Chapter 32-Over Protective

2.3K 89 2
                                    

[Jerish POV]

Palabas na kami ni Katkat ng mall nang may sumalubong samin.Yung driver ng mga Smith.

“Oh?Manong Lino bakit po kayo nandito?Andito po ba ang mga Smith?"tanong ko.

“Pinapasundo po kayo ni Sir Zero."

“Si Zero?"

Bakit naman ako pinapasundo ng lalaking yun?

“Opo."

“Paano po yan?Itong kasama ko po ay ihahatid ko pa."nag-aalangan akong tumingin kay Katkat.

“Okay lang ako,Jerish.Sige sumama ka na.Magco-commute na lang ako."

“NO!Hindi pwede!!Inaya kita rito kaya ako ang mag-uuwi sayo."

Tumingin ako kay Manong Lino.

“Pwede po bang ihatid muna natin sya bago tayo umuwi?"

“Naku Ma'am.Nagsabi po si Sir Zero na bago mag-alas-otso ay nasa bahay na kayo."

Anong trip ni Zero?Mukha bang utusan nya ako na kapag nagsabi sya kailangan kong sundin?

“7:30 pa lang naman Kuya eh."

“Kailangan nyo na pong umuwi."sabi ni Manong Lino.

“Wait lang Kuya."

Humarap ako kay Katkat na nakangisi sakin.

“Oh?Anong ngisi yan?"

“Ikaw ah!Di ko alam na boyfriend mo na si Zero Smith."

Biglang namula ang mukha ko.

“H-hindi ah.Oo nga pala,paano ka makakauwi?"pag-iiba ko ng topic.

“Mag-co-commute?"

“Hindi pwede!!Maraming masasamang tao ang nasa paligid.Delikado ka,babae ka pa naman."

Nilabas ko yung phone ko at tinawagan si Storm.

[Sino ba ito?!]

Halata sa boses nya na naiirita sya.Nagising ko yata.

“Si Jerish to.Sunduin mo si Katkat rito sa mall.Kapag di mo ito sinundo,makita mo di talaga kita kakausapin ng isang taon or- worst-isang dekada.Kaya bilisan mo."pinatay ko na yung phone.

Tiwala naman ako kay Storm na pupuntahan nya si Katkat rito.Subukan lang nyang di pumunta rito.Puputulin ko yung ano nya!!

“Pumasok ka muna sa loob."kinuha ko yung phone nya at iti-nype yung contact number ni Storm.

“Ikaw na ang tumawag sa kanya.Sige na!Bye,bye!!"niyakap ko muna sya bago ako umalis.

Pagdating na pagdating ko sa mansyon,agad kong hinanap si Zero.Nakita ko sya sa sala na pa-chill chill lang sa panonood.

“Hoy!!"binato ko sa kanya yung bag ko.Itong lalaki na to masyadong pabibo.Nakakainis sya!!

“Oh?Andito ka na pala!"ngumiti pa sya sakin.Nambwi-bwiset ba to?!

“Ay hindi!Anino ko lang ito.Anino lang!!Psh!"inis kong sagot.Malamang ako ito.

“Bakit ba ang init ng ulo mo sakin?"hinatak nya ako at napaupo ako sa tabi nya.Hindi ako makagalaw dahil nakaakbay sya sakin.

Agad namang uminit ang mukha ko.

Shocks!Lagi na lang nag-iinit ang mukha ko kapag katabi o malapit si Zero sakin.Hindi ko alam kung kinikilig ba ako o kung ano!!

“Pwede bang lumayo ka sakin!!"pilit ko syang tinutulak pero masyado syang mapilit kaya nakaakbay pa rin ang kamay nya sakin.

“Bakit muna ang init ng ulo mo?"

“Paanong di iinit ang ulo ko sayo?Pinasundo mo pa ako na parang isang bata sa mall.Mukha ba akong bata para ipasundo pa!!"

“Then what if I tell you my reason kung bakit kita pinasundo?"tumingin ako sa kanya.Sumeryoso yung mukha nya.

“Kaya kita pinasundo kasi ayaw kong mapahamak ka pa.Maraming masasamang loob sa panahon ngayon.Ayokong mapahamak ka at ayokong mawala ka.Mas mabuti na mainis ka sakin o magalit kesa mapahamak ka."naramdaman kong seryosong seryoso sya.

“Bakit ayaw mo akong mapahamak?"di ko alam kung saan nanggaling yung tanong ko pero gusto ko talagang malaman kung ano ang dahilan.Dahil baka umasa ako sainiisip kong conclusion.

Kasi mamahalin pa kita.."

“Huh?Anong sabi mo?"biglang namula yung mukha ko sa sinabi nya.

“Wala yun."napansin ko ring namula ang mukha nya pero inakbayan na lang nya ako at nanood na lang kami.

Mamahalin pa ako?'

Shet!!Baka umasa ako!!Mga galawan nitong si Zero ay nagpapakilig talaga sakin!Feeling ko yung puso ko ang bilis na ng tibok at parang may paru-paro sa tyan ko.Di ko ma-explain ang nararamdaman ko!

Langya kasi tong si Zero eh!Masyado akong pinapakilig!!Dahan dahan lang sa pagpapakilig Zero kasi baka ma-fall na talaga ako!!

Living with these Five Hot Jerks [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon