Chapter 37-Pain

2.3K 78 0
                                    

[Jerish POV]

“Jerish!!"napatingin ako ng tawagin ako ni Lexi.

“Yes?"

“Tara,punta tayo sa library."aya nya sakin.Nasa room kaso kami ngayon.Hinihintay ang next teacher namin dapat kaso may biglaang meeting raw kaya free time namin ngayon.

“Bakit?Anong gagawin mo dun?"tanong ko.

“May hahanapin lang akong libro."

“Sige."naglakad na kami papuntang library.

Naalala ko na naman yung kahapon.

I like you..."
I like you..."
I like you..."

Hindi ko ma-gets kung bakit nya ako sinabihan ng ganun.Gusto nya ako pero nandyan yung girlfriend nyang si Hazel.Bakit nya ako sasabihan ng gusto nya ako kung may iba syang mahal?Ang gulo!!

Nakarating rin kami sa wakas sa library.Sa sobrang lalim ng iniiisip ko,di ko napansing nandito na pala kami.

“Hintayin mo na lang ako rito."tumango na lang ako.Umupo na lang ako rito sa bandang dulo.Para wala masyadong istorbo.

“Hi Miss Ganda!"napaangat ako ng tingin sa nagsalita.

Bakit nandito itong Hanzama na ito?!

“Bakit ka napadpad dito?"nakataas kilay na tanong ko.Hindi naman kami maririnig ng librarian dahil nandito kami sa dulo.

“Naamoy ko ang mabango mong halimuyak!"nakangiti nyang sagot.Di ko alam kung bakit pero naiinis ako sa ngiti nya!

“Kailan ka pa naging aso?!Pwede ba lumayo layo ka sakin at baka masuntok kita ng wala sa oras!!"

“Kaya mo ba?"nakangiting tanong nya.Nilapit pa nya yung mukha nya sakin.Kasi nakatayo sya habang nakaupo ako sa isang sulok.Parang hinahamon ako.Nakakabwiset na to ah!

Sinuntok ko sya ng malakas sa mukha.Na-bwiset na ako eh!Nangati na rin ang palad ko na suntukin itong lalaking ito.May kasalanan pa ito sakin eh!Yung hinulog nya ako kaya sumakit yung balakang ko!

Nagulat sya sa ginawa ko pero napangiti rin sya.Abnormal talaga ang isang ito.

“So feisty!I love it!"sabi nya na parang amaze na amaze sya sa ginawa ko.Psh!

“So arrogant!I hate it!"ginaya ko pa yung tono ng pagsasalita nya.Tumayo na ako at iniwan sya.

Hinanap ko na si Lexi.Nakita ko sya na naghahanap ng libro sa History section.

“Di ka pa ba tapos?"tanong ko.

“Hindi pa eh!"sagot nya.

“May Hanzama ang ugali dyan eh.Lalabas na muna ako baka mapatay ko yung lalaking yun."inis na inis na sabi ko.Tinawanan lang nya ako.

“Sige na nga.Labas ka na.Hintayin mo na lang ako sa canteen."

“Okii!!"lumabas na agad ako baka sundan pa ako ng abnormal na yun.

“GANDA!!"nang marinig ko yung boses ay agad akong tumakbo.Kailan ba ako titigilan ng abnormal na yun?!

Napahinto ako ng may mahagip ang mata ko.

Si Zero at si Hazel magkasama,magkahawak kamay.

Di ko alam pero biglang sumikip ang dibdib ko.Hindi ko alam kung bakit.

“Ganda!!"tawag ni Hanz sakin.Napansin nya yatang natigilan ako kaya tinignan nya kung saan ako nakatingin.

“Huwag kang umiyak..."niyakap nya ako at dun na tuluyang tumulo ang luha ko.

“Oh nandito kayo?Sino siya?Girlfriend mo Kuya Hanz?"narinig ko ang boses ni Hazel.Nakalapit na sila siguro samin.Akmang aalis na ako sa pagkakayakap ni Hanz pero pinigilan nya.

“Oo.Girlfriend ko sya."

“Ah ganun ba?Magde-date lang kami ni Zero.Bye na Kuya Hanz!Bye girlfriend ni Kuya Hanz!"nawala na yung presensya nila kaya lalo lang akong napayakap kay Hanz dahil sa narinig ko.

Magde-date sila?!

Nasasaktan ako kapag nakikita ko sila magkasama!Nasasaktan ako kapag magkalapit sila!Nasasaktan ako kapag magkausap sila!

Nagiging weak ako pag nandyan si Zero.

Ganito ko na ba kamahal si Zero para masaktan ako ng ganito?!

A/N:Happy Halloween Ka-Jeje at Ka-Niaaway!!!Happy Sawi Day for Jerish!!😂😂

Living with these Five Hot Jerks [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon