Chapter 1-Meet the Five Hot Jerks

10.3K 207 40
                                    

[Jerish POV]

Tahimik akong nagluluto ng agahan namin sa kitchen.Alangan namang magsisigaw ako?Psh!

Okay,ako na mainit ang ulo ngayong umaga.Paano ba naman kasi kagabi punta ng punta yung magpipinsan at humihingi ng tulong para sa project nila kahapon na hindi nila alam dahil nag-cutting sila.Kasalanan nila yun tapos ako naghihirap.Nakakairita sila!Kung hindi lang talaga ako mabait!Hay naku!!

Andyan naman kasi yung matalino nilang pinsan.Hindi dun magpaturo at kailangan pa sakin.Iniisip ko na nga na nambwi-bwiset lang sila eh.

Ako ang nagluluto kesa asahan ko yung mga unggoy na yun.Baka sunugin pa nila itong buong bahay sa sobrang galing nilang magluto.Tch!Sa galing nilang magluto,lahat ay nagiging itim.In short,sunog lahat!

Wala ring katulong rito kaya ako ang nagluluto.Sakin kasi hinabilin ang mga sira-ulo!Wala rin akong magagawa dahil nakikitira lang rin naman ako.

"Eris,nakita mo ba yung relo ko?"tanong ng isang lalaking nag-uunat pa na kakapasok lang sa kusina.Siya si Rex Smith,ang pinaka-antukin.Kahit saan pwede sya makatulog,masikip man o maingay.

"Mukha ba akong hanapan ng nawawala?!"

Pinagpatuloy ko lang ang pagluluto ng may pumasok ulit.

"Rish,nasaan na yung mga charger ng PSP ko?"tanong ng isang lalaking na naglalaro ng PSP.Siya si Calyx Smith,isang gadget freak.Lagi mo syang makikitang may hawak na gadget.Buti nga di lumalabo ang mata niya!!

"Ish,ano agahan natin ngayon?"isang lalaking kanina pa ayos ng ayos ng buhok nya ang nagtanong naman sakin.Ito naman si Kaizer Smith,isang napakalanding nilalang.Lahat ng babae,nilalandi.Isa rin syang napakahangin na nilalang.Dito naman sa lalaking to,be careful girls on his ‘nakakasukang mukha'.

"Pretty,sabay ka sakin ah!"sabi naman ng isang lalaking kanina pa nakangiti sakin.Siya si Storm Smith,isang super-genius.Sa sobrang talino nya ay maski ang mga professor namin ay daig nya.Yan ang sinasabi kong matalino nilang pinsan.

"Tch!"ito naman si Zero.Isa syang snobber at napaka-tahimik na tao.No comment sa taong ito.Di kami close.Psh!

"Pwede ba,kumain na lang kayo?!Andami nyo pang satsat.Aalis na ako.Kayo maghugas ng pinggan."kinuha ko na yung bag ko at umalis na.

Isa lang pagkakapareho ng magpipinsan na yan,masyadong playboy at ang pangunahing playboy ay si Kaizer.

Walang nakakaalam sa university namin na nasa iisa kaming bubong.Ako ang may gusto na wag ipaalam sa iba dahil sikat sila sa university.Todong pamba-bash ang gagawin ng mga 'fans' nila.At ayokong masira ang high school life ko ng dahil sa kanila.Okay nang sa bahay lang nila ako guguluhin ng mga asungot na yun.

Isa pang dahilan kung bakit ayaw ko sa kanila dahil sa pagtawag nila sakin ng iba't ibang nickname.Putek!Jerish ang name ko,pero gumagawa sila ng kung ano-anong mga name mula sa pangalan ko.Konti na lang Dora,Power Rangers,Doraemon ang itawag nila sakin.Psh!

"Jerish!!"tawag sakin ng bestfriend kong si Lexi Madrigal.Oo nga pala maski itong bestfriend ko walang alam sa pagtira ko sa mga Smith.Ayokong malaman pa niya!

"Yep?"

"Tara punta tayo sa locker room."kumunot ang noo ko sa sinabi nya.

Locker room?Para saan?May naiwan ba sya?Libro?Notebooks?

"Anong gagawin natin dun?"

"Iiwan ko lang tong chocolate sa locker ni Rex."kinikilig pa sya.Psh!Kay Sleepyhead pala ah.

"Hay naku,Lexi.Tigilan mo na ang kahibangan mo kay Rex Smith.Masyadong antukin yun at baka tulugan ka lang nun."

Siya naman ang kumunot ang noo.

"Bakit ganyan ka magsalita?Parang kilalang kilala mo na sila ah.Diba sabi mo hindi ka interested sa mga Smith?"

Pakshet!!

"Ah yun ba?Narinig ko lang yun sa isa sa kaklase natin.Hehe!"okay na ring palusot yan.Mukha namang naniwala sya.Buti na lang talaga naniniwala siya sa mga pinagsasabi ko.

"KYAAH!AYAN NA ANG MGA SMITH!"tili ng isang babae sa likod namin.Kaya biglang nakitili rin itong si Lexi.Andyan na malamang yung crush niya na si Rex Smith.

Psh!Yung mga asungot,naglalakad sa hallway na akala mo rumarampa sa isang fashion show.At takte,mga nakashades pa.Akala mo naman napakataas ng araw eh ang dilim nga eh.

Lahat ng babae ay gumilid para bigyan ng daan ang magpipinsan na Smith pero di ako natinag sa kinatatayuan ko sa gitna ng hallway kahit hinahatak na ako ni Lexi.

Bakit ba?!Ano sila diyos,para bigyan ng daan?Pa-special?Baka special child.Psh!

"Bakit nasa gitna pa rin sya?"
"Hey,umalis ka dyan.Dadaan ang mga Princes."
"Grabe!Bakit ayaw umalis nung girl?"

Hindi ko na lang pinansin yung mga ibang estudyanteng nagbubulungan.Pake ko?Nandun sa pluto!Pakihanap.

Nakarating sa harap ko ang mga Smith at nakangisi pa ang mga ito.Ang sarap sapakin hanggang mawala ang ngisi sa mukha nila.Nakakainis kasi ang mga ngisi nila!Nakakaasar!

"Everyone get lost.In 3....2....1"wala pang 1 eh nagtakbuhan na palayo ang estudyanteng nakapalibot samin.In short,wala ng mga tsismoso at tsismosa.

Porket sikat tong mga to.Grabe kung makapagpalayas.Tch!Mayayaman nga,ang gara naman ng ugali.Saksak nila sa baga nila ang pera nila!Baka mapaayos pa nila ang ugali nila!

"Do you mind to give us a way,Ish?"nakangising tanong ni Kaizer.

Sabi ng Jerish ang name ko hindi Ish.Kabwiset!!

"Bakit ba super pa-famous kayo?!Nakakabwiset ang kayabangan nyo!!"asar na sabi ko.

"Oh,wag masyadong mainitin ang ulo,Eris."nag-aalalang sabi ni Rex.Matutuwa sana ako kung iba ang nagsabi dahil concern yun kaso isang Smith kaya hindi totoo o nang-aasar lang.Idagdag mo pa ang ngisi sa mukha nila.Psh!

"Tigilan nyo ako at mamaya tamaan kayo sakin."

"Hayaan mo at handa naming tanggapin."nakangising sabi ni Storm.

“Huh?"natigilan ang mga pinsan niya kaya napatingin siya sa mga iyon.

"Lul!Ikaw na lang sumalo.Damay mo pa kami!"angal ni Rex.

"Letse ka,Storm.Tigilan mo ang pandadamay samin."angal naman ni Calyx.

Nagturuan pa sila kung sino ang uunahing sasapakin ko.Lahat sila sapakai ko diyan eh!

Napatingin na lang ako kay Zero na mukhang walang pakialam sa mga sira-ulo nyang mga pinsan.

"Give us a way.Get lost too."tinignan ko ng masama si Zero na nakalagay ang mga kamay sa bulsa ng pantalon at feeling siga.Aba ang kapal ng mukha nitong Zero na to ah.

"Hoy,kung gusto mo ng way doon ka sa highway marami dun.Pwede ka pang magpabangga sa mga kotse.At diba sinabi ko na sa inyong mga Smith na tigil-tigilan nyo ang pagkausap sakin habang nasa school?!Gusto niyong sipain ko kayo?!"banta ko.

"Fvck,Zero sabi ng pigilan mo yang bibig mo!!"angal ni Kaizer Smith.

"Nagmana kasi yan sa mga baril.Kaya tignan mo yung bunganga.Ratatatat."kalmadong sabi ni Storm na walang paki sa nangyayari.

"Gago ka ba,Zero?Pwede bang i-zipper ang bunganga mo!!"angal naman ni Rex Smith.

"Isa nang matagal na gago yan,Rex."sabat naman ni Calyx.

"Pakyu kayo."

Umalis na ako dahil nakakairita ang pag-aaway nila.Tch!!Walang katapusang pag-aaway!

Nakakasira ng mood talaga ang mga Smith!!Bwiset!!

Living with these Five Hot Jerks [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon