Chapter 41: Macey's Half Brother

177 2 0
                                    

QUEEN'S POV:

"What are you doing here?" Naiinis na pagtanong ko sa lalaking nasa sala.

Ngumiti lang sya ng inosente sa akin. Kahit kailan talaga nakakainis si Kristoff! Ilang linggo pa lang kami dito sa Seoul pero may nang-iinis na sa akin.

"Bakit ba ang sungit mo? Mabait naman ako ah!" Maya-maya ay sabi nya.

"Mabait? Saan banda?" Sagot ko naman.

"Macey!" Nagulat ako nang sumigaw si mommy. Nang humarap ako sa kanya ay mukha syang galit.

"Mommy, anong ginagawa nya dito?" Tanong ko sabay turo kay Kristoff.

Huminga nang malalim si mommy bago ako inutusang umupo sa tabi ni Kristoff. Kahit labag sa loob ko ay sumunod pa rin ako sa kanya.

"Queen Macey, ganoon mo ba dapat itrato ang kuya mo?" Mahinahong pagtanong ni mommy.

Oo nga pala, noong unang beses na nakilala ko si Kristoff ay nalaman ko rin na sya ang half brother ko. Nang umuwi ako dito sa bahay ay naabutan ko si Kristoff na kausap nila mommy at butler John.

Matagal nang alam ni Kristoff na half sister nya ako. Ako lang ang walang alam. Inilihim sa akin ito ni mommy noon. Ipinaliwanag naman nya sa akin ang lahat nang magkausap kami.

Si Kristoff ay anak ni mommy sa pagkadalaga at si butler John ang nakabuntis sa kanya. Kung si butler John ang ama ni Kristoff, bakit pa nagkatuluyan ang mommy at daddy ko?

"Queen Macey.." Muli akong napatingin kay mommy nang tawagin nya ako.

Change of Hearts (Completed)Where stories live. Discover now