Pahina 26

21.8K 460 9
                                    

Pahina 26

"Hija, It's ok. Iiyak mo lang. Nandito lang si Lola."

Nakasandal ang ulo ko sa balikat ng Lola ko at kahit pilitin ko ay parang tuyong tuyo na ang mata ko at wala na itong mailabas pang luha. Nailabas ko na yata lahat.

Mula kahapon, kagabi kahit kanina pag gising ko ay nailabas ko na yata lahat ng luha ko. Sana nga hanggang dito nalang. Sana nga tapos na. Pero bakit pakiramdam ko na nagiipon lang ulit ako ng ilalabas kong luha para bukas?

"Men. Are they all the same? Are they all like them? Namamako ng pangako? Nang iiwan? Nananakit? Do i deserve this, La? Did i do anything wrong to them? Bakit ako? Ganun ba ko kasama?"

"Shhh! You did nothing wrong! Never blame yourself apo. This is just reality. All we have to do is accept it, face it and live with it."

Mas lalo akong sumiksik sa Lola ko. Napansin ko na papalapit sa amin ang Lolo ko pati si Tito Yassi. Siguro hindi lahat ng lalake ay pare-pareho dahil sakanilang dalawa ko lang nakita na may lalaki pa palang di ako sasaktan.

Ang Lolo ko na simula't sapul ay hindi ako pinabayaan at hindi kailan man nawala sa tabi ko. Ang tito ko na kahit hindi pusong lalaki ay mukhang mas lalaki pa kaysa sa mga totoong lalaki. Inako nya ang pagpapaka-tatay sakin kahit hindi naman nya obligasyon yun. Hindi nya lang ako pamangkin, tinuring nya ko na para narin nyang tunay na anak.

"Bruha! Kumain ka naman! Ang payat mo na nagagawa mo pang magdiet. Asan ang hustisya?" Pilit na patawang ayon ni Tito.

"Gusto mo bang umalis tayo Apo? Gusto mong mag gala? Sasamahan kita" Ayon naman ni Lolo.

"Lo, Hindi ka nga po pwedeng mapagod eh. Hindi dahil di ako ok, idadamay ko na ho kayo"

"Eh hija kahit naman nananahimik ka lang, naaapektuhan parin si Lolo. Minsan na kitang nakitang ganyan, hindi ko inakala na mauulut muli."

Yumuko nalang ako dahil ayoko munang mapansin ang lungkot sa mukha ng Lolo ko. Mas lalo akong nalulungkot pag ganun.

Hindi ko magawang lumapit ngayon sa Mama ko dahil ibang problema naman yun. Hindi ko maintindihan kung bakit ganun nalang nya kadaling tinanggap ulit si Papa. Na para bang walang nangyari at di sya nasaktan noon.

Sinabayan ko sa pagkain ang Lolo at Lola ko. Kasama ko naman ngayon si Tito dito sa sala at nanonood ng kung anong gusto nyang panoorin. Siguro ay nadala na sila noong nagkaganito ako at nagkulong lang kaya ngayon ay sinasamahan nila ako kahit saan ako pumunta.

"Ang lakas ng ulan!" Ayon ni Tito kahit nakatutok ang paningin sa t.v

"Ganito ang gusto mong panahon, diba? Ewan ko ba sayo! Kung kailan may bagyo tsaka ka masaya at kumakalma." Pabiro pang dugtong ni Tito.

"Gusto ko lang kasi yung lamig ng hangin. Yung ingay nung mga patak ng ulan. Tsaka, nakakatuwa kasi parang pati panahon ay dinadamayan ako."

Pansin ko ang biglang paglingon sa akin ni Tito. Kita ko naman agad sa mga mata nya yung lungkot. Ginulo nya ang buhok ko bago ako inakbayan.

"Alam mo Eleissa? You're too deep! That's what i like most about you. Pero minsan you have to loosen up. Kung anong binabato sayo, tanggapin mo lang. Wag mong iwasan. Wag mong takbuhan."

"Huh?"

"Let all of them talk. Hear their side. Kung maiintindihan mo, edi maganda! Kung mas nangingibabaw parin yung galit kaya sarado ang utak mo, wala rin problema dun."

Hindi ako agad sumagot. Sa totoo lang ay lagi namang pumapasok sa isip ko na bigyan sila ng chance para magsalita. Para magpaliwanag. Pero natatakot kasi ako!

Nakakatakot na baka hindi ko mabuksan ang isip ko sa mga paliwanag nila. Nakakatakot na baka maniwala ako at masaktan lang ulit. Kung mukha akong matapang para sa ibang tao, hindi lang nila alam na napakalaki ng takot sa dibdib ko!

* * *

Papunta na ako sa tambayan. Ilang araw akong hindi nagpakita ni nagparamdam sa mga kaibigan ko. Ayoko lang ng may magtatanong o manguusisa. At alam kong nandun sya. Hangga't maaari ay ayoko pa syang makita!

"Uy! You're back!" Ayon ni Javier na nakasalubong ko palang.

"Hindi naman ako umabsent."

"Academically, yes. Pero samin, absent ka kaya" Pabiro nyang ayon.

"Nagsalita ang laging nagpapakita sa barkada."

"Oy grabe! Busy lang lately."

"Busy? You're always at the med building. Lagi kaya kitang nakikitang pumupunta dun."

"Huh? Uhm..."

Hinarang ko ang kamay ko sa mukha nya senyales na hindi na nya kailangang magsalita o magpaliwanag. Actually, wala naman akong pakialam. Sinasabi ko lang naman sakanya yung alam at napapansin ko.

Walang ibang tao dito sa lamesa namin. Si Javier ay busy sa cellphone nya habang ako ay nakapangalumbaba lang at nakatingin sa malayo.

"Si Zancho, uhm... Isay? Ano ng balak mo?"

"Why?"

"Incase hindi mo pa alam. Hindi na pumapasok si Zancho. Pinuntahan namin sya sakanila tapos ang kalat! Eh diba napakalinis nun? Tapos puro alak, obviously inom sya ng inom."

"Ahh.."

"Isay naman... Anyway, sana maayos nyo na to. Alam kong malaki ang impact sayo and sobra kang nasaktan pero same goes to him. It won't hurt to talk to him."

I look straight into Javier's eyes. He looks sincere at hindi gumagawa ng kwento. I think that i'm handling this situation way better than Zancho.

"Javi. Lalake ka. Kapag ba hindi ka totoong nanloko, anong gagawin mo?"

"Aba syempre gusto kong magpaliwanag! Gusto ko na pakinggan ako. Masakit sa pakiramdam yung pagbintangan ka sa bagay na hindi mo naman ginawa."

"Paano kung may proof? Paano kung nakita mismo yung panloloko. May karapatan pa bang magpaliwanag?"

"Isay, diba there's always two sides of the story? Wala ka dun bago yun nangyari. Ang nakita mo, yung present, yung kasalukuyan. Hindi mo alam kung paano yun nagsimula."

Natigilan ako at napatitig lang kay Javier. He has a point there. Actually, tama sya. Maybe that's what i'm just waiting for? Yung marinig sa ibang tao yung talagang dahilan bakit kailangan kong harapin si Zancho.

I didn't realize na naluluha na pala ako and yet hindi ko pa rin inaalis ang mga tingin ko kay Javier.

"Oh! Shoot! Sorry Isay! I didn't mean to make you cry!" Ayon nya matapos agad na tumabi sakin at inakbayan ako.

I covered my face with my hands at isinandal kay Javier ang ulo ko. Hinihimas himas nya ang balikat ko para kumalma pero sadyang hindi ko mapigilan ang umiyak.

I haven't talked to anyone after that incident. Nahihirapan akong magopen up sa mga kaibigan ko. Naiinis rin ako dahil kahit kailan ay hindi ko inakala na makikita nila 'tong side kong ito.

Yung Isay na umiiyak, mahina, takot na takot. Akala ko rin naman na hindi na 'to lalabas. Akala ko naalis ko na 'tong side na to sakin pero mukhang naitago ko lang pala.

I just want this to stop already. All the pain. Ayoko na! It's been so long since i felt this kind of depression. Why does it have to make a comeback? Sobra na talaga ang impact!

US2: Her Doubt [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon