Chapter 6-Kainis

3K 98 7
                                    

[Jerish POV]

Ngayon nakaupo ako sa harap ni Zero na sobrang sama makatingin sakin.Grabe,kung ang tingin ay nakakamatay,kanina pa ako patay.

Sa mga seryosong usapan na ito,nakuha pa nyang uminom ng yakult.Kahit kailan talaga,hindi mabubuhay ang taong ito ng walang yakult.

“Napa-"lalo nya akong tinignan ng masama.Ano bang masama?Natatawa lang naman ako?!

“Eto na nga eh.Tatahimik na ko."tinikom ko na ang bibig ko.Nasa likod ko ang mga pinsan ni Zero.Kanina pa sila tawa ng tawa kahit na minumura na sila ni Zero.Eh sino ba naman kasing hindi matatawa?Pfft!!

“Let's start this discussion."pagbasag ni Zero sa katihimikan este sa tawanan naming ng mga pinsan nya.

Kahit kasi na wala na yung doodle sa mukha nakakatawa pa rin dahil maalala mo talaga.

“Si Eris ang gumawa nun sayo,Zero kaya labas kami dyan."sabi ni Rex at sumang-ayon naman ang mga pinsan nya.Sige lang,pagtulungan nyo ako.Tch!

“Bakit?Ako lang ba tumawa?Pinicturan nyo pa nga sya eh."angal ko.

“Oo nga no?"napaisip si Kaizer sa sinabi ko.Di ko alam kung clueless ba tong si Kaizer kung bakit kami nandito.

“Pero labas kami dyan."sabat ni Calyx.

“Anong labas?Nagpa-picture pa nga kayo.Lokohin nyo lelang nyo."

“Dinamay mo pa ang lelang namin.Sumbong kita kay G.Pops eh."

“Bad ka Rish!"

“Ako pa talaga?!"sinabunutan ko si Calyx at inaawat naman kami nila Kaizer,Rex,at Storm.

“Stop that!"napatingan kami kay Zero na ang sama ng tingin samin.Tumigil na kami dahil kulang na lang ay batuhin nya kami ng vase na nasa gilid nya.

“Kayong lahat ay may kasalanan sakin.Kaya wag na kayong magturuan pa!"

“Anong kasalanan namin?!"angal ng magpipinsan na nasa likod ko.Yan!Ako lang daw ang may kasalanan ah!

“Kinulong niyo ako sa kwarto ng war-freak na yan."

“Hahahaha!Oo nga no?"nagtinginan sila at nagtawanan.

Wait.....

What the-?!War-Freak?!

Binato ko si Zero ng throw pillow.Pero nakaiwas sya.Magaling umiwas ang loko eh.

Lahat sila ay may iba't ibang tawag sakin.Eris,Rish,Ish,Pretty,and War-freak?Seriously?!Nahihilo na ako sa tinatawag nila sakin.

“Tigilan nyo nga ako kakatawag ng iba't ibang name sakin?!"

“Don't change the topic.Pirmahan nyo to."naglagay sya ng papel sa mesa.Nag-unahan naman yung magpipinsan sa pagkuha kaya ako na ang humatak sa papel at baka mapunit pa nila.

“Contract?Sa paglilinis ng buong mansyon?Ng isang linggo?Seriously?!"napaawang ang bibig ko sa nabasa ko.Talagang sineryoso nya yung pagiging slave thingy?

“Pati kami?!"tanong ng mga pinsan nya.

“Oo lahat kayo.Dahil lahat kayo ay may kasalanan sakin."

“Andaya naman!!!"

“Kung ayaw nyo,magbayad kayo ng ₱50,000 sakin per person."bored na sabi ni Zero.What the hell?!50k?Just for not cleaning this mansion in one week?!

“Sige ba."naglabasan na ng mga pera ang magpipinsan.Porket mayayaman sila,kayang kaya nilang maglabas ng pera at gumastos na parang barya lang yun.Kung may ganyan lang akong karaming pera eh.

Grabe!Nakakuha agad si Zero Smith ng 200k sa mga pinsan nya.

“How about you,war-freak?!"nakangisi syang tumingin sakin.Alam nya kasing di ko kayang maglabas ng ganyan kalaking halaga ng pera.

“Pakshet ka!!"pinunit ko yung kontrata at umakyat na pero may narinig akong sinabi ni Zero.

“Akala ba nya,tanga ako para hindi mag-xerox ng copy nun?"sabi ni Zero at nagtawanan pa ang magpipinsan.

Lalong uminit yung ulo ko kaya pumasok na ako sa kwarto ko.Pabalibag kong sinara yung pinto.

Kainis!Bwiset!!!!!

Living with these Five Hot Jerks [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon