Chapter 35-Hazel Marquez

2.2K 76 6
                                    

[Jerish POV]

"Kuya Hanz?"

Lumapit samin ang magpipinsan.

"Hi,my cousins."nakangiting sabi ni Hanz pero ang magpipinsan ay nakatulala lang.

"Ganyan nyo ba wine-welcome ang pinsan nyo?"

Wait.....pinsan?

"Wait nga lang.Pinsan nyo tong Hanz na to?"nagtatakang tanong ko.Pinsan nila tong Hanzama ng ugali na to?

"Y-yep."

"Kapatid ko si Zero."napatingin ako kay Hanz.Kapatid nya si Zero?

"Tara na,Jerish."hinatak na ako ng magpipinsan palayo.

Anong ginagawa nila?Bakit parang hindi nila gusto na nandito yung pinsan nila?

"Bakit parang di nyo gustong nandito si Hanz?"tanong ko sa kanila.Pansin ko kasing kanina pa madilim yung mukha nila.Nakakatakot sila.

"Di talaga namin gusto."sagot ni Kaizer.

"Bakit?"

"Ayaw naming sa amin manggaling.Tanungin mo na lang si Zero kung gusto mo."

Ang gulo naman ng mga ito.

Nanahimik na ako dahil mukhang wala silang balak sagutin ang tanong ko.

"Zero!!"nakita namin si Zero na naglalakad sa hallway.Agad kaming lumapit sa kanya.Napansin ko agad na ang dilim ng mukha nya.Bakit ba laging ganyan ang mga mukha nila?

"Bakit ganyan ang mukha mo?"tanong ko.

"Bakit nyo kasama yang lalaking yan?!"hinatak nya ako mula kay Storm.

"Di ba sabi ko gagalusan ko kayo sa mukha kapag nilapit nyo itong babae ko sa ibang lalaki?!"pagkatapos nyang takutin ang mga pinsan nya,tumingin sya sakin.

"Nasaktan ka ba?May masakit ba sayo?Bakit may sugat ka sa tuhod?Kasalanan ba nya?!"hinawakan ang mukha ko.Tinitignan nya maigi yung galos ko sa tuhod.Tinakpan nya ito gamit ang panyo ko.

"Jusko!Landian pa more!!!"sigaw ng mga pinsan nya.

"Lintek Zero!!Puro ka kalandian!"nandidiring sabi ni Calyx.Bitter kasi eh!Hahaha!

"May sasabihin kami sayo!!"sabi ni Storm na kanina pa madilim ang mukha.

"Di ikaw ang kaus-ARAY!!"siniko ko sya kasi may balak pa syang makipag-away kay Storm,kitang walang sa mood makipag-away ang pinsan nya.

"Ano yung sasabihin nyo?"sumeryoso na si Zero.Buti naman!

"Si Kuya Hanz nandito."sabi nila.Agad na dumilim ang mukha ni Zero at napansin ko ang pagigting ng panga ni Zero.Senyales na galit na si Zero.

"Nasaan siya?"tanong ni Zero.

"Iniwan namin sya sa may garden."sagot ni Rex.

"Iuwi nyo na si Jerish."hinawakan ako ng magpipinsan sa braso at naglakad papalabas nang may marinig kaming tili.

"ZERO MY BABY!!"napatigil ako at nakita ko ang isang napakagandang babae na nakayakap ngayon kay Zero.Kita ko sa mukha ni Zero na nagulat sya sa pagsulpot ng babae.

"Bakit ka nandito?"kinakabahang tanong ni Zero.Bakit kinakabahan si Zero?

"Syempre!Dito na ako mag-aaral kasama mo baby."

"WHAT?!"sabay sabay na sigaw ng magpipinsan.Kilala nila iyong babae?

"T-talaga?"

"Of course,baby."kumapit pa ito sa braso ni Zero.Nakakainit ng ulo itong babaeng ito ah!!Mukha syang linta!!

"Wait lang ah.Kakausapin ko lang yung mga pinsan ko."

"Okay!!"malanding sagot ng babae.

Lumapit naman agad sa amin si Zero.

"Iuwi nyo na si Jerish.Umalis na kayo agad."hindi pa nakakasagot ang magpipinsan ay iniwan na nya agad kami at lumapit sa mukhang linta na babaeng yun.

Naglakad naman kami palabas ng school.

"Bakit nandito yung si Hazel Marquez?"rinig kong bulong ni Kaizer.

"Malay ko!"sagot ni Rex.

Hazel Marquez?Siya yung Hazel na laging kausap ni Zero?

Living with these Five Hot Jerks [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon