Chapter 39: Heart Disease

171 8 0
                                    

QUEEN'S POV:

"Mommy?" Pagtawag ko sa aking ina na halatang may pinoproblema. Agad naman syang lumingon sa akin bago lumapit.

"Baby Macey.. Do you want something?" Malambing na pagtanong nya sa akin. I was 5 years old here.

"Mommy where's daddy?" Tanong ko naman. Agad syang nag-iwas ng tingin bago sumagot, "He is working, baby."

Umupo sya sa kama ko bago ako kinandong. Hinawakan nya ang maliit kong kamay at hinalikan ako sa noo. "Mommy, why?" Inosente kong tanong sa aking inang lumuluha.

"We need to see a doctor, baby." Sabi nya bago ako binuhat papalabas sa kwarto ko. Napansin ko naman ang pagkuha nya sa isang malaking bag. Mukhang handa na ang lahat ng kakailanganin namin.

"Am I sick, mommy? I don't want a doctor! They are scary!" Pag-tantrum ko.

Habang nasa loob kami ng sasakyan ay pinapaamo ako ng mommy ko. I hate doctors and hospitals! Hanggang sa makarating kami sa ospital ay nagrereklamo pa rin ako sa kanya.

Wala na akong nagawa nang dinala ako sa doktor. Mayroon syang tinurok sa akin bago ako nawalan ng malay. Dalawang boses ang gumising sa akin. Tila nag-aaway ang dalawang taong nagmamay-ari ng mga boses.

"Wala kang gagawin?! Wala ka bang pakialam sa anak mo?!"

"Miguel, naiintindihan mo ba ang sinabi ng doktor? Macey has heart disease!"

"Hindi mo ba magagawan ng paraan ha? Mas gusto mo bang lumala ang sitwasyon nya?!"

Mga sigaw ng isang ginang na kilalang-kilala ko.

"Enough! May pakialam ako sa anak ko, Angela! Kinuha mo sya sa akin noon kaya ikaw ang gumawa ng paraan ngayon!" Sigaw ng isang ginoo.

Change of Hearts (Completed)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें