Chapter 2: Friendship

391 4 0
                                    

QUEEN MACEY'S POV:

Desyembre. Buwan ng desyembre nang makalabas ako sa ospital. Noong una ay hindi ako pinayagan ng doktor dahil sa trauma ko, pero sinabi ko sa kanya, sa kanilang lahat na kakayanin ko. Pipilitin kong ayusin muli ang sarili ko.

Alam kong mahirap na ibalik ang isang Queen Macey pero pipilitin ko. Magiging maayos akong muli para sa pamilya at mga kaibigan ko, para na rin sa mga fans na walang sawang sinuportahan ako.

Nang malaman ng fans ang tungkol sa nangyari sa akin ay lubusan silang nag-alala. Karamihan sa kanila ay nagprotesta sa harap ng kumpanyang humahawak sa amin. Nais nilang pabalikin ang grupo namin sa Korea dahil marami raw hindi magagandang bagay ang nangyayari sa akin dito sa Pilipinas.

Ang iba naman ay kampante kahit papaano dahil nalaman nilang pumunta rito at kasama ko sa bansa si Kristoff. Ang sabi nila ay mayroon daw akong tagapagtanggol kung saka-sakali. Napatawa na lang ako dahil dito.

Nagpapasalamat ako dahil sa kanila. Kahit na hindi naging maganda ang nangyari sa akin ay nandyan pa rin sila. Hindi nila ako iniwan at patuloy pa rin nila akong sinusuportahan. Malaki talaga ang utang na loob ko sa kanila simula nang sumikat ang grupo namin. Palaging nandyan ang fans para sa amin.

Nasa loob na ako ng kwarto ko sa mansyon at kasalukuyang sinusuklayan ang buhok ko nang marinig ko ang katok sa pinto ng kwarto ko. Tumungin ako rito at nakita ang mga kaibigan ko na nakangiting pumapasok. Ngumiti rin ako sa kanila nang tuluyan silang nakapasok sa loob.

Nagulat naman ako nang makita ang dala nilang mga unan at kumot. Sina Dhepriz at Kirsten ay nilatag naman ang extrang mattress sa sahig. Samantala, lumapit naman sa akin si Louiz at inagaw ang hawak kong suklay. Sinuklayan nya ang mahaba kong buhok. Si Venice naman ay tumulong sa pag-ayos ng higaan.

"Ahm.. Care to explain Angels?" Tanong ko sa kanila nang matapos sila sa kanilang mga ginagawa.

"Mommy Queen we were planning a pajama party!" Sigaw ni Dhepriz.

"Pajama party pajama party ka pang nalalaman eh matutulog lang tayo dito no!" Pangongontra sa kanya ni Louiz.

Ay iba na. Si Dhepriz na ang trip ni Louiz ngayon. Noon ay si Venice ang target nya. Nagbabago nga naman ang mga tao.

"Heh! Akala mo naman idea ko yang pajama party samantalang ikaw ang nag-suggest nun!" Sabi naman ni Dhepriz kay Louiz.

"Ay ako ba? Sensya na ha!" Sarcastic na pagkakasabi ni Louiz. Nag-tongue out naman ang aming maknae na si Dhepriz.

Tinignan ko naman si Venice at Kirsten sa tabi. Himala at napakatamihik nila. Knowing my friends? Akala mo nasa palengke yang mga yan kapag magkakasama eh. Ang iingay!

"Aba Venice, ang tahimik mo yata." Pagpupuna ni Louiz.

"Iniisip ko lang, bakit hindi na ako ang target mo Louiz? Ang baby na natin ang biktima mo ngayon ah." Sagot ni Venice.

Louiz chuckles before answering, "Nagseselos ka ba baby Venice?" Saka sya lumapit dito at k-in-iss sa magkabilang pisngi. Nagpupumiglas naman si Venice.

Hindi ko napigilang mapatawa sa kanila. Grabe hindi pa rin nagbabago ang mga kaibigan ko. Hanggang ngayon ay makukulit pa rin.

Napahinto naman sila sa mga ginagawa nila at tinignan ako habang tumatawa. Nang tumigil ako sa pagtawa ay tinignan ko din sila. "Why?" Tanong ko.

"Wala Queen. We miss your laughter." Sagot ni Kirsten habang nakangiti.

Nakangiti rin ang mga kaibigan ko habang titig na titig sila sa akin. Bumuntong-hininga ako bago ako nagsalita, "I'm sorry."

Kumunot naman ang mga noo nila. "Bakit Queen?" Takang tanong ni Kirsten.

I smiled at them. "I'm sorry kasi pinag-alala ko kayo nung mga nakaraang linggo. Promise, aayusin ko ang buhay ko. Susubukan kong buuin ulit ang sarili ko. Sana.. Sana nandito pa rin kayo habang ginagamot ko ang sarili ko." Sabi ko sa kanila.

Nagulat ako nang sabay-sabay silang tumayo at lumapit sa akin upang yakapin ako nang mahigpit. I hugged them back.

Kumalas sila mula sa yakap at hinarap ko. "Hindi ka namin iiwan Queen."

"Kahit anong mangyari, mananatili kami sa tabi mo."

"Masasandalan mo kami Queen. What friends are for?"

"Kapag nahihirapan ka nang lumaban, nandito kami handang lumaban para sayo."

Samut-saring sinabi ng mga kaibigan ko. Napaiyak naman ako dahil sa mga sinabi nila. Tunay na maswerte ako dahil nagkaroon ako ng mga tapat at totoong kaibigan na kapatid ang turing sa akin.

"We are all sisters by heart. Salamat sa inyo." Sabi ko sa kanila at ginantihan naman nila ako ng matatamis na ngiti.

"Kung nagawa natin noon Queen, magagawa ulit natin ngayon. Tutulungan ka namin na maka-recover sa trauma mo. Tsaka nandito rin si Kristoff para tumulong." Maya-maya ay sabi ni Kirsten.

"Salamat." Sabi ko bago ako tumulong sa kanila sa pag-ayos ng higaan. Pagkatapos ay sabay-sabay kaming nahiga. Magkakatabi kaming lima sa higaan na nilatag nila Kirsten kanina.

Niyakap naman ako ni Kirsten at Louiz habang nakahiga. Muli akong ngumiti. Nagpapasalamat talaga ako dahil binigyan ako ng Panginoon ng ganitong klaseng mga kaibigan. Hinihiling ko na sana ay makayanan ko. Makayanan kong ayusin muli ang sarili ko.

Kinabukasan ay ako ang naunang nagising sa aming lima. Tinignan ko ang wall clock dito sa kwarto ko at nakita kong ala-syete na ng umaga. Tamang-tama para makapagluto ng agahan.

Bumangon na ako at muli kong tinignan ang apat kong mga kaibigan habang mahimbing pa rin ang pagkakatulog. Napatawa ako dahil sa magulo nilang pwesto. Si Venice ang syang kawawa sa pwesto dahil nakapatong na ang mga hita ni Louiz sa bewang nya. Si Dhepriz naman na syang katabi ni Kirsten ay masayang-masaya sa pwesto dahil ginawa nyang unan ang isang braso ni Kirsten. Niyayakap nya ito katulad ng ginagawa nya sa teddy bear nya kapag natutulog. Tanging si Kirsten lamang ang may maayos na pwesto.

Nang naglakad na ako papasok sa comfort room ng kwarto ko ay narinig ko ang malakas at mahabang pag-utot ni Venice. Tawa ako nang tawa dahil dito. Hanggang sa nakapagbihis na ako sa walking closet ko ay tawa pa rin ako nang tawa.

###

Change of Hearts (Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant