Chapter 33: Uncle John

178 6 0
                                    

QUEEN'S POV:

Nang makarating kami ni Kristoff sa mansyon ay agad akong bumaba sa kotse at pumasok sa loob. Dinala ako ng mga paa ko sa sala kung saan nakita kong hinihintay ako ng pamilya ko at ng mga kaibigan ko.

Tumikhim si mommy bago ako pinaupo sa single sofa. Sumunod ako sa kanya at agad nila akong pinalibutan. Samantala, nakita ko namang lumapit sa akin si Kristoff at tinaasan ako ng kilay. Muntik naman akong matawa nang mamatay ang ilaw sa sala at tinutukan ako nila Louiz at Venice ng flashlights

Tumikhim si Kirsten bago ako kausapin. "Saan ka galing, Queen Macey? Bakit pinauna mo rito sa mansyon ang mga bodyguard mo? May ginawa ka bang kalokohan?" Tanong nya sa akin.

Sasagutin ko na sana sya ngunit naunahan ako ni Kristoff. "Tss, may ginawa talaga syang kalokohan. Nagkita sila ni *ehem* Nicolli sa park." Pagsusumbong nya.

Huminga nang malalim si mommy bago humarap sa akin. "My queen, totoo ba ang sinabi ni Kristoff? Nakipagkita ka kay Nicolli kaya tinakasan mo ang mga bodyguard mo?" Tanong nya.

"Hindi ko po sila tinakasan. Pinauna ko lang silaaaa.." Pabebe kong pagsagot.

Tinignan ko silang lahat at mukha naman silang nagulat. Anong kagulat-gulat sa sinabi ko? Totoo naman iyon.

Nagulat ako nang biglang hawakan ni Kirsten ang mga kamay ko bago lumuhod sa aking harapan. Hinipo naman ni Dhepriz ang noo ko na para bang inaalam kung may lagnat ako o ano.

"Macey.. Anong nangyari? Anong pinag-usapan nyo? Anong ginaqa nya sayo?" Mahinahong tanong sa akin ng matured kong kaibigan na si Kirsten.

Ngumiti ako ng malaki bagi sumagot sa kanya, "He explained everything to me. Kahit na natatakot ako sa kanya nung kinakausap nya ako, naramdaman ko pa rin na sincere ang paghingi nya ng tawad sa akin."

Ngumiti si Kirsten dahil sa narinig nyang sagot ko. "Alam mo, tama ka. Kailangan ko lang lakasan ang loob ko na harapin at kausapin sila. Alam mo ba? Kahit masakit, nagawa ko syang patawarin. At alam mo ba? Tila nawala na parang bula lahat ng hinanakit ko sa kanya. Nararamdaman ko Kirsten, makakalaya na ako mula sa nakaraan. Kailangan ko lang tanggapin ang lahat ng nangyari at mahanap sa puso ko ang pagpapatawad." Sabi ko sa kanya bago ko sya niyakap.

"Thank you, Kirsten." Pagpapasalamat ko sa kanya bago ko naramdaman ang pagyakap nya rin sa akin.

HIS POV:

Nang makaalis si Macey kasama si Kristoff ay muli akong umupo sa swing at muling yumuko. Aaminin kong masaya ako kahit na ba may hindi magandang nangyari sa bahay. Masaya ako  dahil napatawad na ako ni Macey sa wakas. Tila nanalo ako sa loto nang marinig kong pinatawad na nya ako.

Makalipas ang ilang minuto mula nang umalis si Macey pauwi sa kanila ay mayroong ginoong huminto sa bandang harapan ko. Nang tingnan ko ang ginoo ay nalaman kong si uncle John pala.

Lumapit sya sa akin bagi umupo sa swing na inupuan ni Macey kanina. Nanatili naman ang tingin ko kay uncle John.

"Mukha kang nagulat, Nicolli." Sabi nya maya-maya bago ngumiti sa akin.

"Ahh.." Tanging nasabi ko bago ako umiwas ng tingin sa kanya.

"Kamukhang-kamukha mo ang daddy mo, Nicolli. Parehas din kayo ng pag-uugali, gagawin ang lahat mapatawad lang ng kanyang mahal. Ganoon ang ginawa nya noong nagkasala sya sa mommy mo. Alam mo, loko loko kasi ang daddy mo kaya muntik na silang maghiwalay ng iyong ina. Mabuti na lamang ay may mabuting puso si Anne." Pagkukwento nya.

Tumingin ako sa kanya bago ako naglakas-loob na magtanong sa kanya, "Alam nyo po ang tungkol sa akin? Alam nyo po ba kung anong nangyari sa mga tunay kong magulang?"

Huminga sya nang malalim bago sumagot, "Oo, kilala kita simula nang ipakita at ipakilala ka sa akin ni Miguel. Hindi kita nagawang kunin sa kanya dahil may binubuhay din ako. Alam kong mapapalaki ka nila nang maayos kaya hinayaan kitang lumaki sa puder nila." Sabi nya bago hawakan ang kaliwa kong balikat.

"Patawarin mo kung hindi kita nagawang mapalaki. Patawarin mo ko kung mas pinili kong kupkupin ka ng mga Reyes." Paghingi nya ng tawad.

Agad akong umiling, "Wala po kayong kasalanan. Sinabi na po sa akin ni daddy kung anong rason nyo at naiintindihan ko iyon. Alam nyo po na hindi nyo ako kayang palakihin noon kaya nagawa nyo iyon." Sabi ko sa kanya bago ko sya ningitian.

Ilang minuto ang lumipas na walang umiimik sa amin ni uncle John. Maya-maya ay binasag nya ang katahimikan at tinanong ako, "Ano nga pa lang ginagawa mo dito? Malapit nang gumabi, bakit hindi ka pa umuuwi?"

Nang marinig ko ang kanyang sinabi ay nakaramdam ako ng pagkailang. Siguro ay naramdaman nya ang pagkailang ko kaya muli syang nagtanong.

"Nicolli may problema ba? Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong nya

Tumingin ako sa kanya bago sumagot, "Umalis na po ako sa mansyon nila." Pag-amin ko dahilan ng pagkunot ng kanyang noo.

"Inaway ko po kasi si Steffi at siniwalat ko ang kasalanan nya. Nagawa ko syang pagbuhatan ng kamay kaya nagalit sa akin si mommy Michelle. Sinabi nya kung ano lang ako sa pamamahay nila kaya, umalis na lang po ako doon." Pagpapaliwanag ko.

Maya-maya ay naramdaman ko ang paglapit nya sa akin at ang pag-tap nya sa aking likod na para bang pinapagaan nya ang loob ko.

"Magkatulad talaga kayo ni Jeremy. I remember the time when he decided to leave the mansion in order to be with your mom. Ganyang-ganyan din sya. When he felt like he does not belong in the mansion anymore, he will leave. Just like what you did, Nicolli." Sabi nya bago humarap sa akin.

"Did you bring your car? Ihahatid na kita papunta sa isang condo. Doon ka muna habang hindi pa kayo nakakapag-usap ni Miguel tungkol sa nangyari." Magpoprotesta sana ako ngunit muli syang nagsalita. "I insist. Don't worry, that condo is mine." Sabi nya bago naglakad palapit sa kotse ko.

How did he know that it is my car? Tila narinig nya ang tanong ko kaya sinagot nya. "I'm the one who bought this. Remember, Miguel gave you this as a birthday gift? Pinakiusapan ko sya na wag sabihin sayo na galing talaga sa akin ito kaya pinalabas nya na sya ang bumili nito. That time, hindi mo pa alam kung anong totoo."

Tumango na lang ako bago ko binuksan ang kotse ko na kanyang binili at binigay sa akin.

###

Change of Hearts (Completed)Where stories live. Discover now