Chapter 28: Panaginip

165 3 0
                                    

QUEEN'S POV:

Nagising ako sa isang puting paligid. Wala akong marinig na kahit anong ingay maliban sa makinang nakakabit sa katawan ko. Unti-unti kong ginalaw ang kamay ko at nahawakan nito ang ulo ni mommy na mahimbing na natutulog sa gilid ng kama ko kung saan ako nakahiga.

Hinaplos ko ang kanyang ulo dahilan ng paggalaw nya at pagmulat ng kanyang mga mata. Lumingin sya sa akin at kitang-kita kung paano lumaki ang kanyang mga mata nang makitang gising ako. Kitang-kita ko rin ang pagtulo ng mga luha nya. Itinaas ko ang aking kamay at iniabot ang kanyang mukha upang punasan ito.

"Mommy.." Pagtawag ko sa kanya. Pakiramdam ko ay ilang taon akong hindi nakapagsalita dahil sa magaspang kong lalamunan.

"Baby Macey.." Pagtawag nya sa akin kasabay ng paglakas ng kanyang pag-iyak. Hinawakan nya ang kamay ko at inilapit sa kanyang labi upang halikan.

Hindi ko alam kung bakit sya umiiyak. Dahil kaya ito sa nangyari? Dahil kaya sa muli nilang pagkikita ng aking ama at ang naging sagutan nilang dalawa? O dahil kaya ay sinaktan na naman ni Miguel Reyes ang aking ina?

Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto. Nang lingunin ko ito ay nakita ko ang nag-aalalang mukha ng isang ginang. Isang mabuting ginang na tumayo bilang aking ina nung mga panahong malayo ako kay mommy.

"Nanay Fe.." Pagtawag ko sa kanya. Katulad ni mommy ay bumuhos rin ang kanyang mga luha habang nakatingin sa akin. Iniaabot ko sa kanya ang aking kamay upang lumapit sya sa pwesto ko at yakapin ako.

Change of Hearts (Completed)Where stories live. Discover now