Chapter 22: Last day

157 4 0
                                    

Huling araw na ng family day at masasabi kong maganda ang naging experience namin. Ang pandaraya ni Michelle Reyes noong unang araw ay hindi na nasundan pa. Sa tingin ko ay pinagsabihan na ni Miguel Reyes.

Nandito kami ngayon sa cafeteria na punong-puno ng mga tao kaya ang ilang pamilya ay lumabas na lamang ng university at kumain ng lunch sa labas. Mabuti na lamang ay may sarili kaming pwesto rito sa cafeteria kaya hindi kami nahirapan at hindi na namin kailangan pang lumabas.

"Angela, mabuti na lamang hindi na nandaya ang isang pamilya. Itinulak ka talaga para lang manalo sila. Sad to say ay hindi iyon counted." Rinig kong sinabi ng mommy ni Venice sa mommy ko.

"Its okay. I guess its part of the game." Sabi naman ni mommy bago tumawa. Nagtawanan din ang ibang matatanda sa mesa namin, I mean ang mga kasama naming pamilya maliban sa kambal na kapatid ni Kirsten.

Kaming mga kabataan naman ay may sariling mundo. Sina Louiz at Venice ay nag-aasaran, as usual. Sina Dhepriz at ang kambal ay nag-aagawan sa cotton candy na binili ni Kirsten kanina. Kami lamang nina Kristoff at Kirsten ang hindi maingay.

"Kids tama na yan. Nandito na ang lunch, mamaya na yang cotton candy." Maya-maya ay sabi ng daddy ni Dhepriz.

Sa pagkakaalam ko ay istrikto ang ama ni Dhepriz kaya naman sumunod kami sa gusto nya. Sina nanay Fe at ang mommy ni Dhepriz ang kumukuha ng mga plato namin at nilalagyan ng pagkain. Ang mommy naman ni Venice at ang mommy ko ang nagsasalin ng juice sa mga baso namin. Ang daddy nina Dhepriz at Venice ay binibigyan kami ng utensils at tissue.

Nang matapos maghanda ay sabay-sabay kaming nagdasal na pinangunahan ni Kristoff. Pagkatapos nito ay kumain na kaming lahat.

Ang mga magulang nina Dhepriz at Venice ay parehong mga Filipino ngunit nag-migrate lamang sa Korea. Ang mga magulang naman nina Kirsten ay pareho nang nasa langit katulad ng mga magulang ni Louiz.

Ala-una ng hapon ay tinawag na kaming lahat para sa announcement ng winners. Ang team na mananalo ay bibigyan ng premyo. Lahat sila ay makakatanggap ng free ticket to L.A. kaya ang lahat ay nais manalo.

Nang makarating kami sa gymnasium ay umupo na kami sa pwesto namin kasama ang mga kagrupo namin. Iilan pa lamang ang nandito kaya ang ilan sa mga pamilya ay nagkukwentuhan. Ang iba naman ay nagtatawanan. Mukhang close na ang mga pamilya dito.

Ilang minuto ang hinintay namin bago muling napuno ang gymnasium. Nandito na ang ibang pamilya na hindi nakarating on-time. Hindi na iyon mahalaga, ang importante ay nandito na sila ngayon.

Isang tikhim mula kay Dean Natalie ang nakaagaw ng atensyon ng lahat. Mula sa maingay na paligid kanina ay biglang tumahimik na ngayon. Ang lahat ay tutok na tutok kay Dean Natalie.

"Good afternoon families! Excited na ba kayong malaman kung sino ang mananalo?" Tanong ni Dean Natalie sa lahat na sinagot naman ng oo.

"Well, hawak ko na ang resulta at sa ilang sandali ay malalaman na natin kung anong team ang mananalo. Bago ko sabihin ang team na nanalo ay gusto ko munang magpasalamat sa inyong lahat na dumalo at nakisaya sa loob ng tatlong araw." Pagpapasalamat nya.

"Ang team na mananalo ay makakatanggap ng libreng tickets to Los Angeles. Ang hindi naman mananalo ay makakatanggap ng consolation prize. So, ang team na babanggitin ko ang syang nanalo. Sila ay nakakuha ng pinakamataas na puntos." Pag-anunsyo ni dean bago tumunog ang drum rolls.

"RED TEAM! CONGRATULATIONS!" Sabi ni Dean Natalie dahilan ng sigawan ng red team. Ang ibang team naman na hindi nanalo ay pumalakpak para sa kanila.

"Congratulations red team. Muli, maraming salamat students and families." Huling sinabi ni Dean Natalie bago sya bumaba sa stage.

Humarap ako kay mommy nang hawakan nya ang braso ko. "It was a great fight, right?" Tanong nya sa akin na sinagot ko ng pagtango.

"This calls a celebration!" Sabi ng isang magulang mula sa team namin.

"Kahit hindi nanalo ang team natin ay parang nanalo pa rin tayo dahil nagkakilala tayong lahat at naging magkakaibigan." Sabi nya pa na sinang-ayunan ng lahat.

"Let's celebrate sa restaurant namin. Magpapahanda ako para naman makapagkwentuhan pa tayo tungkol sa mga bata." Sabi ng isang magulang bago kami lumabas sa gym at pumunta sa parking lot nitong school.

Nag-usap-usap ang mga magulang namin kung paano kami makakarating sa restaurant. Napagkasunduan ng lahat na mauuna ang pamilyang nagmamay-ari ng restaurant at susunod na lamang kami sa kanila.

Ang pamilya ko at ang pamilya ng mga kaibigan ko ay naiwan dito at pinauna namin ang ibang pamilya. Ang pamilya nina Louiz at Venice ay parehong may dalang sasakyan. Sina Kirsten at ang kambal ay sasabay sa amin tutal malaki naman ang kotse namin at kasya kaming lahat.

Nasa loob na ng sasakyan ang mga kaibigan ko at ang pamilya ko. Nang pumasok ako sa loob ay syang pagpasok sana ni mommy dito sa kotse ngunit hindi natuloy dahil may matigas na bagay na tumama sa kanang braso nya. Muli akong lumabas upang tignan ang braso ni mommy at nakita kong nagkapasa roon. Lumabas din si butler John mula sa driver's seat.

"Mommy!" Rinig kong pagtawag ng isang tinig sa kanyang ina. Nang humarap ako sa taong bumato ng kung ano sa mommy ko ay nakita ko ang pamilya Reyes. Si Michelle Reyes ay masama ang tingin sa mommy ko samantalang ang mag-aama ay humihingi ng tawad sa mommy ko.

"What happened?" Tanong ni butler John kay mommy bago hinawakan ang brasong nagkapasa dahil sa ibinato ni Michelle Reyes.

"What's your problem, Michelle Reyes?" Tanong ni mommy at hindi pinansin ang tanong ni butler John kanina.

Hindi naman makasagot ang ina ni Steffi. Mukhang umurong ang dila. Ang ginagawa nya lang ngayon ay ang tingnan ang mommy ko nang masama.

"Ako na ang humihingi ng dispensa sa ginawa ng asawa ko." Paghingi ni Miguel Reyes ng tawad.

Hindi sya pinansin ni mommy bagkus ay humarap ito sa akin at pinapasok ako sa kotse. "Baby Macey, get in the car." Utos sa akin ni mommy.

Pumasok ako sa kotse at sumunod din naman si mommy sa akin sa kotse. Si butler John naman ay umikot upang makapasok sa driver's seat. Nang makapasok sya ay agad nyang pinaandar ang kotse upang tuluyan kaming makaalis doon.

###

Change of Hearts (Completed)Where stories live. Discover now