Chapter 26: Pinilit Kong Limutin Ka

183 4 1
                                    

Nang bumalik kami sa mesa ay kita ko ang pag-aalala nila sa akin. Ngumiti ako sa kanila upang mawala ang anumang pangamba nila.

Naramdaman ko ang paghawak ni Kristoff sa kamay ko kay nilingon ko sya. Nangungusap ang mga mata nya. Hindi ko maintindihan ngunit bigla akong kinabahan. Tumikhim ako bago sya tinanong, "Bakit?" Ngunit wala syang sinagot bagkus ay hinila ako patayo.

Katulad kanina ay napatingin sa amin ang mga kasama namin sa mesa. Lahat sila ay nagtataka kung bakit kami tumayo. Kahit ako ay hindi ko alam kung bakit.

Tumingon ako kay Kristoff nang hilahin nya ako paalis doon. Nang makarating kami sa garden ay binitawan na nya ang kamay ko. Hinarap nya ako at hinawakan nya ang magkabila kong balikat.

"Kristoff--" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang lumapat ang labi nya sa labi ko at hinalikan ako.

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko ngunit ramdam na ramdam ko ang pagwawala ng puso ko na tila gustong-gusto nya kung anong nangyayari.

Maya-maya ay tumigil na rin si Kristoff sa paghalik sa akin at tinitigan ako. Hindi ko alam at hindi ko maintimdihan kung anong pinaparating ng mga titig nya. Tila hinihigop ako nito at hindi ako maaaring makawala.

Hindi sya nagsasalita. Maging ako ay hindi ko mahanap ang dila ko. Tila naging pipe kami nang sa kanyang paghalik. Muli kong naramdaman ang paghawak nya sa mga kamay ko bago nya inilapit ang mukha nya sa aking mukha.

Muli nya akong siniil ng halik. Ang kanyang halik ay may halong pag-iingat na tila isa akong babasaging bagay na konting kilos nya lang ay mababasag ako.

Muli syang tumigil nang maramdamang hindi ako humalik pabalik sa kanya. Tinitigan nya akong muli bago ako niyakap.

"I'm sorry, my queen. Hindi ko sinasadya." Bulong nya sa tainga ko.

Humiwalay sya sa yakap at muli akong tinitigan. Hinaplos nya ang pisngi ko bago sya nagsalita, "I miss you Mayumi. I miss you so much." Sabi nya na nagpakaba sa akin. Ramdam ko naman ang muling pagwawala ng puso ko na tila alam na alam nya na tinatawag sya ni Kristoff.

Lumayo ako sa kanya at tinignan sya. "I'm not Mayumi, Kristoff." Sabi ko sa kanya bago ko sya tinalikuran.

Nang makalayo ako kay Kristoff ay tinignan ko sya at kitang-kita ko kung paano sya nasaktan sa sinabi ko. Hinawakan ko ang dibdib ko kung nasaan ang puso ko nanv makaramdam ng kakaiba. Masakit. Parang pinipiga ang puso ko.

Nang makabalik ako sa mesa namin ay agad akong tinignan ni Kirsten. Nagtatanong ang mga mata nya at alam ko kung ano ang gusto nyang malaman. Hindi ko sya magawang lingunin at sabihin ang sagot sa tanong nya.

Humarap ako sa nakahandang stage at nakita kong nakatayo roon si Steffi. Ngumiti sa lahat bago nagsalita, "Good evening everyone!" Pagbati nya.

"Nandito ako upang handugan kayo ng isang awitin. I hope you like it." Sabi nya bago tumugtog ang isang awitin.

(A/N: Isipin na lang natin na si Steff ang kumanta ✌)

Hindi ko alam na marunong pa lang kumanta si Steffi. Hindi naman kasi sya kumakanta noon dahil ang hilig nya ay pagsayaw.

Pinilit kong limutin ka. Iyan ang pamagat ng kantang inaawit ni Steffi sa harap. Damang-dama nya ang pagkanta na tila sa pamamagitan nito ay nasasabi nya ang mga nais nyang sabihin.

Ang alam ko noon ay minahal talaga ni Steffi si Nicolli. Hanggang ngayon ay buhay pa rin ang pag-ibig nya para rito. Ngunit bakit hindi nya ito ipagpatuloy? Bakit kailangan nyang kalimutan ang pagmamahal nya para kay Nicolli? Dahil ba sa akin? Dahil ba hanggang ngayon ay ako pa rin ang mahal ni Nicolli at hindi sya?

Lumingon ako sa kaliwa ko nang maramdaman ang presensya ni Kristoff. Nakita ko ang malungkot nyang mga mata habang nakatingin sa akin. Muli ko na namang naramdaman ang pagkirot sa puso ko.

Muli akong tumingin kay Steffi sa harap. Habang pinapanood ko sya ay naalala ko ang sarili ko sa kanya noon. Noong mga panahong kailangan ko silang kalimutan. Noong mga panahong kailangan kong kalimutan ang pagmamahal ko para sa kanila. Noong mga panahong kailangan kong kalimutan ang mga alaala namin ni Nicolli.

Masakit, pero kailangan. Iyon din siguro ang iniisip ni Steffi. Kailangan nyang kalimutan ang pag-ibig nya para kay Nicolli.

Bakit ganon? Bakit kailangang kalimutan kung nandyan pa? Bakit kailangang ipilit kahit ayaw ng puso? Bakit kailangang lumimot kung pwedeng ipagpatuloy?

Ipinikit ko ang mga mata ko nang maramdaman ang pamilyar na sakit sa dibdib ko. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko ngunit nahihirapan na akong huminga.

Naramdaman ko ang paghawak ng sinuman sa kaliwa kong kamay. Nang idilat ko ang mga mata ko ay nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Kristoff. Ngumiti ako sa kanya upang iparating na ayos lang ako.

Umayos ako ng upo at pilit na kinalma ang sarili. Wala lang ito. Siguro ay dahil ito sa ginawa at sinabi sa akin ni Kristoff kanina. Oo tama, iyon nga ang dahilan, wala ng iba.

Pumalakpak din ako kagaya ng ibang nandito nang matapos sa pag-awit si Steffi. Ngumiti sya sa harap at nag-bow. Kitang-kita ko naman ang bakas ng pagluha sa mga pisngi nya bago sya tumalikod at bumaba sa stage.

Sinundan ko sya ng tingin at nang makarating sya sa mesa nila ay muli kong nakita ang dalaga, si Nicole. Nang maupo si Steffi ay agad na sumimangot si Nicole. I wonder why? Maganda naman ang boses ng ate nya.

Aaminin kong hanggang ngayon ay nangangamba pa rin ako lalo na't nasa malapit lang si Nicole. Hindi ko alam kung anong magiging reakayon nya kapag nakita at nalapitan nya ako.

Magagalit kaya sya tulad ng kanyang ina na si Michelle Reyes? Ipapakulong din nya kaya ako tulad ng ginawa ng kuya nyang si Nicolli? Pagbibintangan nya rin kaya ako tulad ng ginawa ni Steffi? O hihingi sya ng tawad katulad ng ginawa ni Miguel Reyes?

Iniwas ko ang tingin ko sa kanila at huminga nang malalim nang muli kong maramdaman ang pamilyar na sakit sa aking dibdib. Hinawakan ko ito at hinilot. Nagbabakasali akong sa pamamagitan ng paghilot dito ay mawala ang sakit ngunit nagkamali ako. Mas lalong lumala at habol ko na ang paghinga ko.

"Queen?" Rinig kong pagtawag sa akin ni Kirsten bago ko naramdaman ang mga bisig na nagbuhat sa akin.

###

Change of Hearts (Completed)Where stories live. Discover now