Chapter 21-Palengke

2.6K 112 0
                                    

[Jerish POV]

Buong byahe nakasimangot si Zero.Malay ko kung bakit.Baka dahil nautog sya?Dunno!!

"Seriously?Dyan ka bibili?!"napatingin ako kay Zero na mukhang hindi gusto pumasok sa isang palengke.Ano i-e expect ko?Mayaman ang Smith kaya di sila pumapasok sa mga palengke.

"Kung ayaw mo di wag!"

"Talagang ayaw ko!!"

"Kay Ding na lang ako papasama!Hmp!!"naglakad na ako papuntang palengke ng magulat akong may tumabi sakin.

"Oh?Bat nandito ka?!"nakataas kilay kong tanong.Sabi lang nya kanina ayaw nya sumama tapos biglang tatabi tabi sakin.

"Mamaya may holdaper or snatcher pa dun eh.Sasama na lang ako."sabi nya at sya pa naunang maglakad.

Psh!!Snatcher daw?

------

"Hoy,Jeje.Ganito ba talaga dito sa palengke?Walang aircon?"

"Sira-ulo ka ba?Supermarket yung may aircon!"naglalakad lakad kami rito sa loob ng palengke.Naghahanap ng nasa listahan na pinabibili ni Lola.Actually,marami naman kaming nakita kaso ang mahal.

"Edi sa supermarket tayo!"napatigil ako sa paglalakad at tinaasan sya ng kilay.

"Edi maghanap ka ng supermarket.Bigyan kita ng isang milyon kapag nakahanap ka!Peste!Sakit mo sa ulo!!"naglakad ulit ako.Napansin ko na parang may spotlight saming nakatutok dahil lahat ng mga tao nakatingin samin.Actually,kay Zero lang.

Pogi ba naman eh napadpad sa palengke.Sinong di magugulat?

"Uhm Ate.Magkano po isang kilong manok?"

"150 ineng."

"Ate naman oh.130 na lang.Sige na!!"

"Hindi pwede.Hanggang 145 lang."

"Ay naku ineng.Wala na akong tubo nyan.Mahal na talaga ang manok.145 talaga."

Napabuntong hininga na lang ako.Mahal na talaga ang manok.

"Sige po.Salamat na lang."napatingin ako sa side ni Zero.Napatawa na lang ako ng makita kong maraming nagpapa-picture sa kanya.Artistahin ba daw?!Hahaha!

Halos karamihan ay teen-ager.Nakita kong nandidiri na si Zero dahil ang lansa ng amoy ng mga yumayakap sa kanya.

"Ehem!!Tara na!"hinatak ko na si Zero mula sa mga yumayakap sa kanya.Actually,ang lansa na talaga ng amoy nya.Hahaha!

"Bakit ganun?Ang lansa ko na!!"nandidiring sabi ni Zero.Maski ako mandidiri rin eh.

"Tara!Bili tayo ng manok bago tayo pumunta sa ukay-ukay!!"

"Ukay-ukay?"

"Basta!"

Hinatak ko sya sa isang tindahan ng manok.Nakipagtawaran muna ako pero ayaw ibigay ng ale ng mababang halaga kaya maghahanap na lang ulit kami.

"Eh bakit di mo pa binili iyon?145 na yun ah!Mura ah!"

"Tawaran ang tawag dun.Para makatipid ka.Ganun dapat ginagawa mo."

"Bakit kapag namimili ka sa supermarket,di ka nakikipagtawaran?"

Bobo ba to or what?!

"Malamang yung price dun ang kailangan mong sundin.Kasi nga supermarket yun."

"Okay.Tara balik tayo dun kay ale.Baka makatawad ka pag ako ang gumawa."ngumisi pa sya sakin.Yung ngisi ng isang Smith.

Nakipag-usap sya dun sa ale at nagulat ako ng inabot nung ale yung manok na nakaplastic kay Zero.

Nakangisi syang naglalakad papunta sakin.

"Paano...."

"Ginamit ko lang ang charms ko."

"Charms?"

"Secret ko na yun."

Mukhang dapat kasama ko lagi si Zero kapag mamalengke para makipagtawaran siya dun sa mga ale.Hahaha!

Naglalakad na kami papuntang ukay-ukay ng may bumangga sakin.Naramdaman kong basa yung t-shirt ko.

"Naku naman!!"tumingin ako sa nakabangga sakin.Isang batang palaboy pala.Na kasalukuyang umiiyak.

Actually,hindi siya mukhang palaboy kasi maayos naman yung pananamit nya kaso marumi nga lang at mukha siyang tisoy.Ang cute nga nya eh!!Pero ang payat nya.Sobrang payat.Parang di pinapakain.

"Ate,Kuya *sobs* huwag nyo po akong isumbong sa pulis.Pasensya na po talaga!!"

Lumuhod ako para magkapantay kami ng bata.

"Don't worry.Di ka isusumbong ni Ate sa pulis.Sama ka samin.Papakainin ka ni ate.Ako nga pala si Ate Jerish at siya naman si Kuya Zero."ngumiti na yung bata at pinunasan nya yung luha nya.

"Ako naman po si Riku.Pwede po bang tawagin ko na lang kayong Mama at Dada?"

Tumingin muna ako kay Zero.Ngumiti lang sya.

“O sige.Ako na si Mama Jerish mo at siya naman si Dada Zero mo."tumayo ako at binuhat sya kaso may bumangga sakin kaya muntik na akong ma out-of-balance.Buti nasalo kami ni Zero.

"Ako na magbubuhat sa kanya."kinuha nya mula sakin si Riku.Ngumiti lang siya sakin which is kakaiba at naglakad na.Sumunod ako sa kanya at dumiretso na kami sa ukay ukay.

Living with these Five Hot Jerks [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon