Chapter 45: Restaurant

161 5 0
                                    

Nandito kami ngayon sa isang restaurant at kumakain ng lunch. Isang mahabang lamesa ang inukupahan namin. Kasama namin ng mga kaibigan ko sina lola at uncle Anton. Kasama rin namin sina Mrs. Chen at ang dalawang bata.

Puro gulay ang inorder ni uncle Anton kaya naman puro reklamo ang dalawang batang kasama ni Mrs. Chen. Samantala, si Mary Ann naman ay masayang kumakain. Sa totoo lang ay hindi sya mapili sa pagkain. Ang sabi nya ay tinuruan sya ng daddy nya na kainin kung anong nakahain sa hapag-kainan.

Kami naman ng mga kaibigan ko ay sanay nang kumain ng gulay dahil na rin kay uncle Anton. Kapag kasama naming kumakain si uncle Anton ay palaging gulay ang pagkain kaya nasanay na rin kami.

"Finish your food kids." Bilin ni uncle Anton bago sya umalis saglit. Pupunta sya sa comfort room saglit. Si lola naman ay may kausap na kakilala sa kabilang table kaya kami ng mga kaibigan ko ang natira at sina Mrs. Chen.

"Tsk that man!" Pagrereklamo ng batang lalaki na napag-alaman naming Ezekiel ang pangalan.

"He is so strict! He's not even my dad!" Pagrereklamo naman ng batang babae na anak ni Mrs. Chen. She is Casey Chen.

"Stop kids! Nakakahiya." Pagsuway sa kanila ni Mrs. Chen.

"Why? We can buy this restaurant if we want." Pagmamayabang ni Casey. "Eh yung isang bata dyan, kaya nya kaya?" Pang-aasar nya pa.

"I bet hindi. Because she's poor. Bakit kasi pinapapasok dito ang poor kid." Pang-aasar naman ni Ezekiel.

Huminga ako nang malalim bago tignan si Mrs. Chen na nakataas ang kilay sa akin. Aba! Akala nya matatakot ako sa kanya. Never!

"Queen, tama ba ang nakikita ko? Bakit ang daming plastic dito?" Pagpaparinig ni Louiz.

"Tama. Bakit kasi pinapapasok dito yung mga plastic?" Pagpaparinig naman ni Venice.

"May kasama pang dalawang batang masama ang ugali. Makalait akala mo kung sino." Pagpaparinig ni Dhepriz.

Mukhang inis na rin sila kay Mrs. Chen at sa dalawang bata. Samantala, si Kirsten naman ay tahimik na inaasikaso si Mary Ann. Hindi nya pinapansin ang nangyayari sa paligid.

"Queen Angel?" Rinig kong pagtawag sa akin ng kung sino.

Pagtingin ko sa kanya ay ningitian ko sya. Ngumiti rin sya sa akin at nag-request kung pwede magpa-picture. Nang makita nyang kasama ko ang mga kagrupo ko ay nagpa-picture din sya sa kanila.

"Princess Angel, what happened with your face?" Nag-aalalang pagtanong nung fan. Ngumiti lang sa kanya si Kirsten.

"Thank you, Fallen Angels!" Pagpapasalamat nung fan na babae bago sya pumunta sa lamesa nila. Naghihintay sa kanya ang isang ginang. Nang makita akong nakatingin sa kanya ay ningitian nya ako. Siguro ay iyon ang ina nung babaeng fan.

"Fallen Angels?!" Gulat na sinabi ni Mrs. Chen. Naagaw nya ang pansin naming lahat.

"Problem with that?" Mataray na pagtanong ko sa kanya.

"N-nothing." Sabi nya. Sabay-sabay naman kami ng mga kaibigan ko na nag-roll ng eyes sa kanya. Maging si Kirsten ay ganon din ang ginawa. Mukha namang nagulat si Mrs. Chen. Well, you don't know us.

"Mukhang may lumapit nang fan sa inyo ah." Maya-maya ay sabi ni uncle Anton nang makalapit sya sa amin.

"Yes uncle. Nagpa-picture sya sa amin." Sagot ni Kirsten. Tinignan sya ni uncle Anton at ningitian. Nawala ang ngiti nito nang mapansin ang marka ng pagsampal ni Mrs. Chen sa pisngi ni Kirsten.

"Uncle.." Sabay-sabay naming pagtawag sa kanya nang makita ang panlilisik ng mga mata nya habang nakatingin kay Mrs. Chen.

Si uncle Anton ay isa sa mababait na nakilala ko pero grabe sya kapag nagalit. Para syang maamong pusa na nagiging mabangis na tigre kapag nagagalit.

Change of Hearts (Completed)Where stories live. Discover now