Chapter 12-Run

2.7K 104 4
                                    

[Jerish POV]

Agad akong tumayo at nagpagpag ng sarili.Tumayo na rin si Zero.

Tumingin kami kay Kuya Guard na mukhang galit samin dahil sa nakita nya.

“May nagsumbong na may gumagawa ng milagro rito sa CR.Kung gusto nyong gumawa ng milagro pumunta kayo sa motel.Public CR ito,hindi motel.Sumama kayo sakin at kailangan kong i-report to."hinawakan ni Kuya Guard kaya umatras ako.

“Zero....."hingi ko ng tulong kay Zero pero masama pa rin ang tingin nya kay Kuya Guard.

“Hindi pwede"

“At bakit hindi?"nakataas kilay na tanong ni Kuya Guard.Shet!!Ang init na ng atmosphere dito!!Feeling ko nagpapatayan na sila sa isip nila.

Biglang lumapit yung ulo ni Zero sa tenga ko kaya nabigla ako at namula ang mukha ko.

No,no,no!!Hindi namula ang mukha ko dahil sa kilig,ang init lang kasi!!!!

“Bibilang ako ng tatlo,tumakbo na tayo agad."bulong nya kaya napatingin ako sa kanya.

“Sino magbibilang?"tanong ko.

“Ikaw!!"

“Bakit ako?"

“Basta ikaw na!!"angal nya sakin.Ako pa talaga?

“One....THREE!!"tumakbo na agad ako palabas.Naiwan si Zero sa CR.Hindi ko na sya binalikan.Baka mamaya ako ang mahuli ni Kuya Guard.

Takbo lang ako ng takbo ng may maramdaman akong may humawak sa kamay ko.Bigla akong nangilabot!Hala!!Lagot ako nito!!

Shet!Ang bagal kasi ng takbo ko kaya nahuli ako ni Kuya Guard!!

Di ako makatakbo ng mabilis dahil meron ako!!Duh?Paano ako makakatakbo nun?

Huminto ako dahil pagod na ako at tumingin sa humawak sa kamay ko.

Nanlaki ang mata ko ng makita kong si Zero yun.

“Kailan pa naging Three ang sunod ng One?"napatingin ako sa mata nya at ang sama sama ng tingin nya sakin.

“Kinabahan kasi ako!!"

“Tara na!!"hinatak nya yung kamay ko at tumakbo palayo.Di ko alam kung saan kami nakarating basta nakatitig lang ako sa kamay nyang nakahawak sa kamay ko.

Shet!Anong feeling to?Feeling ko may butterfly sa tiyan ko!!Ano ba to?!

Binaling ko na lang yung isip ko sa pagtakbo namin.Makatakas na lang sa kahihiyan.

Tumakbo kami ng tumakbo kaya agad akong napagod.

Pabagal na ng pabagal ang takbo ko hanggang sa huminto na ako pero hinatak pa rin ako ni Zero kaya wala akong nagawa kundi tumakbo na rin.Anong gagawin ko?Hawak nya yung kamay ko eh.

“Hoy!Baka gusto mong huminto?Napapagod kaya ako!!"angal ko pero hawak pa rin nya yung kamay ko.

“Just run."lalong humigpit ang hawak nya sa kamay ko at bumilis ang takbo.

Para kaming prinsepe at prinsesa na tumatakas sa isang palasyo habang hinahabol ng mga kawal!!Shet!!!!

Bigla akong natauhan sa mga iniisip ko.

What?!Ano tong iniisip ko?Mukha akong tanga!!

Nakarating kami sa parking.Sumakay na kami sa kotse nya.

Sinimulan na nyang paganahin ang makina ng kotse at ng mapagana na nya ay may binato sya sa backseat.

Yung plastic bag na puro sanitary napkin!!

Hindi ko mapigilan na matawa.

Binitbit pa nya talaga yun?!Pfft!!

Living with these Five Hot Jerks [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon