Pahina 14

28.1K 512 2
                                    

Pahina 14

"Ikaw palang?" Bungad ko kay Coreen ng makitang sya palang ang nandito kila Zancho.

Panay irap ako kay Zancho habang naglalakad palapit kay Coreen. Ayoko ng magsalita. Ni ayaw kong may kumausap sakin kahit parang imposible yun mangyari ngayon.

Inalok ako ni Zancho ng tsaa dahilan para marinig ko nanaman ang malalim nyang boses. Tumango lang ako bilang sagot. Akalain mong alam nya pala kung ano ang madalas kong inumin lalo na pag umaga?

Halos isang oras ang tinagal bago nabuo ang barkada. Masyado sa filipino time ang mga kaibigan ko lalo na ang mga lalake.

Pansin ko ang pagka ilang ni Coreen lalo ng tumanggi akong tabihan sya. Usually ay sa pinaka likod ng sasakyan talaga ako nakapwesto dahil parang mas tahimik dun at yun ang gusto ko buong byahe.

"Isay? Bakit ba di ka pa nagkaka boyfriend?"

Kakasabi ko lang na gusto ko sa tahimik.

"Don't talk to me, Damian."

Umalingawngaw ang asaran ng mga lalake dahil sa pagtataray ko kay Ian. Nakakairita kasi kanina pa sya dumadaldal. Parang walang kapaguran ang bibig nya. Ok na nga lang rin eh! Sana lang wag na nya ko idamay.

"Ano nga kasi Isay? Bakit nga lang?"

Napapikit ako dahil sa pagtitimpi. At sa dinami dami pa talaga ng pwede nyang usisain sakin ay tungkol pa sa ganyang bagay! Nakakaasar!

"Sh*t! Fine. Kung bibigyan mo ko ng lalakeng tatrato sakin na ako ang very important person sa buhay nya, seryoso at di ako basta basta iiwan, Sige! Magboboyfriend na ko!"

Masungit akong sumagot sakanya at inirapan pa sya. Siguro naman ngayon ay titigil na sya.

Tama naman ang sinagot ko. Yan ang hinahanap ko sa lalake. Oo meron pang iba pero yan ang pinaka importante sakin. Mahihirapan nga akong mahanap ang ganyang lalake o baka nga ay hindi na. Pero wala akong pakialam. Mas ok ng tumandang dalaga kaysa mapunta sa maling lalake.

"Bud. Tigilan mo na nga si Isay! Di ka naman papasa jan eh!" Natatawang paningit ni Cairo na syang nagmamaneho ngayon.

"Shut up! Makapagsalita ka jan parang pinatulan ka ni Coreen ah?" Natatawa naring balik ni Damian.

Napaisip ako bigla. Bakit kaya kung sino ang gustuhin natin ay syang di napapasaatin? Parang pag may hiniling ka, minsan hindi mo yun nakukuha.

Pero minsan kaya hindi yun ibinibigay satin dahil may darating na mas maganda o higit pa sa hiniling natin. Pero, bakit nga ba?

"Have any of you wonder why we can't have that one person we want the most?"

Di ko napigilang ilabas ang kanina pang tanong sa isip ko. Pansin ko ang biglang paghupa ng tawanan ng mga kaibigan ko. Halos lahat sila ay nakalingon na sa akin. Ako naman ay naghihintay pa rin ng sagot kung sakaling may makakasagot nga.

"Bakit Isay?" Biglang tanong ni Keeno.

Napatitig ako saglit sakanya. Akala ko ay ngingitian nya ko o matatawa sya dahil para nanaman akong ewan na basta basta nagsasalita at nagiging killjoy. Pero hindi. Nagtataka sya sa itinanong ko. Yun ang nababasa ko sa ekspresyon ng mukha nya.

US2: Her Doubt [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon