Chapter 14: Why can't it be?

157 4 0
                                    

HIS POV:

Araw ng pasko ngunit mas pinili kong makasama ang babaeng mahal ko. Kahit hindi sya malapit sa akin ay masaya na ako. Kahit na tinitignan at pinapanood ko lang sya mula sa malayo ay kuntento na ako. Pakiramdam ko ay nakuha ko na ang pinakamagandang regalo ngayong pasko.

Nang magsimula ang programa ay malakas na talaga ang tilian at sigawan ng mga bisita. Mas lumakas ito nang makita ang magandang performance ng Fallen Angels.

Nang may pinanood sa amin ang MC ay tutok na tutok ang lahat dahil pinapakita rito ang history ng Pure Heart House of Fashion. Sa bandang hulihan ng video presentation ay halos magulat ang lahat nang makita ang isang lumang litrato. Isang litrato ni Macey kasama ang isang lalaki. Mayroong caption sa ilalim nito and it read 'Pure Heart House of Fashion's Founders'

Sinong mag-aakala na ang kumpanyang minsang pinagkatiwalaan ng aking ama ay pag-aari pala ni Macey. Noon pa man ay walang nakakaalam kung sino ang tunay na may-ari nito. Ngayong gabi ay parang bombang sumabog ang katotohanan.

Masaya ako para sa kanya dahil makalipas ang ilang taon ay natupad na nya ang isa sa mga pangarap nya, ang magkaroon ng clothing business. Sino ako para hindi matuwa sa kanyang tagumpay?

Bandang alas-nuwebe ay s-in-erve ang aming hapunan. Samantala, pansamantala namang umalis ang Fallen Angels sa stage at pumunta sa bandang likuran nito.

Ito na ang pagkakataon ko upang lapitan si Macey. Tumayo ako upang sundan sya ngunit may kamay na pumigil sa akin. Nang tignan ko ang taong nagmamay-ari nito ay nalaman kong si Dylan pala.

"Anong ginagawa mo? Boss naman, pinayagan na namin kayong makapasok dito, huwag ka namang gumawa ng gulo." Sabi nya sa akin.

Did you wonder kung paano kami nakapasok dito nang walang kahirap-hirap? Simple, tinulungan kami nina Dylan at Skyleigh. Sila ang gumawa ng paraan upang makapasok kami. Hindi ko alam kung paano nila nagawa ngunit agad kaming pinapasok ng guards kahit na wala kaming pinapakitang invitations.

"Dylan easy. Pupunta lang ako sa comfort room, okay?" Palusot ko sa kanya kahit na wala akong balak na pumunta roon.

"Hindi ako naniniwala sayo, boss. Kumain muna tayo bago ka pumunta doon." Sabi naman ni Sky kaya wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanila.

Ilang minuto ang lumipas nang lumabas sa stage ang isa sa myembro ng Fallen Angels. Ngumiti sya sa lahat bago nagsalita.

"Hi po! Ayos pa ba kayo? Masarap po ba ang pagkain? Nabusog ba kayo?" Tanong nya. I think its Venice. Yung isa sa makukulit na myembro ng grupo nila.

"Tsk! Daming tanong." Pagrereklamo ng kaibigan kong si Zimmer.

"Problema mo kapatid?" Tanong naman ni Skyleigh sa kanyang kuya.

Hindi na lamang umimik si Zimmer at nanahimik na lang sa tabi ko. Tumingin na lang ulit ako kay Venice at pinakinggan sya.

"This song is for someone who is tired of loving that special person whose not gonna love them back. For those persons out there who had loved someone dearly but their love was not enough. And for those persons who loved someone more than friends." Panimula nya bago nagsimulang tumugtog ang isang pamilyar na kanta.

"You came along, unexpectedly, I was doing fine in my little world.

But baby please don't get me wrong, 'coz I'm not complaining.

But you see.. You got my mind spinning."

Pagkanta ni Venice habang nakatingin sa harap, sa mga bisita.

"So, why can't it be?
Why can't it be the two of us?
Why can't we be lovers? Only friends..
You came along at the wrong place, at the wrong time. Or was it me?"

Habang kinakanta nya ang chorus ng kanta ay nakatingin lamang sya sa isang bagay sa harap na para bang kinakausap nya ito.

"Baby, I dream of you, every minute..

You're in my dreams, and you're always in it.

That's the only place I know, where you could be mine and I'm yours...

But only 'til I wake up."

Nang kinanta nya ito ay mula syang tumingin sa mga bisita at ngumiti ng mapait.

Ipinikit nya ang kanyang mga mata nang kinanta nyang muli ang chorus ng kanta at sabay yuko nang tumugtog ang instrumental part ng kanta.

Ngayon ko lang nakitang nag-perform ang Fallen Angels at ngayon ko lang nakitang kumanta si Venice. Kahit na ito ang unang beses na narinig ko syang kumanta ay nabighani na ako sa maganda nyang boses. Nakakaadik at madadala ka talaga sa emosyong binibigay nya  sa kanyang pagkanta.

"That's the only place I know, where you could be mine and I'm yours.. But only 'til I wake up.

Why can't it be?
Why can't it be the two of us?
Why can't we be lovers? Only friends..

You came along at the wrong place, at the wrong time.

You came along at the wrong place, at the wrong time. Or was it me?

Why can't it be?"

Nang matapos ni Venice ang kanta ay nagsipalakpakan ang lahat. Maging ako at ang mga kaibigan ko ay nagpalakpakan din. Nararapat lang na palakpakan sya dahil sa napakagaling nya.

Muli syang humarap sa mga bisita, nagpasalamat at nag-bow bago umalis sa stage. Pagkababa nya ay syang pagpasok ng MC at pinuri si Venice.

Samantala, nagulat kami ng mga kaibigan ko nang biglang umalis si Zimmer. Sumunod sa kanya ang kanyang kapatid na si Skyleigh upang alamin kung anong problema.

Ito ang unang beses na nag-walk out si Zimmer sa kahit na anong pagtitipon na dinaluhan nya. Anong problema nya? Imposible namang bigla na lang syang nabad trip kaya umalis na lang ng walang paalam.

Knowing Zimmer? Hindi nya pagmumukhaing bastos ang sarili nya lalo na sa harap namin dahil alam nyang tatadtarin sya ng pang-aasar.

Huminga ako nang malalim bago tumingin sa harap. Nakita kong bumaba ng stage ang MC pagkatapos nyang tawagin at ipakilala sina Louiz at Dhepriz. Pagkaakyat ng dalawa sa stage ay agad silang binigyan ng dalawang upuan at dalawang mic. I think, magdu-duet sila.

Naalala ko naman bigla na pupuntahan ko pala si Macey upang makausap nang maayos. Ito ang tamang pagkakataon dahil alam kong walang bodyguards na nakapalibot sa kanya.

Tumayo ako at tinignan naman ako ng mga kaibigan ko. "Comfort room." Simpleng sagot ko bago ako naglakad papunta sa likod. Hindi ko alam kung patungo ito sa comfort room o ano basta ang alam ko lang ay dito dumaan sila Macey kanina.

Hindi pa ako masyadong nakakalayo sa stage ay nakita ko na ang babaeng hinahanap ko. Naglalakad sya ngayon at sinusundan ko naman sya.

"Saan sya pupunta?" Tanong ko sa sarili ko ngunit maya-maya ay nasagot din ang tanong ko.

"Comfort room." Sabi ko bago ko sya sinundan sa loob.

###

Change of Hearts (Completed)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu