Epilogue

393 8 2
                                    

Author's Note: Ito na, natapos na rin ang kwento nina Macey at Nicolli. Maraming salamat sa inyo. Maraming salamat sa mga bumasa, bumabasa at magbabasa pa lang nitong kwento ko. Maraming salamat dahil tinapos nyo sya. Maraming salamat din sa mga nagbigay ng votes at sa mga nagkomento.

Comment your reactions below. Hanggang sa uulitin, paalam!

==========

Second chance. Iyan ang binigay ng Panginoon kay Queen Macey Aragon Reyes. Pangalawang pagkakataon upang malaman ang katotohanan, upang magpatawad at upang magmahal muli.

Ang mga tao ay binibigyan ng pangalawang pagkakataon sa buhay. Iyon ay upang magsisi sa mga nagawang kasalanan, upang humingi ng kapatawaran, upang magbago. May mga taong pinapahalagahan ito at ang iba ay binabaliwala ito.

Sa kaso ni Macey, pinahalagahan nya ito. Ginamit nya ang pangalawang pagkakataon na binigay sa kanya upang patawarin ang mga taong lubusang nagkasala at nanakit sa kanya.

Sa buhay, dumadating ang panahon kung kailan mamamatay ang mga tao. Mahalagang bagay ang mamatay sila nang natapos na nila ang kanilang misyon sa buhay.

Sa buhay ni Macey ay dumating ang panahon na kailangan na nyang magpaalam. Hindi inaasahan ng karamihan. Maraming nagulat at marami ring nasaktan at nagluksa. Namatay sya na nagawa na nya ang misyon nya, iyon ay ang magpatawad.

Namatay sya at iniwang maayos ang lagay ng mga mahal nya sa buhay. Nagkaayos ang mga magulang nya. Nagkaayos din sina butler John at ang pamilya Reyes. Katulad ni Macey ay nagkapatawaran silang lahat.

Alam nyang iniwan nya ang mga mahal nya na maayos ang lagay at kuntento na sya doon. Maliban nga lang sa lalaking iniwan nya, si Nicolli Reyes.

"Nicolli!" Pagtawag ni Tristan sa kaibigan. Katulad ng nakasanayan ay hindi naman ito tumutugon sa mga sinasabi sa kanya.

"Boss, bukas na. Ikakasal na ako bukas. Gusto ko kasing gwapo kita bukas ah." Sabi pa ni Tristan sa boss nilang magkakaibigan.

"Oo nga boss. Alam naman namin na ikaw ang pinakagwapo sa Five Seasons. Pagbigyan mo na lang na kasing gwapo ka ni Tristan tutal ikakasal na yan bukas." Sabi naman ni Zimmer na sinang-ayunan nina Skyleigh at Dylan.

"Aba aba! Akala ko ba magkakakampi tayo dito?" Pag-angal ng fiance ko. Tinawanan lang sya ng mga kaibigan.

Tumingin naman ako sa katabi ni Nicolli. Ngumiti ako sa kanya at hinawakan sya. "Queen. Limang taon na ang lumipas at bukas ay ikakasal na ako kay Tristan. Alam mo excited na nga ako eh katulad nina Louiz, Venice at Dhepriz." Sabi ko sa kanya bago ako umupo sa tabi nya.

"Alam mo ba, ang baby Dhepriz mo ay karelasyon na ang isa mo pang baby, si Dylan. Naikwento nya na ba sayo yun? Nagpaalam ba sya sayo? Nakakatuwa, dalaga na sya. Alam mo ba Queen, si Louiz. Ayun.. Pinapahirapan pa si Skyleigh sa panliligaw sa kanya. Para pa rin silang aso't-pusa. Kilala mo naman ang kaibigan nating yun. Si Venice naman, ayun magdadalawang taon na sila ni Zimmer. Ang sabi nya ay pinaalam nya na yun sayo."

"Macey, alam mo bang namimiss ka na ng Black Angels? Hanggang ngayon, pinapakita pa rin nila ang pagmamahal nila sayo. Tuwing birthday mo, nagbibigay pa rin sila ng mga regalo para sayo katulad ng ginagawa nila noon. Alam mo ba, sinusuportahan pa rin nila ang grupo kahit apat na lang kami."

"Ah Queen, nabalitaan mo na ba? Ang grupo ni Kristoff ay sobrang sikat na. Binansagan sila bilang Asia's boy group. Ang galing ng mga kapatid natin, diba? Hmm, ang Pure Heart House of Fashion ay pinamumunuan pa rin ni Kristoff at kasama nya kami. Tinutulungan din kami ni tita Angela at butler John. Alam kong matutuwa ka dahil ang kumpanya mo ay matagal nang tumutulong sa mga elderly at sa mga batang lansangan. Binibigyan sila ng tirahan at lahat ng pangangailangan nila."

"Queen Macey, alam kong masaya ka na. Huwag kang mag-alala, nasa mabuting lagay ang mommy mo pati na rin ang daddy mo. Lahat kami ay nasa mabuting lagay at alam mong nananatili ka sa mga puso namin, Macey."

"Kirsten." Lumingon ako kay Tristan na mukhang nag-aalala. Ngumiti ako sa kanya bago ko punasan ang magkabila kong pisngi.

Muli akong tumingin sa puntod ni Macey. "Queen Macey, bukas ha. Huwag kang mawawala. Gusto ko magkasingganda tayo bukas. Alam mong para sa akin, ikaw pa rin ang pinakamagandang bridesmaid. Palagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin, Queen Macey Aragon. Maraming salamat sa lahat. Maraming salamat sa pagkakaibigan, sa lahat ng ginawa mo para sa amin. Hinding-hindi ka namin malilimutan." Sabi ko sa kanya bago ko muling hinawakan ang puntod nya.

Tumayo ako at tumabi kala Tristan na tinitignan naman ang katabi ng puntod ni Macey, ang puntod ni Nicolli Reyes.

Limang taon ang lumipas mula nang mamatay si Nicolli dahil sa car accident. Iyon din ang araw kung kailan iniwan kami ni Macey. Alam kong masaya na silang dalawa. Hindi na sila naghiwalay at magkasama na sila.

"Boss, alis na kami. Basta bukas ha." Pagpapaalam ni Tristan kay Nicolli.

Tumingin naman ako sa puntod ng kaibigan kong si Macey at nagpaalam na rin sa kanya. Hawak ni Tristan ang kamay ko habang naglalakad kami pabalik sa kotse. Bukas ay ikakasal na kami at alam kong masaya si Macey dahil katulad nya ay makakasama ko na rin ang lalaking mahal ko.

- Mary Kirsten Lee

Change of Hearts (Completed)Where stories live. Discover now