Chapter 25: After Party

185 5 0
                                    

QUEEN MACEY'S POV:

Its January 14, and today is the after party. Parents are allowed to join the party. After all, its still family day.

Isang katok sa pintuan ng kwarto ko ang gumising sa akin. Bumangon ako nang nagpatuloy ang pagkatok. Pagkabukas ko ng pinto ay naabutan ko si Kristoff na nakangiti sa akin. I smiled back bago ko nilakihan ang pagbukas ng pintuan ko.

Tumalikod ako sa kanya at umupo ako sa kama ko. Samantala, nakita ko naman syang umupo sa harap ko at tinignan ako.

"Why? May mga muta ba ako?" Tanong ko sa kanya bago ko hinaplos ang mga mata ko baka sakaling may mga muta.

"Reyna ko.." Pagtawag nya sa akin kaya naman muli akong lumingon sa kanya.

"What is it?" Takang tanong ko. Kanina pa ko nagtatanong, hindi naman sya sumasagot.

Lumipas ang ilang minuto bago sya tumayo mula sa pagkakaupo. Tumayo rin ako at sinundan sya. Nasa harap na kami ng pinto ng kwarto ko at nakatalikod sya sa akin.

Humarap sya sa akin at nagulat ako nang ilapat nya ang kanyang labi sa aking labi. Nang dahil sa pagkagulat ay hindi agad ako nakapagsalita. Kung nagulat ako dahil sa kanyang ginawa ay mas nagulat ako sa kanyang sinabi.

"Mahal kita reyna ko. Always remember that." Sabi nya na nagpapula sa mga pisngi ko.

Nasilayan ko naman ang mapaglaro nyang ngiti nang makita ang reaksyon ng katawan ko. "You're so cute when blushing." Sabi nya pa na mas nagpapula sa mga pisngi ko.

"Happy monthsary, Mayumi!" Sabi nya out of the blue. Mukhang nagulat sya sa kanyang sinabi kaya nagsimula syang lumabas sa kwarto ko.

Nang makalabas sya ay hinawakan ko ang dibdib ko kung saan ramdam na ramdam ko ang malakas na pagtibok ng puso ko. This heart beats for him, it says his name.

Posible kaya? Posible kaya na mahalin ko rin sya, through this heart?

Iniling ko ng ilang ulit ang ulo ko upang mawala ang mga naisip ko. I think I need a cold shower para mapagpahinga ang isip ko.

Agad akong pumasok sa comfort dito sa kwarto ko at nagsimula nang maligo. Kailangan ko nga palang pumunta sa university upang dumalo sa after party. Good thing ginising na ako ni Kristoff, kung hindi ay baka mahuli ako.

Nang makababa ako sa sala ay naabutan ko ang pamilya at mga kaibigan ko na nakaayos na. Mukhang ako na lamang ang hinihintay nila.

Habang bumabyahe ay sinulyapan ko si Kristoff na tahimik sa tabi ni butler John. Naramdaman ko naman ang paghawak sa kamay ko kaya lumingon ako at nalamang si Kirsten pala. Inilapit nya ang mukha nya sa kanan kong tainga at may binulong.

"May problema ba kayo ni Kristoff, Queen?" Tanong nya na agad kong inilingan. Hindi ko naman kung anong problema ni Kristoff samantalang mukha syang masaya kanina nung pinuntahan nya ako sa kwarto ko.

"Queen, anong problema?" Tanong pa ni Kirsten.

Tumingin ako sa kanya nang sumagi sa isipan ko ang ginawa ni Kristoff kanina. Huminga ako nang malalim bago nagsalita, "Kirsten, posible kaya? Posible bang--" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang huminto ang sasakyan at buksan ng isang bodyguard ang pinto nito.

Tumingin si Kirsten sa akin bago nagsalita, "Mamaya na natin pag-usapan yan, Queen. Okay?" Sabi nya at tumango naman ako.

Sabay-sabay kami ng mga kaibigan ko na pumasok sa hall kung saan gaganapin ang after party. Nasa likuran naman namin ang aming pamilya.

Nakita kong lumapit si Dean Natalie sa mommy ko at hinila papunta sa ibang guest. Sa tingin ko ay mga investor dito sa university ang nilapitan nila.

Hinawakan ni Kristoff ang kamay ko papunta sa assigned seats namin. Napatingin ako sa kanya at nakita kong nakangiti na sya sa akin ngayon hindi tulad ng mukha nya kanina. Siguro mali ako ng hinala. Siguro ay wala namang problema. Siguro.

Nang makaupo na kami ay hindi nakawala sa paningin ko ang isang table di kalayuan sa table namin. Nandoon nakaupo ang pamilya Reyes. Sina Miguel, Michelle, Nicolli at Steffi. Nakita ko rin ang isang dalaga na nakaupo sa tabi ni Nicolli.

Nang makilala ko sya ay bumilis ang tibok ng puso ko. Dalaga na sya ngayon at sa tingin ko ay malaki ang nagbago sa pangangatawan nya. Pumayat sya hindi tulad ng huling kita ko sa kanya. Ang kanyang kutis ay mas pumiti hindi tulad noon na bata pa sya. Ang kanyang buhok ay naka-bun ngunit halatang mahaba ito.

Nagulat ako nang lumingon sya sa direksyon ko at nahagip ako ng paningin nya. Habang nakatingin sa akin ay nangunot ang kanyang noo na tila inaalam nya kung sino ako.

Huminga ako nang malalim bago nag-iwas ng tingin sa kanya. Napansin naman ako ni Kristoff at mukhang nagtataka. Hinawakan nya ang magkabila kong pisngi bago ako titigan.

"My queen, may problema ba?" Nag-aalalang tanong nya dahilan ng paglingon sa amin ni Kirsten.

"Queen, bakit?" Tanong sa akin ni Kirsten. Alam kong maiintindihan nya ako kaya itinuro ko ang direksyon ng dalagang kasama ng pamilya Reyes.

Nakita kong nanlaki ang mga singkit na mata ni Kirsten nang makilala ang dalagang itinuro ko. Maya-maya ay tumingin sya sa akin bago hinawakan ang dalawa kong kamay. Tumayo sya at hinila ako. Napatingin naman sa amin ang iba pang kasama namin sa mesa.

"Comfort room." Simpleng sagot ni Kirsten bago ako hinila paalis sa mesa namin.

Nang makarating kami sa comfort room ay agad nyang sinara ang pinto at hinarap ako. Tinitigan nya ako na para bang may nais syang sabihin. Maya-maya ay bumuntong-hininga sya at niyakap ako.

"Queen Macey.." Pagbigkas nya sa pangalan ko bago nya hinaplos ang likod ko.

Naramdaman ko naman ang unti-unting pagtulo ng mga luha ko. Iniisip ko pa lang ang magiging reaksyon ng dalaga kapaag nakita nya ako nang malapitan ay natatakot na ako. Paano kung galit sya sa akin? Paano kung may gawin sya sa akin?

Humiwalay sa yakap sa akin si Kirsten at pinunasan ang magkabila kong pisngi. "Kirsten gising na sya.. Kirsten bumalik na sya.." Sabi ko sa kaibigan ko.

"Sshh.. Everything will be fine. I'm sure maiintindihan ka din nya. Kilala mo sya, mabait na bata ang kapatid ni Nicolli." Sabi ni Kirsten.

"Paano kung nagbago na sya? Paano kung nakalimutan na nya ako?" Tanong ko.

"Sa tingin ko, mas makakabuting kausapin mo na sila, Queen. Hindi mawawala ang takot mo kung hindi kayo mag-uusap nang masinsinan." Payo nya.

###

Change of Hearts (Completed)Where stories live. Discover now