Pahina 21

24.9K 733 1
                                    

Pahina 21

"Isay?"

Unti unti kong idinilat ang mga mata ko. I looked around and stopped ng maramdaman kong may brasong nakadantay sa bewang ko.

"You're still here! Akala ko nananaginip lang ako." His morning voice sure sounds sexy.

Nakatalikod ako sakanya kaya naramdaman ko nalang na ibinaon ni Zancho ang ulo nya sa balikat at buhok ko. Di ko naman mapigilang mapangiti at idikit pa ang katawan ko sakanya.

Nakarinig kami ng tunog mula sa cellphone at sa akin yun. Agad kong pinaabot kay Zancho dahil baka si Mama or si Lola at Lolo ang tumatawag pero hindi pala.

"Lulu?... What?! Was that due today?... Shoot!... Ok i'll be there!"

Agad akong napabalikwas ng tayo at di na inintindi si Zancho kahit panay tawag pa sya sa pangalan ko. Dinampot ko lang agad ang mga damit kong nasa sahig at dumeretcho na sa comfort room.

Paglabas ko ay hinanap ko agad ang sapatos ko at naupo saglit sa kama para suotin iyon. Nagawa ko pang sulyapan si Zancho na kakatapos lang magbelt at ngayon ay nagsusuot na ng pang itaas nya.

"Uuwi pa ko! Nasa bahay yung mga papers na kailangan naming ireport today."

"Ihahatid na kita!"

Tumango lang ako bilang sagot. Ng tapos na 'kong magbihis ay dirediretcho akong bumaba at lumabas na. Kitang kita ko kung paano ako habulin ni Zancho at hingal pa na pinagbuksan ako ng pintuan ng sasakyan.

"Maybe now you can tell me kung anong meron? Alam kong may klase ka, ako rin naman eh! Pero hindi ba mamayang hapon pa?" Tanong nya na hindi inaalis ang tingin sa daan.

"Yeah! Pero ngayong 10am yung reporting namin sa Accounting. Importante to! I'm so stupid para makalimutan ko!"

"Ok calm down! Hihintayin na kita sainyo tapos ihahatid rin kita sa school bago ako bumalik sa bahay."

I immediately looked at him at pinisil pisil ang braso nya. Sinulyapan nya ko kaya agad ko naman syang nginitian.

"Thank you!"

Kahit na hindi nya ko nililingon ay nakita ko ang paglapad ng mga labi nya. He's deep dimples are showing again.

Ng makarating sa bahay ay agad akong nagpakita kay mama at nagexplain. Buti nalang at good mood sya kay napakiusapan ko pang mamaya nalang magkekwento sakanya. Iniwan ko si Zancho kay mama at nakita ko nalang kung paano sila nagngitian.

I still have an hour kaya mabilis akong naligo at nag ayos. Kinuha ko lahat ng kailangan ko lalo na ang mga naprint kong report papers. Mamaya ito pa ang makalimutan ko kakamadali.

"Ma! Aalis na po ako!"

Naunang nagpaalam si Zancho at tumuloy na sa sasakyan. Lumapit naman ako kay Mama at humalik sa pisngi nya. Aalis na sana ako ng bigla nyang hagitin ang braso ko.

"Anak, i like him!"

"Ma?!"

"Ay sus! Malisyosang bata! Hindi ganun. I like him for you! Invite him again dito pag may oras sya, ok?"

US2: Her Doubt [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon