Chapter 7: Dylan and Skyleigh

219 5 1
                                    

Pagpasok namin sa university kinabukasan ay hindi pa rin maiwasan ng mga estudyante ang mapatingin sa amin. Karamihan sa kanila ay ningingitian kami pero ang iba ay halatang takot sa mga kasama kong bodyguard. Bakit ba sila natatakot? Hindi naman nangangain ang mga bodyguard ko.

Break namin ng isang oras kaya naman napagpasyahan namin ng mga kaibigan ko na pumunta sa garden. Last time na pumunta kami dito ay yung nahuli ko si Steffi na may ginagawang hindi maganda kasama si Mr. Cortesano. Remember him? Hanggang ngayon ay nasa kulungan pa rin sya dahil sa ginawa nyang pangho-hostage sa akin noon.

Pagkarating namin sa garden ay naabutan namin ang Five Seasons. Yes, ang grupo ni Nicolli. Nang makita nila kami ay pare-pareho kaming nagulat. Ilang araw na ba mula ng huli ko silang nakita?

Nang makabawi sa pagkagulat ay agad tumakbo papunta sa direksyon ko sina Sky at Dylan. Agad din silang hinarangan ng bodyguards. Lumapit ako kala Dylan kahit na pilit akong pinipigilan ng mga bodyguard. Niyakap naman ako ng dalawa mula sa likod. Siguro ay natatakot sila sa mga bodyguard ko.

"Relax. They are my friends." Sabi ko sa kanila para manahimik na sila.

"Pero ma'am, ipinagbabawal po ang paglapit nila sa inyo." Sabi ng isa sa bodyguards.

Tumingin ako kay Kirsten para humingi ng tulong. Napangiti naman ako ng tumango sya sa akin bago nya hinarap ang bodyguards. "Hayaan nyo na. Kilala namin silang dalawa at kilala rin sila ni tita Angela." Sabi nya sa mga ito.

Aangal pa sana sila pero hinatak na ako nina Sky at Dylan papunta sa duyan na nandito sa garden. Sumunod naman ang mga kaibigan ko. Nanatili naman ang tatlo pang myembro ng Five Seasons sa pweato nila at hindi na sumubok na lumapit pa sa amin. Samantala, nakamasid naman ang lima kong bodyguards.

"Grabe ate Macey! Ang higpit ng bodyguards mo." Pagrereklamo ni Dylan.

"Oo nga ate Macey. Akala naman nila sasaktan ka namin." Sabi naman ni Sky.

"Wala kayong magagawa dahil utos iyon ni tita Angela." Komento ni Louiz.

"Tsaka iniiwas lang namin si Queen." Sabi ni Dhepriz.

"Iniiwas kay Nicolli? Bakit pati kami ni Sky damay? Wala naman kaming gagawing masama eh." Pagrereklamo ni Dylan sabay pout.

Kinurot ko naman ang dalawa nyang pisngi bago ko sya kinausap,"Alam nyo naman ang rason diba? Hindi ko pa sya kayang harapin pati na rin si Steffi. Hayaan nyo at sasabihin ko kay mommy na pwede naman kayong lumapit sa akin." Sabi ko.

"Pati rin ba si Jessica, ate Macey?" Tanong ni Sky.

"Sige, sasabihin ko kay mommy." Sagot ko. Oo nga pala, maging si Jessica ay hindi magawang lumapit sa akin. Kahapon ay muli ko syang nakita pero pagkatapos nun ay hindi na nasundan pa.

"Nga pala ate Macey, malapit ng mag-pasko. Ibig sabihin ay malapit na rin ang anniversary nyo. Yey, excited na ako! Nung mga nakaraang taon ay hindi ako nakakapunta sa concerts nyo pero sana makapunta na ako ngayon." Maya-maya ay sabi ni Dylan.

Nang dahil sa sinabi nya ay may naalala ako. Kaninang umaga ay binigay na sa akin ni butler John ang ilan sa invitations para daw kung may gusto akong isama sa mini concert ay mabibigyan ko kaagad ng imbitasyon. Kumuha ako ng dalawa mula sa bag ko at iniabot kala Dylan at Sky.

"Wow! Mini concert!" Sigaw ni Dylan dahilan ng paglingon nila Nicolli sa direksyon namin.

"Sshh. Ang ingay mo naman!" Pagreklamo ni Dhepriz. Bineletan lang sya ni Dylan. Haay, mukhang nadagdagan na ng mga makukulit ang circle of friends ko. Sasakit ang ulo ko nito.

"Ate Macey magkakaroon kayo ng mini concert on Christmas day? Eh bakit Pure Heart House of Fashion ang nang-i-invite? Diba dapat Fallen Angels? Tsaka bakit dito sa Pinas gaganapin? Diba sa Korea kayo nagse-celebrate ng anniversary ng grupo nyo?" Mahabang tanong ni Sky.

"Ang daming tanong." Pagkontra ni Louiz.

"Huwag kang magulo dyan kulit, hindi ikaw ang tinatanong ko." Pagsuway naman sa kanya ni Sky.

"Heh! Sungit ka talaga!" Sabi na lang ni Louiz pero hindi na sya pinansin pa ni Sky.

"Pft. Mukhang may katapat ka na, Louiz." Komento ni Venice at nagtawanan naman kami.

"Ewan ko sa inyo!" Naiinis na sinabi ni Louiz. Tumigil naman na kami sa pagtawa at nagseryoso. Sinagot ko naman ang tanong ni Sky.

"Anniversary din kasi ng Pure Heart House of Fashion sa pasko kaya naisip namin na pagsabayin na lang sa selebrasyon ng anibersaryo ng grupo namin. About sa concert sa Korea, meron pa rin naman on December 10 up to December 20. Then on Christmas day, mini concert."

"Ahh. Nakipag-partnership nga pala kayo sa may-ari nun no?" Sabi ni Dylan.

"Yes, kay Queen." Sabi ni Venice. Mukha namang nagulat ang dalawa dahil sa sinabi ng kaibigan ko.

"Anong nakakagulat dun boys? Si Queen naman talaga ang may-ari ng Pure Heart House of Fashion." Sabi ni Kirsten.

"Talaga?!" Sabay na sinabi nina Sky at Dylan. Napatawa naman ako. Wala nga palang nakakaalam na ako ang may-ari nun. Syempre maliban sa pamilya at mga kaibigan ko.

Maya-maya ay lumapit si Zimmer sa pwesto namin at kinausap ang dalawang lalaki na kasama namin. Niyaya nya ang mga ito na bumalik na sa room nila dahil ilang minuto na lang ay magsisimula na ang klase nila.

Tumango ang dalawa kay Zimmer bago muling tumingin sa akin. "Sige ate Macey. Aalis na kami." Pagpapaalam ni Sky.

"Ate Macey makakaasa kang pupunta kami sa pasko. Sige babye!" Pagpapaalam naman ni Dylan.

Nang makaalis sila ay nag-aya naman si Dhepriz na pumunta kami sa cafeteria. Bibili daw sya ng marshmallow at mineral. Pagkarating namin doon ay agad tumakbo si Dhepriz papunta sa counter. Nabangga nya pa ang babaeng nagma-mop. Humingi sya ng pasensya bago muling tumakbo.

Lumapit ako sa babaeng nabangga ng kaibigan ko. Nagulat naman ako nang makilala ko sya. Maging sya ay nagulat nang makita ako.

"Steffi.."
"Macey.."

Pagbigkas namin sa pangalan ng isa't-isa. Agad lumapit sa amin si Kirsten at hinila ako palayo kay Steffi. "Tara na Queen. Nakabili na si Dhepriz ng pagkain nya." Sabi nya sa akin.

Muli akong tumingin kay Steffi at ningitian sya. She smiled back pero hindi katulad ng dati nyang ngiti. I saw pain in her smile and in her eyes.

###

Change of Hearts (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora