Pahina 29

23.2K 478 8
                                    

Pahina 29

Kasabay ko si Mama at Papa na nagaalmusal. Kahit na mukhang nagkaayos na kami kagabi ni Papa ay di ko parin maiwasan na medyo mailang sakanya. Nasanay rin kasi ako na kami lang ni Mama ang tao dito sa bahay.

"Ok lang ba na sunduin ka mamaya after your class? Dumeretcho tayo kila Papa." Tanong ni Papa sa akin.

I looked at him at nginitian lang sya bago tumango. Si Mama ay abala sa pagaasikaso sa amin. Sinusulyap sulyapan ko sya at kitang kita ko na maaliwalas ang mukha nya. Parang masaya sya sa nangyayari ngayon.

"Isay, it's ok anak. Hindi mo naman kailangang maging close agad agad sakin. Alam kong naiilang ka. Ok lang yun! Walang problema dun."

Ganun ba talaga kahalata ang kilos ko ngayon? Mukhang sa akin nakapako ang tingin ni Papa para mahalata nya na hindi ako ganun ka-komportable ngayon.

"Oo nga anak. Dadahan-dahanin naman natin. Wala namang dapat biglain. Ang importante, nalaman mo na lahat. Naipaliwanag na namin sayo at naiintindihan mo na ang mga nangyari." Ayon naman ni Mama. Ngumiti lang ako sakanila bilang sagot.

So far so good. Maganda ang takbo ng mga nangyayari sa amin ngayon at alam kong kuntento na 'ko sa ganito!

* * *

Di ko maiwasang kusang mapangiti nalang. Ibang klaseng pakiramdam yung nararamdaman ko. Kapag naaalala ko, Para bang sa tinagal tagal ay sa wakas, isang napakalaking tinik yung nabunot sa akin.

"Isay, patulong naman ako dito ko oh!"

"Wow! Marunong ka pa palang magaral, Mon."

"Grabe ka naman! Excuse you, kahit kailan 'di pa ako nagka-tres."

Ngumisi lang ako kay Siemon at kinuha na yung notebook nya. Halos kumpleto na kami dito sa tambayan. Halos. Wala kasi si Coreen dahil hindi na yun pwedeng magtagal na nakatambay dito. Laging agad syang hinahatid ni Dave pauwi para makapagpahinga na.

At hanggang ngayon rin, wala pa si Zancho. Iniisip ko na baka ngayon pa sya sumablay. Finals na pero m.i.a pa rin sya.

"Pwede bang unahin muna natin 'tong assignment ko? Huwag mo munang isipin yun! Mahal ka naman nun."

"Ano nanaman yan Siemon?"

"Sus! Kunwari pa 'tong si Isay. Huwag ka ng magalala kay Zancho. Before you even know it, magpapakita na ulit yun satin."

Kahit naman kasi anong gawin ko, hindi sya maalis sa isip ko. Gustong gusto ko na maging ok na kami. Pero hindi ko maipapangako na maibabalik ko pa yung closeness namin.

Bakit ba kasi ako nagkakaganito?

"Kasi nga natatakot ka lang. Ok lang yan."

Agad kong nilingon ang nasa kaliwa ko na si Javier at tinignan sya ng salubong ang kilay.

"What?"

"Nagsasalita ka kaya jan basta basta! Sabi mo bakit ka nagkakaganyan. Sinagot ko lang yung alam kong tamang sagot. Tama ako diba?"

Pairap ko syang iniwasan ng tingin. Narinig ko pa yung paghagikgik nya. Sarap na sarap nanaman syang mang asar.

"Nga pala Sera. 'Di ba kaibigan ni Maiko yung pinsan mo tsaka yung president natin?" Nakikinig nalang ako sa paguusap ni Siemon at Sera.

"Oo. Why?"

"Ano ngang pangalan nun?"

"Yung pinsan ko? Si Ever."

"Hindi! Yung amazonang naging presidente natin."

"Ahh! Si Bella. Wow ha? Matapos mong makalaban, hindi mo pa rin tanda yung pangalan nya? Bakit ba? Type mo no?"

Loloko-loko lang itong si Siemon pero saming lahat, sya ang active pagdating sa mga extra curricular activities. Tulad ng sabi ni Sera, tumakbo rin sya bilang school president noon. Natalo nga lang. Ng babae.

"Pwede sana. Maganda nga, hayop naman sa ugali! Tomboy ba yun?"

"Sira! Hindi ah! Nakasama ko na minsan yun nung sinama ako ni Ever sa lakad nilang dalawa. Masaya kasama yun. Mabait pa."

Halos lahat kami ay nagulat ng hampasin ni Siemon yung mga libro at notebook nya bago tumayo at parang akala mo kung sinong best actor kung umarte na nabibwisit sya.

"Yun? Mabait? Ang lakas kaya ng tama nun! Daig pa nun naka-drugs pag binabati ko. Nginingitian mo na, sinusupladahan ka pa. Tapos nung debate, Aba! Akala mo kung sinong perfect na lahat ng sinasabi nya, tama! Wala naman na sa katwiran!"

"Give it a rest, Mon. Tapos na yun eh. Magtatapos na nga rin tayo eh! May issue ka pa rin?" Paningit ni Keeno.

"Oo! Hangga't nakikita ko yung pagmumukha nung babaeng yun, hinding hindi ko makakalimutan yung interaction namin! Nakakapanginig ng laman loob!"

"Haha! Pero aminin, kinikilig ka!" Pang aasar bigla ni Damian.

"Oo nga! Nung hindi mo pa alam na makakalaban mo yun sa president position, 'di ba gandang ganda ka sakanya?" Paningit pa ni Cairo bago nakipag-apir kay Ian.

Napapangisi lang ako lalo na't naalala ko pa rin yung mga nangyari. Kung gaano katindi yung bangayan nilang dalawa na akala mo government position talaga ang pinagaagawan nila. Masyado nilang sineryoso.

But to be honest, Sobrang exciting nun! Yun na yata yung pinaka intense na debate nung election na nangyari dito sa school.

"Anong meron?" Lahat ay agad na tumahik at unti unting humina ang tawanan.

"Uy Zancho you're back! Welcome back!" Maligalig na ayon ni Lulu.

Ngumisi lang sakanya si Zancho bago naupo sa tabi ni Keeno. Sa tapat ko. Sa harapan ko. Hindi naaalis ang tingin namin sa isa't isa. Wala kaming imik. Ni ngitian ay wala rin. Pero hindi talaga napuputol ang pagtitig namin.

"Ay! Naglalaro pala tayo? Tara! Staring game rin. Mukhang exciting oh! Hindi talaga 'to boring." Sarkastikong pang aasar ni Damian na naging dahilan para magtawanan naman ang mga kaibigan namin.

Sobrang corny pero tawang tawa naman sila. Mga abnormal talaga!

Panay kalabit sa balikat ko si Siemon dahilan para ako narin ang pumutol sa pagtititigan namin ni Zancho. Heto nanaman at kinukulit nya ako sa assignment nya. Kung sana kasi hindi sya puro daldal kanina edi sana tapos na kaming magturuan ngayon. Hay naku!

"Anyway, Isay. Ok na kayo ng Papa mo. Ano ng balak mo?" Saglit kong tinitigan si Sera.

Ewan ko kung ngayon ko na ipapaalam sakanila pero ayoko rin naman kasi na pag pinatagal ko pa ay mabigla nalang sila.

"After graduation, Magmamigrate na kami."

And as i expected. Parang may dumaang anghel sa biglang katahimikan ng mga kaibigan ko. They kept on staring at me kaya naiilang talaga ako.

"Sa States. Doon kasi namin susubukan ipagamot si Lolo. Actually, si tito lang ang maiiwan dito."

"Bakit sasama ka pa?" Tanong ni Cairo.

"To start again from scratch. Gusto ko lang umalis dito. Gusto ko ng bagong environment. Medyo nakakasuffocate narin dito eh."

Walang nagsasalita sakanila. Panay iwas naman ako ng tingin at yumuyuko nalang. Pilit lang ang ngiti ko. Kusa ring dumadapo kay Zancho ang paningin ko pero nakayuko lang sya at kinakalikot ang cellphone nya.

"Kung doon ka mas magiging happy. We will support you. Pero at the same time, we will miss you rin. Sobra!" Ayon ni Lulu. Ngumiti naman ako agad sakanya.

Alam ko namang hindi magiging madali sa akin ang umalis rito at magsimula ulit sa lugar na bago at hindi ako pamilyar. Pero kung hindi ko naman yun gagawin, para bang walang patutunguhan ang buhay ko.

Kailangan ko lang munang kumilos to see what else the world has to offer for me.

US2: Her Doubt [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon