WAKAS

41.2K 860 61
                                    

Wakas.

"Walangya! Hanggang ngayon, filipino time pa rin kayo!"

Panay tawanan lang kaming lahat. Nandito na ang mga kaibigan ko sa bahay at sa wakas ay mukhang natuloy rin ang reunion ng barkada.

Apat na taon na ang nakakalipas ng magsipag-tapos kami. Madalas ay nagkakausap usap pa rin naman kami pero sobrang bihira na ang ganitong mabuo ulit ang barkada at magkita kita ng personal.

Nabalitaan kong ngayon ang uwi ni Coreen dito sa bansa at laking pasasalamat talaga namin na ok na sya. Matagal rin na nangulila si Dave at ang anak nila sakanya. Finally, mabubuo na ang pamilya nila.

Halos lahat kami ay may kani-kaniya ng pinagkakaabalahan. Natapos ko ang pagaarkitekto kaya heto at madalas ay napupunta talaga ako sa ibang bansa. But it's always good to be back home.

Apat na taon na rin akong walang balita sakanya. Kamusta na kaya sya? Tulad ko, iniisip nya rin kaya ako? Baka naman may pamilya na sya? Ewan ko talaga...

Up until now, i consider her as my TOTGA.

"Coreen! Oh my gosh!" Nangibabaw ang matinis na boses ni Lulu. Yup! Coreen is finally back.

Lahat kami ay nagsipaglapitan sakanya at yumakap. Halata sa itchura nya na ok na sya at malakas na rin. Halos hindi humihiwalay sakanya si Daren, ang anak nila. Nagawa lang nito na humiwalay ng lapitan na sya nung kambal.

Nakakatuwa talaga minsan kapag may mga bata. Oo nga't magulo, pero masaya. Mukhang masaya talaga kapag nagkapamilya na.

"Hoy! Tama na nga yang dramahan. Dito nalang tayo magkwentuhan sa hapag." Ayon ni Inay Sera.

Susunod na sana ako sa hapag pero naramdaman ko ang biglang pagkapit ni Coreen sa braso ko. I looked at her and she just flashed a smile.

"Masaya ka ba?" Tanong ko.

"Sobra! Kumpleto na kami. Ito lang naman ang hinihiling ko eh."

"Good for you! I'm so happy para sainyo."

Huminto sya sa paglakad kaya ganun narin ako. Bigla syang tumayo sa harapan ko at panguso nguso pa. Ang tatanda na namin para magpacute pa sya. Baka may kailangan?

"Yes, Coreen?" Natatawa kong tanong.

"I saw her Zancho. Sa states. She look so good. Unlike before na mukhang nakakatakot, ang aliwalas ng mukha nya. Parang ang saya saya nya doon."

"Baka may dahilan. A husband, maybe?"

"I'm not sure. Hindi ko naman naitanong. Anyway, alam ko lang na iniisip mo kung kamusta na sya, she's fine there."

"Alam nya ba 'tong reunion?"

"Nasabi ko. Kaso imposible daw syang makauwi. Marami pa raw kasi syang dapat unahin na trabaho dun. Pero susubukan naman daw nya, hindi nga lang nangako."

Nakayuko akong napapatango. Pilit na ngiti ang ipinakita ko kay Coreen. Kahit hanggang ngayon, basta sya ang topic ay iba pa rin talaga ang dating nya sakin.

Tuloy ang kwentuhan ng barkada habang panay takbuhan naman ang mga bata. Lahat kami ay binabalikan yung mga nangyari noong college pa kami. Yung mga kalokohan, tawanan, iyakan, lahat! This feels so good.

"Mommy! Mommy! May tao po outside!" Ayon ng bibong si Daren.

"Oo nga po paps! Ayaw namin papasukin kasi baka magalit po kayo." Ayon naman ng isa sa kambal. Si Keeno ang tumayo at nagpadala sa paghila ng mga bata.

"Woah! You're here." Halos pasigaw na ayon ni Keeno.

"Guys... Si Isay!" Ayon nya pa ng makapasok silang dalawa sa loob.

US2: Her Doubt [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon