Pahina 13

27.9K 552 0
                                    

Pahina 13

"Marunong ka ba? Alam mo ba talaga ang gagawin?"

Naglalakad kami ni Zancho palapit sa kulungan ng mga kabayo. Lilinisin lang naman namin yun dahil tapos na naman silang pakainin.

"Watch me." Mayabang na sagot ni Zancho at patakbong pumunta sa kulungan.

Tulad ng sabi nya ay pinanood ko nga sya. He's quite good at this at di ko yun inaasahan. Ni minsan kasi di ko naman sya nakitang kahit lumapit sa mga hayop.

Oo at nandito sa Port Valencia ang bahay nila pero how the hell did he knew how to do this kind of things? Ang alam ko kasi ay nasa manila ang bussiness nila. Yup! I'm quite surprised right now.

Nakahalukipkip ako habang nanonood sakanya. He look so hot. Actually, he looks like a hot western guy. Kapag nililingon nya ko ay bigla syang ngumingiti kaya napapakunot noo ako. Maganda ang pagkakangiti nya. Lumalabas ang dimples nya na syang pinaka gusto kong feature nya.

Face it. Just face it, Isay.

"Oh ayan! Ok na! Diba ang galing ko?"

"Stop smiling Zancho. Naiirita ako!"

Lumakad ako papasok sa kwadra at tinignan ang bawat sulok nun. Maayos. Malinis. Magaling nga sya.

Sinunod namin ang kulungan ng kambing, pato, baboy at nung iba pa. Magaan lang ang ginagawa namin since may iba rin namang manggagawa dito na mukhang kanina pa nagsisikilos

"Aba Senyorita! Nandito ho pala kayo." Masiglang ayon ni Jasper. Matagal ko na syang di nakikita. Tulad ni Des ay nakilala ko si Jasper dahil sa lolo at lola ko. Dito naman nagtatrabaho sa rancho ang mga magulang nya.

Kung naaalala ko pa noon nga ay nagkakasama kaming tatlo pero dahil di magkasundo si Jasper at Des ay pinili kong bukod na silang samahan. Naging mas madalas nga lang na si Des ang kasama ko dahil bibihira ako makapunta noon dito.

"Jas! How are you?" Nakangiti kong bati sakanya.

"Naku! Mahirap ka talaga kausapin Isay. Umiingles ka parin hanggang ngayon." Bahagya kong hinampas ang braso nya at natawa.

"Sira! Ano nga? Kamusta na? Ang tagal na nung huli kitang nakita ah"

"Ayos lang naman ako. Ganun parin at walang pinagbago. Matagal na nga nung huli tayong nagkita! Bihira ka naman kasing mapadpad rito eh"

Nakangiti akong tumatango lang sakanya. Sa tingin ko ay si Jasper lang ang lalakeng kayang magpangiti sakin ng walang halong pagpilit. Masyado syang easy going at ni minsan ay di ako nakaramdam ng pagka-ilang sakanya.

Patuloy sa pagkekwento si Jasper at talagang napapangiti naman ako dahil di sya nagbabago. Nagkekwento lang ay may halo pang actions.

"Mahal?" Naramdaman ko agad ang pagkapit ni Zancho sa bewang ko. Kita ko naman ang pagkagulat ni Jasper na bigla nalang natigil sa pagkwento.

"Ay! Magandang hapon po." Todo ngiting bati ni Jasper kay Zancho.

"Yeah. Sure. Whatever." Parang halos di nya nilingon ang kaibigan ko at bagkus ay sa akin lang ang mga tingin.

"Tara na, Mahal." Seryoso nyang ayon at basta ako hinila palayo sa kaibigan ko. Hindi ko alam kung galit ba sya o may topak lang talaga.

Hanggang sa makalayo kami ay di nya inaalis ang paghawak sa kamay ko. Mahigpit iyon pero di naman masakit.

"What was that Zancho? Ang bastos mo naman!"

"Ano?!"

"Maayos kang binati ng kaibigan ko. Ni hindi mo man lang nga sya nilingon at nginitian eh! Mabait yung tao tapos akala mo kung sino ka magmataas!"

US2: Her Doubt [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon