Chapter 23: Nicole Reyes

180 4 0
                                    

HIS POV:

Huling araw ngayon ng Family Day at pauwi na kami katulad ng iba pang pamilya na dumalo. Naging masaya ang lahat dahil sa mga inihandang laro at syempre sa mga premyo.

Nasa parking lot na kami ng school nang makita namin ang pamilya ni Macey. Pasakay na sya ng kotse nang mapahinto at muling lumabas. Nagulat kami nang batuhin ni mommy ng kung ano ang mommy ni Macey.

Agad hinawakan ni daddy si mommy sa braso at tinignan nang masama. Samantala, lumabas naman sa kotse ang isang ginoo at nilapitan si Mrs. Aragon. Tinignan nya ang braso nito at nakita ang pasa rito.

Agad sumama ang tingin nito sa amin lalo na sa mga magulang ko. Hindi naman nakawala sa paningin ko ang kakaibang tingin na ipinakita ni daddy habang nakatingin sa kamay ng ginoo na nasa braso ni Mrs. Aragon.

Maya-maya ay humarap ang mommy ni Macey sa kanya at pinakiusapan syang pumasok na sa loob ng kotse. Pagkatapos sundin ni Macey ang utos ng ina ay sumunod na rin ito sa kanya sa loob ng kotse nila. Pumasok na rin ang ginoo sa driver's seat at pinaandar ang kotse paalis.

"What have you done, Michelle?" Galit na tanong ni daddy kay mommy.

"Tss!" Sabi ni mommy bago pumasok sa loob ng kotse namin. Sumunod naman sa kanya si Steffi. Tinignan ko naman si daddy na mukhang problemado bago ako pumasok sa kotse. Maya-maya ay sumunod na rin sya sa amin at pinaandar na ang kotse.

Isang tawag sa cellphone ni mommy ang pumatay sa katahimikan dito sa loob ng kotse. Nang sagutin nya ito ay mukhang hindi sya mapakali. Nagulat kaming lahat nang bumuhos ang mga luha nya.

"Mommy, what's wrong?" Tanong ni Steffi na hindi naman nagawang sagutin ni mommy dahil sa paghikbi.

Nang ibaba ni mommy ang cellphone ay pinunasan nya ang dalawang pisngi bago ngumiti nang malaki. "Its Nicole. Finally, nagising na rin ang kapatid ninyo." Sabi ni mommy.

----------

Mula nang makarating kami dito sa ospital hanggang sa makapasok kami sa kwarto ni Nicole ay hindi na tumigil sa pag-iyak si mommy lalo na nang makitang gising na si Nicole at nakangiting nakatingin sa kanya.

"Nicole!" Pagtawag ni mommy sa pangalan ng kapatid ko bago tumakbo palapit dito at niyakap nang mahigpit. Mas lumakas naman ang pag-iyak ni mommy nang mahawakan ang kapatid ko.

"You're awake!" Sabi pa ni mommy bago hinaplos ang pisngi ni Nicole.

Ngumiti si Nicole kay mommy bago nya inilibot ang paningin nya at nang makita si daddy ay mas lumaki ang ngiti nya.

"Daddy!" Sigaw nya bago ibinuka ang dalawang braso. Lumapit naman sa kanya si daddy at sinalubong sya ng yakap.

"Hanggang ngayon, you are still daddy's girl." Sabi ko sa kanya na dahilan ng paglingon nya sa direksyon ko.

Lumaki ang mga mata nya nang makita ako. Agad syang bumitaw sa yakap ni daddy at nagpa-cute sa akin. Lumapit ako sa kanya at niyakap sya.

"I'm kuya's girl din!" Sabi nya bago ako hinalikan sa pisngi.

"Baby, you are 13 years old na. You are not a kid anymore." Sabi ni mommy kay Nicole.

Lumingon ang nakakabata kong kapatid kay mommy bago nangunot ang noo nya. "13? I'm just 7, mommy." Nalilito nyang tanong.

Hinawakan ni daddy si mommy sa balikat bago sila lumabas sa kwarto. Siguro ay para kausapin ang doktor tungkol sa kundisyon ni Nicole. Samantala, napansin ko naman ang pananahimik ni Steffi sa isang tabi. Tinawag ko sya ngunit hindi ako pinansin.

"Kuya, where's ate Macey? I wanna see her now, kuya." Tanong sa akin ni Nicole ngunit wala akong mahanap na sagot sa kanya.

"Kuya? What's wrong? Where's my ate Macey?" Tanong nya ulit ngunit katulad ng nauna nyang tanong ay hindi ko sya nasagot.

Tinitigan ako ni Nicole at pilit inaalam ang kasagutan sa tanong nya. Pagkatapos nya akong titigan ay inilipat nya ang paningin kay Steffi.

Nagulat ako nang sumigaw sya bigla. "What are you doing here, witch?!" Galit na tanong nya kay Steffi. Wala naman nagawa si Steffi kundi ang yumuko.

Hinawakan ko ang kamay ni Nicole upang kumalma sya. "Nicole why? What's wrong, baby?" Tanong ko sa kanya bago ko hinaplos ang buhok nya.

Humarap sya sa akin at tumingin gamit ang mga lumuluhang mata. Agad kong pinunasan ang magkabila nyang pisngi bago ko ito hinaplos. Hinalikan ko sya sa noo nang hindi sya tumigil sa pag-iyak. Tatayo na sana ako upang tawagin ang doktor nang pigilan ako ni Steffi.

"Nicolli, its all my fault." Sabi nya na dahilan ng pagkunot ng noo ko.

"What do you mean, Steffi?" Tanong ko sa kanya ngunit imbes na sya ang sumagot ay si Nicole ang sumagot sa tanong ko.

"She is a witch a kuya! Don't talk to her!" Sabi sa akin ni Nicole bago nya hinawakan ang kaliwa kong braso at isinubsob ang mukha nya roon. Tinignan nya naman nang masama si Steffi.

"Nicole that's wrong. She is not a witch. She's your sister, baby." Mahinahong sabi ko sa kapatid ko.

Tumingin naman sya sa akin bago nagsalita, "No kuya! She's a witch! She's bad! She had an evil plan against my ate Macey!" Sabi nya at muli na naman syang umiyak.

"Sshh, hush now baby." Pagpapatahan ko sa kanya bago ko sya niyakap. Tumingin naman ako kay Steffi nang marinig ang paghikbi nya.

"Its my fault, Nicolli." Paulit-ulit na sinasabi nya.

Maya-maya ay nagsalita si Nicole kasabay ng pagbitaw nya sa yakap. "Kuya, I want to see ate Macey. I want to know if she's okay." Pakiusap nya sa akin.

"Baby, not now. You have to rest. Promise kapag okay ka na, we'll go to her, okay?" Nakangiti kong sagot sa kanya kahit na ba hindi ako sigurado kung makikipagkita o pakikipag-usap sa kanya si Macey.

Lumingon ako sa pinto nitong kwarto ni Nicole nang marinig ang pagbukas at pagsara nito. Napansin ko namang nawala na si Steffi sa pwesto nya kanina kaya I assume na sya ang nagbukas at nagsara ng pinto.

Iniayos ko naman ang paghiga ni Nicole nang maramdaman kong nakatulog na sya sa kakaiyak nya kanina. Marami akong nais na itanong sa kanya ngunit alam kong hindi pa ito ang tamang oras para doon. Hihintayin ko muna syang maka-recover sa coma bago ko sya kausapin tungkol sa nangyari noon.

###

Change of Hearts (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang