Chapter 17: Oppa

165 3 2
                                    

QUEEN MACEY'S POV:

December 31, last day of year 2017. Another year ahead and more blessings to come. Another reason to smile more. Bagong taon, bagong buhay. Bagong taon upang magbago at magpatawad.

Sana ganon lang kadali. Sana kasing dali ng pagpapalit ng kalendaryo ang pagpapatawad. Kung naging madali lang ang magpatawad, sana ay matagal ko nang nagawa.

Tumingala ako sa langit nang marinig ang fireworks hudyat na tapos na ang taon at dumating na ang panibagong taon. Kay gandang panoorin ng fireworks sa langit. Isang palatandaan na tapos na ang nakaraan at kailangan nang harapin ang hinaharap.

Lumingon ako sa taong humawak sa kanang kamay ko. Its my friend, Kirsten. I smiled at her the moment I squeezed her hand.

"Queen Macey.. Ang ganda ng fireworks no?" Nakangiting tanong nya sa akin. Tumango naman ako bilang pagsang-ayon.

"Bagong taon na, ibig sabihin bagong simula." Sabi nya bago humarap sa akin. "Bagong simula upang magbago, upang itama ang mga mali at upang magpatawad." Pagpapatuloy nya.

Binitawan nya ang kanang kamay ko at hinaplos ang magkabila kong pisngi. "Tama na ang pag-iyak Macey. Tapos na ang mga bangungot. Nangyari na ang nangyari. Hanapin mo sa puso mo ang pagpapatawad. Kung handa ka na, tawagin mo lang ako at sasamahan kita. Kasama mo ako kapag handa ka nang kausapin sila." Sabi nya na mas nagpaiyak sa akin.

"Paano mo nagawa Kirsten? Paano mo sya nagawang patawarin? Kirsten may nawala sayo. Paano?" Tanong ko sa kanya ngunit sinagot nya ako ng ngiti.

"Learn to forgive Queen. Mawawala ang mga bangungot, mawawala ang sakit at mawawala ang isang malaking bagay na nakabara sa dibdib mo." Sabi nya bago ako niyakap.

Isinubsob ko naman ang mukha ko sa bandang dibdib nya at hinayaan ang sariling umiyak hanggang sa mawala ang sakit. Sana ay makaya ko. Sana ay magawa kong magpatawad.

Maingay na paligid ang bumungad sa amin ni Kirsten nang makarating kami sa dining room dito sa mansyon. Naabutan namin doon si mommy at nanay Fe na abalang naghahanda ng pagkain sa hapag-kainan. Si butler John naman ay kasama ang lima kong bodyguards na may dalang letson at iba pang prutas na bilog.

Sina Dhepriz at Kristoff ay abala sa pag-aayos ng mga plato, baso at utensils sa hapag-kainan. Samantala, ang dalawa kong kaibigan na sina Louiz at Venice ay nagtatawan at nag-aasaran habang nag-aagawan sa isang regalo.

"Kids tama na yan. Umupo na kayong lahat at kakain na. Asan na ba ang anak mo, Angela?" Maya-maya ay sabi ni nanay Fe na mukhang hindi kami napansin.

"We're here! Happy new year my family!" Sigaw ko habang tumatakbo palapit sa kanila. Natatawang sumunod naman sa akin si Kirsten.

"Mukhang masaya ang reyna ko ah." Pagpuna ni Kristoff sa akin. Humarap ako sa kanya at ngumiti bago ako tumakbo palapit sa kanya at niyakap.

"Happy new year oppa!" Pagbati ko sa kanya na mukhang ikinagulat nya.

"Bakit? May masama ba sa sinabi ko?" Inosente kong tanong sa kanya.

Ngumiti sya sa akin at ginulo ang buhok ko. "Wala my queen. I'm just happy na tinatawag mo na ulit akong oppa. Kain na tayo." Sabi nya bago ako hinila palapit sa mesa. Ipinaghila nya ako ng upuan bago sya umupo sa tabi ko.

Humarap ako sa pamilya ko at naabutan kong nakakunot ang mga noo nila. Ang mga kaibigan ko naman ay kakaiba makangiti sa akin.

"What's wrong, my family?" Hindi ko napigilang magtanong sa kanila.

"Kainan na!" Sigaw ng mga kaibigan ko bago kumuha ng mga pagkain. Ang pamilya ko naman ay ngumiti sa akin. Si Kristoff naman ay nilagyan ng pagkain ang plato ko at nilagyan nya rin ng wine ang baso ko.

"Happy new year!" Sabay-sabay naming sigaw bago ipinagdikit ang mga baso namin.

Alas-dos ng madaling araw nang maisipan naming umakyat sa aming mga kwarto at magpahinga. Its a long day for us. Kahit na nakakapagod ay naging masaya pa rin.

Isang mahinang katok ang narinig ko bago pumasok dito sa kwarto ko si mommy. Naabutan nya akong nagsusuklay ng buhok kaya naman kinuha nya ang suklay ko at sya na ang nagpatuloy sa pagsusuklay sa buhok ko.

"Its been six years mula nang masuklayan ko ulit ang buhok mo. Iyon ay yung simula nang bumalik ka sa akin at iwanan ang daddy mo." Sabi ni mommy nang matapos sya sa pagsusuklay ng buhok ko.

Hinawakan nya ang kamay ko at iginaya sa kama ko. Humiga ako habang umupo naman ang mommy ko sa gilid. Hinaplos nya ang buhok ko habang nagha-hum.

"Baby Macey.." Pagtawag sa akin ni mommy.

"Po?" Sagot ko bago ako bumangon at humarap sa kanya. Hinaplos naman nya ang pisngi ko bago sya nagsalita.

"Who is Kristoff to you?" Tanong nya sa akin. Tila nawala naman ang dila ko dahil hindi ko nagawang sumagot sa tanong ni mommy.

"He is your oppa, right? An older brother." Sabi nya na parang sya na ang sumagot sa tanong nya kanina.

"Mommy.." Ito lang ang naging sagot ko.

"Remember, you maybe changed your heart. Heart is just a muscle therefore, there's no romantic feelings involved." Sabi nya bago tumayo at hinalikan ang noo ko.

"Sleep tight, my queen." Pagpapaalam nya bago lumabas sa kwarto ko.

I sighed. Tama si mommy. Kristoff is my oppa, no romantic feelings involved. I just love him as my oppa. No more, no less. But.. I don't think I can control my heart. I don't think I can prevent myself from falling.

"Yaaahhh!" Naiinis na wika ko habang sinasabunutan ang sariling buhok.

"Macey.." Biglang pumasok sa isip ko si Nicolli. He loved me. I mean, he loves me. I know that, really.

Humiga ako sa kama ko at hinawakan ang dibdib ko kung saan ramdam na ramdam ko ang pagtibok ng puso ko. I've changed my heart, but why does it beat for someone else? Why does my feelings change? Heart is just a muscle, hindi dapat ito ang magsasabi kung sino ang dapat mahalin.

"But this heart chose him." Sabi ko bago ako natulog.

###

Change of Hearts (Completed)Where stories live. Discover now