Chapter 1: Simula

659 9 0
                                    

QUEEN MACEY ARAGON'S POV:

Its November 15, halos dalawang linggo na ako rito sa ospital. Tanging ang pamilya at mga kaibigan ko lang ang nakakasama ko. Ang pamilya Reyes naman ay hindi na nagpakita pa sa akin, which is better.

Hindi pa ako handa. Hindi ako handang makita at makasalamuha silang muli. Noong bago kami bumalik dito sa Pinas ay alam ko sa sarili ko na handa na ako, na nakamove-on na ako.

Sinong niloko ko? Pinaniwala ko lang ang sarili ko na ayos na ako pero nagkamali ako. Hanggang ngayon pala ay nandito pa rin lahat. Nandito pa rin ang sakit ng ginawa nila. Nandito pa rin ang peklat na kailanman ay hindi ko na mabubura pa.

Tinuon ko ang atensyon ko sa pinto nang marinig ang katok mula sa labas. Niluwa nito ang matalik kong kaibigan, ang isa sa mga karamay ko noon.

"Kirsten.." Pagtawag ko sa pangalan nya. Ngumiti naman sya sa akin at lumapit sa pwesto ko.

"Macey.." Bigkas nya sa pangalan ko kasabay nang pagpahid nya sa pisngi ko. "You're crying again.." Sabi nya pa nang malamang umiyak ako.

Umiwas ako ng tingin sa kanya saka ko tinuon ang paningin sa bintana. Kay gandang pagmasdan ng mga nagsasayawang dahon dahil sa ihip ng hangin. Naramdaman ko naman ang paghawak nya sa kamay ko at doon na nagsimulang bumuhos ang mga luha ko.

"Kirsten.. Its been six years since it happened. Anim na taon na pero pakiramdam ko parang kahapon lang nangyari ang lahat. Hanggang ngayon masakit pa rin. Hanggang ngayon malinaw pa sa alaala ko lahat ng nangyari noon." Sabi ko sa kanya.

Tinignan ko si Kirsten at nakita kong nakikinig sya sa lahat ng sinasabi ko. Muli nyang pinunasan lahat ng mga luhang naglandas sa mukha ko.

"Akala ko.. Akala ko pagkatapos ng ginawa ko noon ay mawawala na ang sakit. Akala ko wala na akong mararamdaman kapag bumalik tayo rito pero mali ako. Pinaniwala ko lang ang sarili ko na kaya ko." Umiling ako habang mas lumalakas ang pag-iyak ko.

"Mali ako Kirsten.. Maling-mali ako." Huli kong sinabi sa kanya bago ko naramdaman ang pagyakap nya sa akin at ang paghaplos nya sa likod ko.

"Makakalimutan mo ulit ang lahat ng nangyari, Macey. Malalagpasan ulit natin ito. Kung nagawa natin noon, magagawa ulit natin ngayon." Sabi nya.

"I doubt it Kirsten. Hindi ko alam kung makakaya ko ulit. Hindi ko alam kung makakaalis pa ako sa kulungan na ako mismo ang may gawa." Sabi ko sa kanya habang kumakalas sa yakap nya.

Hinawakan nyang muli ang mukha ko bago sya nagsalita, "Kakayanin mo Queen! Kakayanin natin ulit!"

Napalingon naman kami sa mga pumasok sa kwarto ko. They are my family. They smiled at me like nothing's wrong. Hindi ko napigilang mapaiyak nang makita ko sila. Agad silang lumapit sa akin at niyakap ako.

"Queen.." Pagbigkas ng mga kaibigan ko sa pangalan ko nang niyakap nila ako. Narinig ko naman ang pag-iyak nila kasabay ng pagluha ng mommy ko sa aking tabi.

Kumalas ako sa yakap ng mga kaibigan ko at hinarap ko ang aking ina. "Mommy.." Pagtawag ko sa kanya bago ko ipinakita sa kanya ang mga nakabuka kong braso upang maparating na gusto ko ng yakap mula sa kanya.

"My queen.." Sabi nya saka nya ako niyakap nang mahigpit. Narinig ko naman ang mga munti nyang paghikbi sa mga braso ko.

Kumalas ako sa yakap nang makita ang isa pang tao na pumasok dito sa kwarto ko. Tinitigan ko lang sya hanggang sa makalapit sya sa pwesto ko. He is smiling big habang nakatingin sa akin.

"Kristoff.." Bigkas ko sa pangalan nya.

"Hi my queen. I'm back! I'm back for you." Sabi nya saka ako niyakap nang mahigpit. "I miss you." Sabi nya pa sa akin na naging dahilan ng pagngiti ko.

"I miss you too, Kristoff." Sabi ko sa kanya bago ko sya niyakap pabalik.

HIS POV:

Masakit. Oo masakit. Yan ang nararamdaman ko habang nakatingin sa kanila. Sobrang sakit makita na may kayakap na iba ang babaeng mahal mo. Parang pinipiga ang puso ko sa sakit.

Umalis ako sa tapat ng kwarto ni Macey at dinala ako ng mga paa ko sa chapel ng ospital. Hindi ko alam kung bakit dito ako pumunta basta ang alam ko lang ay gusto ng makakausap.

Habang iniisip ko ang lahat ng nangyari ay muling bumuhos ang mga luha ko. Hindi ko alam na ganito ang magiging bunga ng ginawa ko noon. Hindi ko akalaing ganito ang magiging resulta ng mga ginawa kong desisyon noon. Isang desisyon na akala ko ay tama.

Itinanong ko sa sarili ko kung bakit? Bakit masakit? Bakit ganito ang nangyari? Bakit ganito ang karma ko? Ang ginawa ko lamang noon ay ang alam kong tama. Hindi ko alam na ganito pala kasakit gawin ang tama.

Napalingon ako sa kanan ko nang maramdamang may umupo doon. Si Tristan lang pala. Binigyan nya naman ako ng panyo na tinanggap ko.

"Alam kong masakit, Nicolli. Nandoon kami nung nangyari ang lahat. Alam natin na hindi mo kagustuhang saktan si Macey noon, pero Nicolli nangyari na eh. Wala na tayong magagawa. Ang kailangan mong gawin ay ang humingi ng tawad. Nasa kanya na kung papatawarin ka nya o hindi." Sabi ng kaibigan ko bago sya tumayo at humarap sa akin.

"Lahat tayo may mga nagawang maling desisyon na ngayon ay pinagsisisihan natin. Ang kailangan nating gawin ay humingi ng tawad at itama ang pagkakamali." Sabi nya at tinapik naman nya ang balikat ko.

"Kailangan na nating umalis boss. Hinihintay na tayo ng mga magulang mo, kanina pa. Tawag nga nang tawag ang mommy mo eh. Buti na lang ay nakita kita dito." Sabi nya bago naglakad palabas sa chapel. Sumunod naman ako sa kanya.

Pagdating namin ni Tristan sa dapat naming puntahan ay nakita kong kanina pa naiinip si Steffi sa paghihintay sa amin sa labas. Kahit kailan talaga ay napakainipin ng kapatid ko. Nang makita nya ako ay agad syang sumimangot. "Haay sa wakas! Makakaalis na rin!" Sigaw nya.

Nauna namang naglakad si Tristan papunta sa kwarto nya. Naroon na rin ang mga magulang ko. Samantala, sinabayan naman ako ni Steffi sa paglakad.

"Nicolli, nakausap mo ba sya?" Tanong nya sa akin.

Umiling lang ako sa kanya at narinig ko namang bumungtong-hininga sya. Pagkarating namin ni Steffi sa tapat ng kwarto nya ay pinagmasdan ko ang nakapaskil sa pinto.

Nicole Reyes.

###

Change of Hearts (Completed)Where stories live. Discover now