ngayon at busy sa pag-aaliw sa sarili ko.Ayokong isipin na nagde-date si Hazel at Zero.

Alam nyo ang weird na talaga ng nararamdaman ko.Ayokong makikitang may kasamang babae si Zero.Gusto ko lagi syang nasa tabi ko.Oo,alam kong love na ito pero ayaw tanggapin ng utak ko na pagmamahal na ito.Dahil alam kong masasaktan lang ako at nandyan si Hazel.

Noong nasa probinsya kami doom yata nagsimula yung feelings ko eh.

“Libre nyo na nga lang ako,kundi ayaw nyong sipain ko kayo sa ano nyo dyan!!"

Agad silang umiling at parehas na inabot ang kanilang mga credit card.Mga takot hahahaha!!Nasanay lang talaga akong manakot!!

“Gusto ko pang magkaanak!!"
“May future pa ako!!"

Ngumisi na lang ako.Bayad na nila ito sa panggugulo sakin.

Bili lang ako ng bili ng kung ano-ano.Pera naman nila ito eh.Ginawa ko rin silang taga-bitbit ng mga pinamili ko hahaha!!

“Hindi ka pa ba napapagod?"napatingin ako sa dalawang mukhang mga losyang na.Hahaha!!Pinili nilang sumama sakin eh.

Lilingon na sana ako pero bigla nila akong hinawakan sa mukha.

“Ang ganda mo,Pretty!!"nakasapo yung mga kamay ni Storm sa mukha ko.

Problema ng mga ito?!

“Huy!Bitiwan nyo nga ako!"pilit kong tinatanggal ang pagkakahawak nila sa mukha ko.

“Bitiwan nyo ak-Hmmmppp!!"tinakpan ni Hanz yung bibig ko at pinasok ako sa isang boutique.

Ano bang problema ng mga ito?!

Tinanggal na rin nila yung kamay nila sakin.Napansin kong napahinga sila ng maluwag.

Ano bang meron?!

“Ano bang problema nyo?!Naiinis na ako sa inyo ah!!"ngumiti lang sila.

“Huwag kang lilingon!!"

Huwag lilingon?!Ano meron kung lilingon ako?!

Aish!!Nakakainis na ah!Gagawin nila sakin yun tapos wala naman palang dahilan.

“Bahala kayo dyan!"galit na nagmartsa na ako palabas.

“Wait lang!!"

Napahinto ako ng may makita akong dalawang pamilyar na tao na naglalakad.Mukhang napansin nila ako at napahinto sila.

“Oh!Hello,Jerish!Nasaan si Kuya Hanz?"tanong ni Hazel.Hindi ako umimik at nanatiling nakatingin kay Zero na hindi man lang ako kayang tapunan ng tingin.

“Girlfriend sya ng Kuya mo Zero oh!"

Nang-aasar ba itong babaeng ito?

“Wala akong pakialam.Nakikitira lang naman yan sa amin eh.Hindi namin yan kaano-ano.She's not that important."

Napatingi ako kay Zero.

Wala na ba talaga syang pakialam sakin?Hindi na ba ako importante sa kanya?Pagpapanggap lang ba lahat ng ginawa nya sakin?

“Aalis na ako."paalam ko at umalis na ako agad.

Habang tumatakbo,naramdaman kong babagsak na naman ang luha ko.

Ayan na naman yung luha ko.Tutulo na naman.Inubos ko na nga yung iyak ko eh.

Bakit ganun siya?!Ang cold nya?!

Nasaan na ang ‘I Like You' na sinabi nya?

Sana pala sinunod ko na lang yung sinabi ni Storm at Hanz.Hindi na sana ako lumingon pa.Masasaktan lang pala ako.

A/N:Ang hilig ko sa author's note no?Hahahaha!!

Dapat bukas pa ako mag-u-update kaso naisipan kong pambawi na lang guys sa inyo.Short update lang ito hihihi!!

Anyway,may bago akong mga stories.Time Limit and My Angel .Feel free to read that kapag di ako masyadong nag-u-update dito.(Promote promote din pag may time!Hahaha!)

Thank you guys sa mga nagvo-vote,nagco-comment at nag-a-add sa reading lists nila ng story na ito.

Aylabyou guys!!

Lovelots!!

-Saline0905

Living with these Five Hot Jerks [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon