Chapter 47: Batangas

162 5 0
                                    

"Good morning Macey ko! Kakagising ko lang. Text me if you're already awake. I love you."

"Macey ko, aren't you awake? Wake up, baby. Paalis na kami dito sa bahay. I love you."

"Baby, are you awake now? Please text me or call me if you're ready. I love you Macey ko."

"Baby Macey ko.. Malapit na kami sa inyo. Aren't you ready? I love you."

"Are you still dreaming of me? Or are you ready? Are you eating your breakfast now? Eat well, baby. I love you."

"We're here. Where's my baby? I love you Macey ko."

*Nicolli calling..

*25 missed calls from Nicolli

"Queen.. Are you okay now?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Kirsten.

Actually kanina pa ako tinitext at tinatawagan ni Nicolli pero hindi ko pinapansin. Kanina pa rin nandito sa kwarto ko ang mga kaibigan ko.

Hindi ko gustong ignorahin si Nicolli pero pinapahirapan ako ng sakit ko kanina pang madaling-araw. Halos hindi na din natulog ang mga kaibigan ko para lang bantayan ako.

Kanina nang magsimulang tumawag si Nicolli ay inaatake na ako kaya hindi ko sya nasagot. Baka nga nagtatampo na yun o baka nag-aalala na.

Pinilit kong ayusin ang paghinga ko at pigilin ang pagsakit ng puso ko sa pamamagitan ng pag-inom ng gamot. Base sa huling text ni Nicolli ay nandito na sila kaya kailangan maging maayos na ako.

"I'm fine Kirsten. Thank you Angels." Sabi ko sa mga kaibigan ko bago ko naramdaman ang pagyakap nila sa akin.

Napabitaw kami sa yakap nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. "Girls, nandito na sila Miguel. Are you ready? Bumaba na kayo, okay?" Rinig naming sinabi ni mommy.

Napahinga kami nang malalim. Mabuti na lang ay hindi pumasok si mommy sa loob kung hindi ay baka naabutan nya ang lagay ko. Kasalukuyan akong walang saplot sa pang-ibabaw ko para makahinga ako nang mas maayos. Ayos lang iyon sa akin dahil puro babae naman ang mga kaibigan ko.

"Okay ka na ba, mommy?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Dhepriz. Ngumiti ako sa kanya bago ako tumayo upang pumunta sa banyo ko.

"I'm fine, angels. Get ready na, mag-aayos na rin ako." Sabi ko sa kanila bago ako pumasok sa loob ng banyo ko.

Alam ko namang nag-aalala sila sa akin. Hindi naman ito ang unang beses na atakihin ako. Sa katunayan ay maraming beses nang nangyari ito at sa tuwing nangyayari iyon ay sila ang nag-aalaga at nagbabantay sa akin.

Alam kong mahirap din sa kanila ang sitwasyon ko. Kami-kami lang ang nakakaalam ng tungkol dito. Alam kong natatakot sila na baka mamatay na ako sa tuwing inaatake ako.

Paglabas ko sa banyo ay wala na roon ang mga kaibigan ko. Siguro ay nag-ayos na rin sila katulad ko.

"Good morning po. I'm sorry, late ako nagising." Sabi ko sa pamilya ko nang bumaba ako galing sa kwarto ko. Nandoon sina mommy maging ang pamilya Reyes ay nandoon na kasama sila lola at lolo na mukhang nag-aalala. Alam kaya nila?

Sabay-sabay kaming kumain ng almusal ng mga kaibigan ko. Kami kasi ang nahuling bumaba kaya nahuli na kami sa pagkain.

"Bakit kayo na-late, ladies?" Tanong ni mommy nang makitang tapos na kaming kumain ng mga kaibigan ko.

"Ahh.." Ito lang ang nasabi ko. Agad akong lumingon sa mga kaibigan ko upang humingi ng tulong.

"Tita, nagkwentuhan kasi kami kagabi. You know po, mga projects ng grupo namin. Mga ganoon po.." Pagsagot ni Louiz. Mukha namang naniwala sila mommy pero nang tumingin ako kay Nicolli ay mukhang nahalata nyang gumawa lang ng kwento si Louiz.

Sabay-sabay kaming lumabas ng mga kaibigan at sumakay sa van na malaki. Kasya kaming lahat doon at si butler John ang magmamaneho nito. Nasa loob na ang mga kapatid ko.

Huling sumakay ang mga kaibigan ko. Sasakay na sana ako nang hawakan ni Nicolli ang kamay ko, hinarap sa kanya saka nya ako niyakap. Kinatsawan naman kami ng pamilya namin.

"Nicolli.. Why?" Tanong ko sa kanya.

Humiwalay sya sa yakap at hinalikan ang noo ko. "Nag-alala ako. Hindi mo kasi sinagot ang mga tawag ko. Hindi ka rin nagreply sa mga texts ko." Nagtatampong sinabi nya.

"Sorry na.. Medyo.. Nagmadali kasi ako kasi late na kami nagising.." Sagot ko sa kanya saka ako sumakay sa van.

Pumasok na rin si Nicolli at tumabi sa akin. Inakbayan nya ako at hinawakan nang mahigpit ang kanang kamay ko. Naramdaman kong hinalikan nya ang gilid ng ulo. Napatingin naman ako kay Kirsten na mukhang naawa sa akin. Ningitian ko na lang sya upang iparating na okay lang ako.

Hindi ko namalayang nakatulog ako sa balikat ni Nicolli. Nagising na lang ako nang mag-stop muna kami sa isang fast food chain. Nag-drive thru kami at bumili ng pagkain.

"Eat baby." Sabi sa akin ni Nicolli bago ibinigay ang spaghetti at fries. Hawak naman nya ang pagkain nya at ang drinks naming dalawa.

Habang bumabyahe ay nakatingin lamang ako sa bintana. Si Nicolli ay natulog pagkatapos naming kumain. Hanggang ngayon ay hawak nya pa rin ang kamay ko. Kahit na natutulog sya ay ayaw nya akong mawala sa kanya.

Natatakot ako. Paano kung mamatay ako? Sa tingin ko ay hindi nya matatanggap lalo na't engage na kaming dalawa. Alam kong bukod sa pamilya ko ay sya ang pinakamasasaktan kapag nawala na ako.

"One month Macey.. You only have a month." Eksaktong sinabi sa akin ng doktor noong huling bumisita kami sa kanya.

Alam kong malapit na. Malapit na akong mamatay at ang mga taong nasa paligid ko ay alam kong hindi handa.

"Macey ko.. Wake up, baby." Rinig kong sinasabi sa akin ni Nicolli habang hinalikan ang mukha ko. Ito ang dahilan ng paggising ko. Hindi ko namalayang nakatuloh ulit ako habang nag-iisip ng kung ano-ano.

"Nandito na tayo?" Tanong ko kay Nicolli na sinagot nya ng pagngiti at pagtango.

Inalalayan ako ni Nicolli na bumaba sa van. Nasa labas na pala ang pamilya namin at kasalukuyang may kinakausap na ginoo.

"Nasaan tayo?" Muli kong pagtanong kay Nicolli. Hindi ako pamilyar dito sa lugar. Ang alam ko lang ay nasa Batangas kami ngayon.

"Mommy ganda!" Rinig kong pagtawag sa akin ng cute na anak ng kaibigan ko. "Mary Ann!" Pagtawag ko naman sa kanya bago ko sya niyakap.

"This hotel is owned by Tristan's parents." Sabi sa akin ni Kirsten maya-maya.

Naalala ko, ito ang araw kung kailan kakausapin nila Kirsten at Tristan ang mga magulang nya. Kaya siguro napili rin nila mommy dito kasi gusto nya rin kausapin ang mga magulang ni Tristan tungkol kay Kirsten at sa anak nito.

My mom treats my friends as her own daughters. Kaya maswerte kami sa kanya kasi napakabait nya at maalalahanin.

"Tara na, Macey ko." Pag-aya sa akin ni Nicolli kasabay ng paghawak nya sa kamay ko. Sabay kaming naglakad papasok sa hotel kung saan nauna nang pumasok ang pamilya namin.

###

Change of Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon