Chapter 37: Karibal

157 4 0
                                    

HIS POV:

Buwan na ng pebrero at mukhang excited ang mga estudyante dahil sa nalalapit na Valentine's Day. Syempre, ang mga may kapareha o karelasyon ay masaya ngunit ang iba ay sabihin na nating bitter.

Ilang araw na akong nakatira sa condo ni Uncle John at ni minsan ay hindi ko nakita ang anak nya. Nabanggit nya sa akin na may anak daw sya na mas matanda sa akin ng ilang taon. Iyon ang dahilan kung bakit hindi sya ang nagpalaki sa akin, dahil may binubuhay sya at iyon ang kanyang anak.

Tinignan ko ang wrist watch ko at nalaman kong halos kalahating oras pa ang hihintayin ko bago magsimula ang una kong klase kaya naman napagdesisyunan kong pumunta muna sa cafeteria at kumain. Pagkarating ko roon ay wala masyadong estudyante ang tumatambay doon. Samantala, nakita ko naman ang kapatid kong si Steffi na nagpupunas ng mga lamesa.

Habang tinitignan ko sya ay hindi ko mapigilang maawa sa kanya. Hindi sya sanay sa paglilinis ng kung anu-ano. Sanay lang sya na magkalat ngunit ang paglilinis ay hindi para sa kanya. Pinalaki syang prinsesa kaya hindi ko talaga inakala na kakayin nya ang mga inuutos sa kanya. Sa bagay, mahigit isang buwan na nyang ginagawa ang paglilinis kaya siguro marunong na sya.

"Nicolli?" Tanong ni Steffi sa akin. Hindi ko namalayang nakalapit na sya sa akin.

Ngumiti naman sya nang makitang nagulat ako. Umupo sya sa upuang nasa harap ko bago tumingin sa akin. "I.. I want to say sorry Nicolli. Sa.. Sa maling nagawa ko noon.. Pati na rin sa pagsagot ko sayo noong nakaraan.. Hi-hindi ko sinasadya ang lahat ng nangyari.. Sorry." Paghingi nya ng tawad.

"Apology accepted." Sabi ko sa kanya habang nakangiti. "Sorry din kung.. napagbuhatan kita ng kamay.." Paghingi ko rin ng tawad.

"Okay na Nicolli. Tapos na yun.." Sabi nya bago muling tumayo. "Ahh.. Magbibihis na ako. Maiwan na kita." Sabi pa nya bago umalis sa harap ko.

Muli akong tumingin sa kanya. Nakita kong nakasalubong nya si Jessica ngunit hindi sya pinansin nito. Mukhang malala ang pinag-awayan nilang dalawa at umabot na ng mahigit dalawang buwan.

Maya-maya ay nakita kong pumasok dito sa cafeteria ang Fallen Angels. Nagulat ako nang makitang wala ng bodyguards si Macey. Nang makita ako ni Macey ay agad syang lumapit sa pwesto ko at umupo sya upuan sa harap ko. Samantala, ang mga kaibigan naman nya ay umupo sa mesa ng grupo nila.

"I have something to tell you." Sabi ni Macey na mukhang masaya at excited. Alam ko na ang ibig sabihin nito, may maganda syang balita sa akin.

Ngumiti ako sa kanya bago ako nagsalita, "What is it, Macey?" Tanong ko.

"Nicolli we are going to beach! Family vacation and my mom invited your family. I guess, tama lang ito para magkaayos na ang mga pamilya natin, diba?" Pagbabalita nya.

Agad nangunot ang noo ko dahil sa sinabi nya. "Macey, sigurado ka bang okay lang?" Sa totoo lang nag-aalangan ako. Hindi pa sila nagkakaayos nila daddy kaya baka makaapekto sa trauma nya at natatakot ako sa pwedeng mangyari sa kanya.

Hinawakan nya ang kamay ko bago sya sumagot sa tanong ko. "Nicolli, nagkaayos na kami nina Steffi at daddy. Kaya kung iniisip mo yung trauma ko, wag ka nang mag-alala kasi okay na ako." Sabi nya bago ngumiti.

Unti-unting namumuo ang ngiti sa labi ko. Ibig sabihin nalagpasan nya ang trauma nya? Ibig sabihin mabuti na ang lagay nya? Ibig sabihin malayo na sa panganib si Macey?

"Talaga? Masaya ako para sayo!" Sabi ko sa kanya.

"Salamat Nicolli. Ahh, yung vacation natin magaganap iyon pagkatapos ng graduation natin. Siguro mga katapusan ng march o kaya ay first week ng april. Mayroon pa tayong mahigit dalawang buwan para mag-prepare. Pakisabi na lang sa mommy mo. Alam na rin ito ni daddy." Sabi nya bago bitawan ang kamay ko.

Change of Hearts (Completed)Where stories live. Discover now