Chapter 39-Time's Up

2.2K 71 1
                                    

[Zero POV]

Naglilibot kami nitong si Hazel dito sa mall.Dito nya naisipang gumala.

Sinulyapan ko sila Storm na sinusundan si Jerish palayo.Gusto ko syang sundan pero hindi pwede.

“Siya ba si Jerish Lopez?"napatingin ako kay Hazel.Nang hindi ako sumagot ay napangiti sya.Ngiting demonyo,should I say.

“Siya nga.Bakit di ka makasagot?Natatakot ka ba?"

“Anong ikakatakot ko?"

“Ah!Di ka pala natatakot.Di ka natatakot na malaman nya ang lahat ng sikreto mo?Well,alam kong kapag nalaman nya ang sikreto mo,her heart will break into pieces so I'll just warn you for now.Stay.Away.From.Her.Before you hurt her that hard.Like what you have done on me."ngumiti sya na parang isang demonyo bago nya ako iniwan.Napa-igting ang panga ko bago sinuntok ang pader.

Fvck!!Sinusubukan talaga ako nitong babaeng ito!!

“She's fvcking testing my patience!!"

[Katkat POV]

Tinitignan ko na lang ang pangyayari mula sa malayo.Nasasaktan si Jerish dahil sa kanila.Mas pinipili ko na lang manood.

Kilala ko si Zero.Ayaw nyang masaktan nya si Jerish kaya kahit papano ay nilalayuan na nya ito.Dahil halata namang nahuhulog na rin si Jerish sa kanya.

Naglakad na lang ako palabas.Gusto kong magalit at saktan si Zero Smith pero alam kong may dahilan lahat ng ito.

“Bakit ka nandito?"napaangat ako ng tingin sa nagsalita.Si Storm Smith.Akala ko sinundan nya si Jerish?

“Wala lang.Nagpapahangin."sagot ko.Umupo ako sa bench at tinignan ang kalangitan.

“Ang ganda ng kalangitan no?"napatingin ako kay Storm na kasalukuyang nakatingala at nakatingin sa nga bituin.

“O-oo.Bakit nga pala di mo damayan yung pinsan mo?Andun sya sa loob."

“Hayaan muna namin sya.Kailangan nyang makapag-isip.Oo,lagi kaming nandyan para sa kanya,pero may pagkakataon talaga na kailangan mong labanan ang problema mo ng mag-isa dahil ikaw lang ang makakatulong sa sarili mo."ngumiti sya.Pure smile.

“Bakit kasi hindi na lang nya sabihin kay Jerish?"

“Dahil ayaw nyang masaktan si Jerish.Okay na yung umiyak lang sya ngayon pero kung sasabihin nya ay mas lalaki ang gulo.Kung sana ako na lang kasi ...."

“Huh?"hindi ko masyading narinig yung sinabi nya sa dulo kasi ang hina nya magsalita.

“Wala!!"ngumiti lang sya at tumingin sa langit.Tumingin na lang din ako.

Sana maayos na ang nga problema bago ito makasakit ng iba pa.Sana tama ang mga magiging desisyon ni Zero.

Kasi alam nyo parang exam lang yan.Multiple choices. Kailangang mamili ng iniisip mong tama.At kung iyan ang pinili mo,panindigan mo.Ibig sabihin naman nang pagbubura o pagpapalit ng sagot ay tinatanggap mo na mali ka na at kailangan mong itama ito.Pero kailangan mo ng baguhin ito kahit maaga pa.Bago pa maubos ang oras at sabihing ‘Time's Up'

Living with these Five Hot Jerks [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon