Chapter 34: Kristoff Ivehn Fernandez

181 3 0
                                    

QUEEN'S POV:

Ilang minuto ang lumipas mula nang makaalis ang magkapatid na Fajardo dito sa practice room ng kumpanyang may hawak sa akin ay biglang nagpakita sa akin si Kristoff.

"Anong ginagawa mo dito?" Masungit na pagtanong ko sa kanya.

Lumapit sya sa akin at ningitian ako. Lalo naman akong sumimangot sa kanya. "Bakit ba ang sungit-sungit mo sa akin? Ang tagal na nating magkakilala ah." Nagtatakang tanong nya.

Oo nga naman, matagal na kaming magkakilala. Halos kalahating taon na mula nang makarating kami ni Kirsten dito sa Seoul mula sa Pilipinas.

Aaminin kong medyo hindi ako kumportable kapag nasa malapit lang si Kristoff. Ito kasing puso ko, tumitibok nang malakas kapag nandyan si Kristoff. Nararanasan ko ang mga naranasan ko noon kay Nicolli. Hindi ko maintindihan at hindi ko maipaliwanag kung anong nangyayari sa akin.

"Uy, ang seryoso mo naman. Nagbibiro lang ako. Alam ko naman kung bakit eh. Hindi mo na kailangang magpaliwanag." Maya-maya ay sabi ni Kristoff.

Ngumiti ako sa kanya bago ako kumuha ng tubig. Alam kong alam nya kung anong dahilan, kung bakit mailap ako sa mga lalaki. Sa totoo lang, sa lahat ng mga lalaking nakilala ko, sa kanya lang ako hindi mailap. Sya lang ang lalaking nakakalapit sa akin at kaya kong kausapin.

Maraming nagsasabi na masungit ako at mailap sa mga lalaki. Marami ring nagsasabi na sana sila na lang si Kristoff upang makalapit at makausap nila ako, kahit na ba masungit ako. Hindi nila kung bakit ganyan ang pakikitungo ko sa mga lalaki, tanging si Kristoff lang ang may alam ng totoo.

Change of Hearts (Completed)Where stories live. Discover now