Chapter 19: Announcement

145 5 0
                                    

Araw ng lunes nang makabalik ang lahat ng mga estudyante sa university. Unang araw ng pagbabalik-eskwela. Karamihan sa mga estudyante ay tamad na tamad pang pumasok at panay reklamo. Ang ilan naman ay masaya dahil sulit daw ang kanilang naging bakasyon.

"Ate Macey!" Rinig kong pagtawag sa akin. Nang lingunin ko ang taong tumawag ay nakita kong tumatakbo sina Dylan at Sky palapit sa pwesto ko.

Nang makalapit sila ay niyakap nila akong dalawa. Wala namang nagawa ang mga bodyguard ko kundi ang tingnan kami. Ngumiti ako sa dalawa nang bumitaw sila sa yakap.

"Kamusta?" Tanong ko sa kanila.

"Okay lang, ate Macey. Masaya naman ang naging bakasyon namin." Sagot ni Sky.

"Nagbakasyon kami ng pamilya ko sa Batangas, ate Macey. Masaya kami kasi naging kumpleto kami hindi tulad nung nakaraang taon." Sagot naman ni Dylan.

"Mabuti naman kung ganoon." Sabi ko sa kanila bago ko napansin si Jessica na papalapit sa amin.

"Jessica!" Pagtawag ko sa kanya. Nang marinig nya ang boses ko ay agad syang tumakbo palapit sa akin at sinalubong ako ng yakap.

"Macey! Mabuti naman nakita na kita. Ilang linggo kitang hindi nakita." Sabi nya nang bumitaw sya sa yakap. Halata sa mukha nya na may nais syang sabihin sa akin.

"May gusto ka bang sabihin, Jessica?" Tanong ko sa kanya.

Umiling naman sya habang nakangiti ng alanganin sa akin. Alam kong may gusto syang sabihin ngunit ayaw nya lang sabihin. Mukhang may problema ang kaibigan kong si Jessica.

"All students, please proceed to gymnasium now." Rinig naming announcement.

Hinawakan ni Kirsten at Jessica ang magkabila kong kamay bago ako hinila papunta sa gymnasium. Samantala, sumunod naman sa amin ang iba ko pang kaibigan. Pagkarating namin doon ay nakita kong kumakaway sa amin sina Sandra, Shane at Jane. Lumapit kami sa kanila at umupo sa bakanteng upuan.

"Ano kayang meron?" Tanong ni Dhepriz.

"Siguro ay may ia-announce sila." Sagot ni Shane.

"Or baka iwe-welcome lang tayo." Sagot naman ni Jane.

Maya-maya ay umakyat ang isang propesor sa stage at humarap sa aming mga estudyante. Kinuha nya ang mic na iniabot sa kanya saka sya nagsalita.

"Good morning students!" Pagbati nya at bumati rin kami ng magandang umaga.

"We would like to welcome you back, students. Bagong taon, bagong araw upang magsimulang muli. Alam kong ang iba sa inyo ay nagrereklamo dahil bitin ang naging bakasyon at ang iba naman ay walang reklamo. Students, kahit anong mangyari, kailangan nyong bumalik sa eskwela upang ipagpatuloy ang pag-aaral. Ito ang kayamanan na hinding-hindi mananakaw sa inyo kaya 'wag na kayong magreklamo dyan." Pagpapatuloy nya.

"Ang isa pang dahilan kung bakit kayo pinatawag dito ay dahil sa isang announcement. Alam nating lahat na tuwing buwan ng enero ay nagaganap ang ating family day. Binibigyan natin ng importansya ang inyong pamilya. Magkakaroon tayo ng games na sasalihan ng buong pamilya. Magkakaroon din tayo ng mini concert o after party sa huling araw ng selebrasyon." Sabi nya dahilan ng pagsigawan ng mga estudyante.

Samantala, naramdaman ko namang yumakap sa akin si Louiz at isinubsob ang kanyang mukha sa kaliwa kong braso.

"Louiz, what's wrong?" Tanong ko sa kanya dahilan ng paglingon sa amin ni Venice.

"Wala lang, Queen. Naisip ko lang na wala akong makakasamang pamilya sa event." Sagot nya kasabay ng mahabang buntong-hininga.

"We are family, right?" Sabi sa kanya ni Venice.

Huminga ng malalim si Louiz bago umayos ng upo. "Tama! Kayo ang pamilya ko kaya dapat hindi ako maging malungkot. Mas maswerte ako dahil marami akong kapatid." Sabi ni Louiz bago ngumiti sa amin.

"Isa tayong malaking pamilya." Sabi ko sa kanya bago kami muling humarap upang marinig pa ang ibang anunsyo.

"Ang family day ay gaganapin mula Enero 11 hanggang Enero 13. Magsisimula ito ng alas-nwebe ng umaga hanggang alas-singko ng hapon. Sa huling araw, enero 14, magkakaroon ng mini concert o after party. Magsisimula ito ng alas-singko hanggang alas-nwebe ng gabi." Sabi pa ng propesor.

"Lumapit na lang kayo sa inyong course advisers upang makapag-order ng damit na susuotin ninyo ng inyong pamilya. Yun lamang, maraming salamat students. Maaari na kayong bumalik sa inyong rooms." Huling sinabi ng propesor bago sya bumaba sa stage.

Hinintay naming makalabas ang lahat ng mga estudyante bago kami lumabas. Nang iilan na lang ang natira ay tumayo na kami at naglakad na palabas sa gym. Nakasalubong naman namin ang grupo ni Steffi maging ang Five Seasons.

Humarang naman ang mga bodyguard ko kaya hindi ko na sila nakita. Umalis lamang sila sa harap ko nang masigurong nakaalis na sila Steffi at Nicolli.

"Queen tara na." Pag-aaya sa akin ni Kirsten bago ako hinila.

Nang makarating kami sa room ay naabutan naming nagtuturo ang isang propesor. Humingi kami ng dispensa sa kanya bago nya kami pinaupo sa pwesto namin.

Nang marinig namin ang bell na nagsasabing lunch break na ay halos matuwa ang mga kaklase ko lalo na yung mga tamad pang makinig.

Bago umalis ang aming propesor ay nagbigay sya ng project. Halos lahat ng mga kaklase ko ay nagreklamo ngunit buo na ang desisyon ng aming propesor.

"Come on students, this is easy. All you have to do is to document your parents' love story, your childhood life, your most cherish moments with your family, everything. On Friday, you have to present it to me, in front of the class. You have to tell us the story of your life in order for everyone to know you better. Class, if you do not have any questions, you may have your lunch." Sabi ng aming propesor bago lumabas ng room.

I don't like the idea. I just don't like it. Imagine, I have to tell everyone about my life. It seems like I have to reminisce, I have to look back from my past, I have to think about what happened with me before. And it includes what happened that night, it includes my nightmare. I'm afraid it may trigger something in me.

Isang tapik ni Kirsten sa balikat ko ang nag-alis sa akin mula sa pagmumuni. Tumingin sya sa akin nang nag-aalala. Ngumiti ako sa kanya upang mawala ang pag-aalala nya sa akin.

"What's wrong?" Tanong nya na sinagot ko ng pag-iling.

"Pumunta na tayo sa cafeteria kung ganon." Pag-aaya nya sa akin at nang ilibot ko ang paningin ko sa room ay nalaman kong kami na lang ng mga kaibigan ko ang natitira sa loob.

###

Change of Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon