CHAPTER 58:LAST CHAPTER:MOMENT OF TRUTH

9.4K 79 9
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~'''

EUGENE'S POV

wah!!! Mababaliw na ako, Lord, kunin niyo nalang kaya ako? para naman matakasan to!! naman eh, bakit ako pa napili niyo.oo alam kong strong ako, bitch pa nga minsan pero.. para namang ang dali magdecide sa bagay na ito. Usapang totohanan na ito no, hindi na chismis, grabe hindi ako makapaniwala na mangyayari sa reality to, akala ko sa movies lang eh lalo na yung mga pirated? haha, nakakatawa pa ako, tss. Praning!!

"Gene,may bisita ka!!"

I rushed towards the gate and just as I expected, bumisita na naman siya sakin. Ang cute talaga nang bestfriend ko, buti tong taong to, masaya na.. tss. Ako kaya kailan?

"hi best!! may dala akong pizza!! kakain tayo, tomguts na ako eh."

"oo nga eh, ang payat payat mo na kasi! tara na nga!"

Hinila ko na siya papasok sa bahay namin, actually nitong mga nakaraang araw, si Dre at si Kirby lang kasama ko, hindi kasi lumalapit sakin ang dalawang sakit ng ulo. Binibigyan daw kasi nila ako nang time para mag-isip.Hay..

"Gene.. o ano, anong desisyon mo?"

"Hindi ko padin alam.Mahal ko sila parehas."

Umiling si Dre, sure ako magse-sermon na naman to, parang pari na ito eh. Haha All-around na siya.

"Gene, mali ka dun!!Tanda mo pa ba yung sinabi ko sayo dati? Yung pagkakaiba ng Mahal sa Mahalaga? at saka ng soulmate tapos destiny!! grabe sabi ko na nga ba dapat ni-record ko yun eh, nakakainis ka naman!!"

O.O oo nga no..

~~~~FLASHBACK~~~~

"o nakapili ka na ba?" tanong ni Dre.

"saan?"

"sa dalawa sino mas lamang?"

"siraulo! wala!"

Ang usisero talaga ng lalaking to! Daig pa ang tsismosa sa palengke e! pero kidding aside, napaisip ako dun a, dalawa nga silang nanliligaw daw sa akin, pero ewan ko, parang parehas lang naman sila para sakin e. ewan ko ba.

"Gene alam ko na wala ka pang desisyon sa bagay na yun pero pinaalala ko lang Gene, sa dalawang yun hindi mawawala ang pagkakaiba ng MAHAL sa MAHALAGA maaaring mahal mo yung isa pero yung isa mahalaga lang kaya pag-isipan mo, magkaiba ang mahal sa mahalaga lalo na kung pinag-uusapan dito ang SOULMATE at DESTINY."

"tss, ano namang pagkakaiba nung dalawang yun? Love expert kaba?"

"hindi pero makinig ka,Para kasi sakin ang SOULMATE ang isang taong compatible para sayo, as in nagkakasundo kayo sa lahat ng bagay na gusto at ayaw niyo yung tipong para na kayong kambal, na may posibilidad na maging Mr. Right mo. pero sa sitwasyon naman ni DESTINY, siya na talaga ang Mr. Right  na nakalaan sayo, no doubt about it, no BUTS, wala nang tanong tanong basta pagkakita mo pa lang sakanya may kakaiba ka agad na nararamdaman, yun na! at wala ka talagang magagawa dun."

ANG ASTIG KONG GIRLFRIEND(completed)(EDITING)Where stories live. Discover now