Chapter 10-Problem

2.8K 105 8
                                    

[Jerish POV]

“Wala ka namang tagos eh.Wag kang tingin ng tingin sa likod ng palda mo."hinawakan ni Rex yung ulo ko at hinarap.Nakatingin kasi ako sa kanya.

Nag-sorry na ako sa kanya.Nang tinutukan ko sya ng baril.Pinatawad naman nya agad ako.Di ko naman yun sinasadya eh.

“Oo nga.Maglakad ka lang ng maayos.Kung may kailangan ka.Tawagan mo lang kami,Ish.Okay?"binaba na nila ako malapit sa school.Hindi pwedeng sabay sabay kaming pumasok.Delikado!

Buti nga nakalimutan na sa school yung ginawa nila sakin.I meandun sa prank nila na utos ng magaling nilang pinsan.

“Jerish!!"lumapit sakin si Lexi at niyakap ako.Anong meron?Bakit napaka-clingy naman ng babaeng to?

“Anong meron?"tanong ko.Ang weird nitong best friend ko

“Paano ba naman,in-accept na ni Rex Smith yung friend request ko sa FB nya!!""kinikilig pa sya ng sinasabi nya yan.

“Sige lang."naglakad na kami sa hallway.Napansin ko ring dumating na yung magpipinsan.

Wala namang masyadong nangyari sa school.Parang normal na araw lang.

“Jerish,punta tayo sa mall."aya sakin ni Lexi.Uwian na naman eh.

Bigla akong napatingin sa gawi ng magpipinsan na nakatingin samin.Naka-smile sila pero nakakailang yung tingin nila.

“T-tara na!!"hatak ko kay Lexi.

Nang makarating kami sa mall.Hatak sya sakin ng hatak papunta sa iba't ibang boutique.Kaya minsan naiinis na ako.

“Kain na tayo,Jerish."hinatak na ulit nya ako papuntang food court.Kaming dalawa lang naman ang kakain,ang dami pa nyang in-order.

“Lexi,cr lang ako."

“Okii.Kakain na ako rito."nagpunta na ako ng cr.Napansin kong kailangan ko ng magpalit ng ano........basta!!Yung girly thing na yun.

Naghanap ako ng sanitary napkin sa bag pero wala akong mahanap.Hindi naman pwedeng lumabas ako rito para bumili.

Tatawagan ko sana si Lexi ng maalala ko na kumakain na pala sya.Ayoko namang guluhin ang pag kain nya.

Sino na lang tatawagan ko?

“Tawagan mo lang kami,Ish.Okay?"

Tawagan ko kaya sila?

Haist!!No choice na!!

Tinawagan ko si Storm.Ilang ring muna bago nya sinagot.

[Yes,Pretty?May kailangan ka?]

“Uhm!Pwede nyo ba akong puntahan rito sa mall?"nahihiya kong tanong.

[Huh?May pinapagawa sakin si G.Pops kaya si Zero na lang papapuntahin ko.Bakit ba?]

“Bakit sya pa?Nasaan sila Rex?"

[Kasama ko sila.Si Zero lang ang hindi busy kaya sya na lang papapuntahin namin.]

“Okay basta sabihin mo bilisan.Nasa comfort room lang ako ng food court."

Binaba ko na yung tawag.Tapos mga ilang minuto ay may kumatok.

“Hey,war-freak."

Ang bilis naman ni Zero.Si Flash ba to sa bilis?

“Ano bang kailangan mo?Hoy!Mamaya may makakita sakin dito.Baka sabihing naninilip ako."

Kaya ayokong si Zero ang pupunta eh,masyadong mareklamo.Tch!

“Oo na.Bili mo ako ng....."

Shet!Nakakahiya kasi eh!!

“Ng ano?"halatang naiirita na sya base sa boses nya.

“Yung may wings...."

“Anong wings?"

“Yung ano......"

“Ano nga?"

“Sanitary napkin."bulong ko.

“What?Di kita marinig!"

“SANITARY NAPKIN!BOBO!!"

Living with these Five Hot Jerks [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon