Chapter 46: Graduation

177 6 0
                                    

Ilang araw at linggo na ang nakalipas mula nang malaman ni uncle Anton ang tungkol kay Mary Ann. Nagkausap na rin sila ni Tristan tungkol sa nangyari. Thank God dahil sa wakas ay nagkasundo na rin ang mga magulang ni Mary Ann.

Araw ng linggo ngayon at abala ang lahat dahil ngayon ay kaarawan ng mommy ko. Simpleng handaan lang ang magaganap kasama kami at ang pamilya Reyes. Inimbitahan din ang mga kaibigan at kasosyo ni mommy sa negosyo.

Selebrasyon na rin ito ng nalalapit naming pagtatapos. Bukas ay graduation na namin kaya naisip ni mommy na ipagsabay na lang ang selebrasyon kasama ang mga kaibigan namin.

"My queen.." Pagtawag sa akin ni daddy nang makarating na sila dito ng pamilya nya. Agad akong yumakap sa kanya. Ganoon din ang ginawa ko kay tita Michelle.

Si Nicole ay niyakap ako nang mahigpit. Natawa kami sa kanya dahil ayaw na nyang humiwalay sa akin. Si Steffi naman ay hinalikan ako sa noo tulad ng madalas nyang gawin sa akin noon. Si Nicolli naman ay lumapit sa akin, hinapit ako sa baywang saka ako hinalikan sa ulo.

Maya-maya ay pumasok na rin ang iba pang myembro ng Five Seasons. Si Tristan ay kasama si Mary Ann na agad tumakbo palapit sa akin at niyakap ako.

"Mommy ganda, I have gift for you po." Pagbabalita nya sa akin bago nya binigay ang regalo nya.

Agad akong ngumiti sa kanya at hinalikan sya sa pisngi. "Thank you, baby." Sabi ko sa kanya saka ko kinurot ang pisngi nya. Hindi naman sya umangal bagkus ay tumawa pa sya.

"Pasok na kayo, mga anak." Sabi sa amin ni nanay Fe. "Nakahanda na ang mga pagkain, kumain na tayo." Pag-aaya nya pa.

Pagkarating sa garden kung saan ginaganap ang birthday celebration ni mommy ay nakita ko ang pagkukulitan ng mga kaibigan ko. Si Kirsten ay agad lumapit kay Mary Ann nang makita ito. Sina Louiz at Venice ay inaasar naman si Dhepriz dahil nandito rin si Dylan.

"Maraming salamat sa pagpunta. Hindi lang ito birthday celebration kundi selebrasyon na rin ng pagtatapos sa pag-aaral ng mga anak ko. Isa ako sa mga proud na magulang dahil magtatapos ang anak kong si Macey bilang suma cumlaude. I'm so proud of you, baby Macey." Dahil sa sinabi ni mommy ay c-in-ongratulate ako ng mga bisita.

"Proud din ako sa mga kaibigan nya na magtatapos bilang cumlaude. I'm so proud of my girls. Congratulations!" Sabi pa ni mommy bago kami sabay-sabay na uminom ng wine.

Natapos ang selebrasyon alas-syete na ng gabi. Napahaba ang kamustahan at kwentuhan ng mga bisita ni mommy.

Alas-otso ng gabi nang may dumating na mga bisita. Hindi namin inaasahan ang pagpunta nila rito dahil ang alam namin ay busy sila sa negosyo.

"Lola, lolo." Pagtawag ko sa kanila bago ako yumakap sa kanilang dalawa. Si mommy naman ay nakipag-beso sa kanila.

"I heard you are the suma cumlaude of your batch. We're so proud of you, apo." Sabi sa akin ni lolo bago inabot ang isang box.

"Congratulations baby Macey. Oh, pupunta kami ng lolo mo bukas sa university." Sabi naman ni lola bago iniabot sa akin ang parihabang kahon. "Buksan mo baby Macey." Utos sa akin ni lola kaya sinunod ko sya.

Pagbukas ko nito ay nakita ko ang kwintas na akala ko ay nawala na. Isang kwintas na binigay sa akin ni lola noong bata pa ako. Isang kwintas na kinuha sa akin ni tita Michelle noon. Akala ko ay tinapon na nya pero hindi pala.

"Binigay yan sa akin ni Michelle. Ang sabi nya ay sapilitan nyang kinuha ito sayo. Alam nya kasing galing ito sa akin kaya ginawa nya iyon." Sabi ni lola bago kinuha ang kwintas at sinuot sa leeg ko.

"Thank you, lola." Sabi ko sa kanya bago ko sya niyakap ulit.

"Paano naman si lolo? Hindi mo ba bubuksan ang regalo ko?" Nagtatampong pagtanong ni lolo. Napatawa kami ni lola dahil sa sinabi nya.

"Bubuksan na po." Sabi ko bago ko binuksan ang regalo nya sa akin.

Pagbukas ko ay nakita ko ang isang magandang larawan. C-in-ollage ang pictures ko upang makabuo ng hugis puso. Ang mga larawang nandoon ay mga larawan ko bilang Queen Angel.

"Thank you, lolo." Pagpapasalamat ko sa kanya bago ko sya niyakap.

"Nabalitaan namin ang tungkol sa sakit mo, apo. Nalaman namin ang sinabi ng doktor sayo nung inatake ka. Apo, bakit hindi ka nagsabi? Binibisita ka namin noong bata ka pa." Sabi ni lolo dahilan ng pagluha ko.

Hinawakan ni lola ang kamay ko saka pinunasan ang magkabila kong pisngi. "Don't worry baby Macey, gagawin natin ang lahat para gumaling ka." Sabi ni lola bago ako niyakap.

Ilang oras na ang nakalipas mula nang umalis sila lola. Mula nang umalis sila ay nagkulong na ako rito sa kwarto ko. Iniisip ko ang sinabi nila lolo. Alam na nila ang tungkol sa sakit ko. Posibleng alam na rin nila ang sinabi ng doktor.

"Macey, I'm sorry.. pero.. may taning na ang buhay mo. Hindi na kaya ng puso mo, Macey. 30-70 ang chance na mabuhay ka kung sakaling operahan ka ulit." Eksaktong sinabi ng doktor sa akin noong huli akong sinugod sa ospital.

Dahil nalaman na nila lola ang tungkol sa sakit ko, siguro alam na rin nila na may taning na ang buhay ko. Maliban sa kanila, kami lamang ng mga kaibigan ko ang may alam nito. Hindi alam nila mommy. Ayokong sabihin. Natatakot ako sa pwedeng mangyari kapag nalaman nya.

Sa ngayon, gusto ko munang sulitin ang mga natitira kong oras na kasama ko sila. Alam kong nagiging makasarili ako dahil hindi ko sinabi sa kanila ang tungkol doon pero wala akong lakas ng loob na sabihin sa kanila na mamamatay na ako.

Isang paghalik sa pisngi ang nagpagising sa akin kinabukasan. Nakita ko si mommy na nakangiti sa akin. Agad akong ngumiti sa kanya upang pagtakpan ang namumuoong sakit sa dibdib ko.

"Good morning, baby Macey. Mag-ayos ka na at malapit na tayong pumunta sa school." Sabi ni mommy bago lumabas sa kwarto ko.

Panibagong araw ang binibay sa akin. Sa totoo lang, natatakot ako kapag matutulog na ako. Kapag nagising naman ako tuwing umaga ay nagpapasalamat ako sa Diyos dahil binigyan nya ako ng panibagong araw.

"Congratulations graduates!" Pagbati sa amin ng mga propesor pagkatapos ng graduation namin.

Lahat kami ay masaya dahil nagtapos na rin kami ng pag-aaral. Ang mga kaibigan ko ay niyakap ako nang mahigpit. Sina mommy, nanay Fe, Kristoff at butler John ay ganoon din ang ginawa.

Maya-maya ay lumapit sa amin ang pamilya Reyes kasama sila lolo at lola at nagkayayaan na kumain kami sa isang restaurant. Ito ang restaurant na pagmamay-ari ni Tristan kaya naman kasama din namin sila sa pagkain.

Isa kaming malaking pamilya at natutuwa ako dahil sa wakas ay nagkaayos na rin ang pamilya ko. Sina mommy at ang pamilya Reyes ay nagkaayos na, sina Kirsten at Tristan maging ang pamilya ng kaibigan ko ay nagkaayos na rin.

Samantala, mukhang magkaka-love life na ang mga kaibigan ko. Nagkakamabutihan na sina Dhepriz at Dylan na noon ay nagkakaselosan dahil parehas ko silang baby. Sina Louiz at Skyleigh ay nagkakamabutihan na rin kahit na nagsimula sila bilang magkaaway. Mayroon pa ring mga araw na nagbabangayan sila but at the end of the day, nagkakabatian din sila. Sina Zimmer at Venice ay nagkakahiyaan pa. Noon pa man ay nararamdaman kong nagkakailangan itong dalawa eh. Hindi ko nga lang alam ang dahilan.

Masaya ako dahil maayos na sila. Kung sakaling mamatay man ako, alam kong iiwan ko silang maayos. Walang sakitan, walang galit.

###

Change of Hearts (Completed)Where stories live. Discover now