Change is Coming-Halloween Special

2.3K 87 3
                                    

A/N:Happy Halloween Guys!!Enjoy reading!

[Jerish POV]

“Eris!!Pupunta daw tayo sa isang halloween costume party sabi ni G.Pops."napakunot ang noo ko.

“Halloween costume party?"

“Oo!Punta tayo kasi maraming pagkain dun.May costume na daw tayo."sagot ni Kaizer.Mukhang pagkain talaga ang taong ito.Patay gutom!Tss...

“Ayoko."pinagpatuloy ko lang ang pagbabasa at di sila pinansin.

“Ish naman!!"

“Ayoko nga!!"

“Bilis na Rish!Kami bahala sa gawaing bahay ng buong linggo."biglang kumislap ang mata ko.

Seryoso sila?!

“Isang linggo lang?"nakataas ang kilay ko.Dapat maging isang month para wala na akong gagawin ng isang buwan.

“Isang month na nga!!"ngumiti ako ng matamis sa kanila.

“Sige kailan ba yun?"tanong ko.Buti isang month akong walang gagawin.

“Mamayang hapon.Pero aalis na tayo agad kaya magbihis ka na."sagot ni Calyx na naglalaro sa phone nya.

Wait....

“MAMAYA NA?!"

“Oo.Bakit?"tanong ni Storm.

“Bakit ang bilis naman?!"

“Dapat si G.Pops ang pupunta kaso di naman trip ni G.Pops yun at wala dito sa Pilipinas si G.Pops.Kaya tayo ang pinapapunta."sagot ni Kaizer.

“Bihis na kami.Nasa kwarto mo na yung costume mo!"

Pumunta na ako sa kwarto ko at nakita ko yung sinasabi nilang costume.Costume na vampire.
  
Sinuot ko na yung costume at nagmake up na rin para bumagay naman sakin.

Nang matapos na ako ay lumabas na ako.Nakasalubong ko si Rex,Calyx and Kaizer na nakaupo sa sala.

“Oh.....vampire.Rawr!!"natawa ako sa sinabi ni Kaizer.

Ang costume nilang tatlo ay mga zombie.Ang cute nilang mga zombie!!

“Nasaan na yung dalawang kumag?"tanong ko.Ang ibig kong sabihin ay sina Storm at Zero.

Ngumuso sila sa likod ko kaya umikot ako at nakita ko sila Storm na isang skeleton at si Zero na vampire.

Wait....vampire rin sya?!

“BAKIT VAMPIRE ANG SUOT MO?!"
“BAKIT VAMPIRE ANG SUOT MO?!"

Sabay naming sigaw ni Zero.

“GINAGAYA MO BA AKO?!"
“GINAGAYA MO BA AKO?!"

“Pwede ba wag nga kayo magsigawan?!Tara na!!Male-late na tayo!"

Hinatak na kami ni Storm at pumunta dun sa venue.Halloween Costume Party nga itong pinuntahan namin.Talagang di trip ni G.Pops ito.

“Omo!!Mag-asawang vampire!Pa picture tayo!"nagulat ako sa sinabi nung dalawang bata.Akala nila mag-asawang vampire kami nitong si Zero.

Nagpa-picture sila samin kahit na nandidiri kami ni Zero sa isa't isa.

“Thank you po!"

Dumami yung mga nagpapa-picture samin.Akala talaga nila na mag-asawang vampire kami.Ang sakit na ng panga ko kakangiti.Buti hinatak na kami nila Rex.

“Pa-pic kami!!"pang-aasar ni Rex kaya tumawa ang magpipinsan.Ako naman ay nakasimangot na.

“Nakakatuwa no?"sarcastic kong tanong.

Parang prom pala itong Halloween Costume Party na ito.Kailangang may partner kaya pala nagpa-picture yung mga bata samin.

So in short,ka-partner ko itong si Zero Yung magpipinsan ay naghanap nang mga kapartner nila.

Sumasayaw kami ngayon sa dance floor.

“Dapat halloween party ito diba?Bat parang naging prom?"

“IDK"

“Psh!!"

Nang matapos kaming sumayaw ay umupo kami.

“So Mr. and Mrs. Vampire.Anong plano natin?"binato ko ng tissue si Rex.Kanina pa sila nambwi-bwiset at naiinis na ako.

Buti pa si Kaizer,kain lang ng kain ng candies.

“Aalis lang ako."napatingin kami kay Zero na tumayo at umalis.

Nagkwentuhan na lang kami.Napagdesisyonan naming umuwi na kami pero di pa bumabalik si Zero.Hinanap namin sya at nakakita kami ng hindi kapni-paniwalang pangyayari.

“Totoo ba itong nakikita ko?"Rex.
“What the fvck?!"Storm.
“Anong ginagawa nya?!"Kaizer.
“Namamalik mata ba ako?!"Calyx.

Napanganga na lang ako.

S-si Zero kasi....
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nagse-selfie..

Pucha!!Anong nakain ng hambog na ito?!

GRABE!!Kakaiba itong Halloween na ito?

Si Zero ang taong di masyadong gumagamit ng gadgets at lalo na hindi nagse-selfie.Kaya nakakagulat ito.

“Anong nangyari sayo,Zero?"

“Maganda rin pala ang pagse-selfie.Nasto-store mo yung mga memories with just one click.I'm starting to love selfies."

CHANGE IS COMING NA TALAGA!

Living with these Five Hot Jerks [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon