At nang dumating na si Rhen with his usual look; polo, gulo-gulong buhok, black jeans, his cold look and his eyeglasses.

Mukha siyang baduy, sa totoo lang. Pero alam kong sa likod ng pagkabaduy niya ay may tinatago siyang sikreto. 

"So, class!" panimula ni Sir Chase na siyang nakatayo sa harapan namin, nakatayo sa ibabaw ng bench upang makita ng lahat.

"We're here to plan our activity. Mr. Lee, please hand me the paper na binigay ko sa 'yo noong Monday."

Lumapit naman si Rhen kay Sir Chase at binigay ang dala-dala niyang brown envelope.

"The ten characters na dapat makita sa ating movie ay si; Bonifacio, Mariano, Heather, Castro, San Jose, Suarez, Vellecera, Perez, Castell and Salcedo."

He then explain further kung ba't silang sampu ang napili.

Sabi ni Sir Chase, from our past activities such as stage play ay nasaksihan na niya ang mga magagaling sa acting. That also explains why they are selected ay dahil suit sa kanila ang characters and you know, good looking din.

I'm happy and proud na napili ang mga naging kaibigan ko. Lalo na si Hazel, Jenny, Selena, Joseph, Christ at Miko. Hindi napili si Francis, hindi ko alam kung bakit pero magaling naman siya sa acting.

"Ang mag-assist sa 'kin ay ang mga class officers. And for the lights, mic, audio and etc. ay yung mga kumuha ng specialization na ICT o Information Communication Technology. Ayos lang ba sa inyo?"

Lahat ng mga kumuha ng specialization na ICT ay nag-agree, bakas sa mukha nila ang saya at excited sa magiging trabaho nila. And oh, kaya pala hindi napili sa magiging character si Francis ay isa din siyang ICT student.

"And for our photography and behind the scene; Dimwall and Ocampo. Please bring your gadgets tomorrow na pwede nating gamitin during the shooting."

Nanlaki ang mga mata ko nang sabihin ni Sir na kaming dalawa ni Caleb ang sa Behind the Scenes. Napatingin ako sa kaniya pero dedma lang siya. Okay, ako lang ata ang nakaramdam ng kaba na makatrabaho siya.

Hindi ko nalang pinansin 'yon at nakinig nalang kay Sir Chase. 

Hiding Away raw ang magiging title ng aming movie. Isang mystery-thriller. That would be exciting since mahilig ako sa mystery.

Binigyan din kami ni Sir Chase na isa-isang script para malaman namin kung ano ang gagawin ng mga characters. Tapos nakalagay sa pinakahuling page ang mga kailangan naming gawin. 

And as a photographer for the behind the scene, nakalagay dito na every second ay dapat kukunan ko ng litrato ang bawat galaw namin.

"So, that's it for today, class! Provided na ang ating bus papunta sa rest house, foods and drinks for four days. Let's meet at Sacred High at nine-thirty."

Mas lalong naging excited ang lahat at ang iba naman ay nagpaplano na sa kanilang dadalhin bukas. May narinig pa ako na magdadala siya ng bikini. Omg, right? Kadiri siya. 

Nagpaalam na si Sir Chase, bagay na ikinatuwa ko. Dahil finally, makakauwi na ako para tapusin ang ginagawa ko sa bahay. Dinukot ko muna ang cellphone ko mula sa shoulder bag at tiningnan ang oras.

10:32 AM.

Halos two hours pala kaming nandito. Dahil kasi sa haba ng sinabi ni sir kanina, hindi na namin namalayan ang oras.

Bumuntong hininga ako at tinalikuran sila para magsimula ng maglakad palayo nang matigilan ako. Bigla kasi akong nakaramdam ng hilo at hindi ko namalayan na nabitawan ko pala ang hawak kong cellphone at napaupo sa sahig.

Mystique PuppeteerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon