Pahina 23

23.7K 460 2
                                    

Pahina 23

Nakangisi kong tinititigan si Zancho na halata mo na hindi talaga mapakali. I don't know why. Hindi naman mangangain ng buhay ang pamilya ko.

"Apo, Zancho!" Biglang bungad ni Lolo.

Kusang napatayo sa kinauupuan nya si Zancho at ako naman ay dahan dahang tumayo rin. I crossed my arms and looked at him. Nakapagtaas pa ko ng isang kilay ng nilingon nya ako.

"Oh! Ok lang ba kayo?" Natatawang tanong ni Lola.

"I'm good. Ewan ko lang po itong kasama ko." Agad kong sagot.

Umiiling iling na lumapit samin ang Lolo ko na akay ni Lola. Ramdam ko naman ang bahagyang paghila ni Zancho sa dress na suot ko kaya agad kong tinapik ang kamay nya. Magugusot ito sa ginagawa nya!

"Sige na. Maupo kayo." Ayon ni Lolo.

Hinila ko pa paupo si Zancho dahil parang naninigas ang buong katawan nya. Konti nalang talaga at mababatukan ko na to! Masyado syang oa. Naiirita na ko!

Nakasandal ako at nakahalukipkip habang si Zancho ay panay kuyakoy at nakayuko lang. Tumatama ang tingin ko kay Lolo at Lola pati na kay Mama at Tito at parepareho lang silang nagpipigil ng ngiti.

I roll my eyes at dinikitan pa lalo si Zancho. Pinisil pisil ko ang isang braso nya at doon ko naramdaman ang panginginig nya. Wow huh? Grabe naman to matakot as if something bad will happen.

"Lolo. Lola. Tito. Mama. Si Zancho po... boyfriend ko."

Agad kong ipinulupot ang kamay ko sa braso nya. We both looked at each other and smiled. Kahit alam kong pilit ang ngiti nya ngayon ay pinakita ko nalang sa mga ngiti ko na wala syang dapat ipagalala.

Napansin namin na napatayo si Lolo at dahan dahang naglakad papunta sa tapat ni Zancho. Kusa namang napatayo ang boyfriend ko hanggang makalapit na sakanya si Lolo. Nice! Para akong nanonood ng suspense movie nito ah?

"Alam mo hijo, ito ang unang beses na may ipinakilala sa amin na nobyo ang apo ko. At kung tatanungin mo kung bakit, dahil alam namin na walang balak yan na pumasok sa isang relasyon. Wala kasing tiwala sa ibang lalake yan..."

Tumigil saglit si Lolo at ako naman ay naging interesado sa pwede nyang idugtong. Pansin ko ang pagtingin nya kay Zancho ng mula ulo hanggang paa. I must admit. Medyo nakakaramdam na ako ng kaba.

"So what do you think can be the reason kung bakit pumayag ang apo ko na papasukin ka sa buhay nya?"

Agad napunta kay Zancho ang mga tingin ko. Kahit na pakiramdam kong mababali na ang leeg ko sa pagtingala ay dedma nalang. I wanna know what he will answer.

"Sir. To be honest, i don't exactly know why. Sya lang naman po ang makakasagot nun diba?" Saglit syang tumigil at nilingon ako. He smiled at me bago ibinalik kay Lolo ang tingin nya.

"But i think that i've prove myself enough. I made her see and feel how important she is to me. Kahit na mahirap po nung umpisa, i manage to take it all in." Tumayo ako ng di inaalis sakanya ang mga tingin ko.

"Sir, hindi po madaling i-please si Isay. Hindi rin po sya ganun ka-kalmadong tao. Totoo po na hirap syang magtiwala lalo na sa lalake. She has so many doubts..."

"But here i'am. Gagawin ko po lahat para maging masaya sya. Tatahimik at aayusin ko po ang kilos ko para hindi na sya magalit lagi. I will never stop proving to her na hindi lahat ng lalake ay lolokohin sya. Hindi lahat iiwan sya. Kasi po mahal na mahal ko ang apo nyo! At gagawin ko po ang lahat para hindi masira yung tiwalang binigay nya sakin."

I can't stop staring at him. Ni hindi ko na napansin yung ngiting gumuguhit sa labi ko. How come i never see this side of him? We've been friends for so long and this is the first time na nakita kong ganito sya kaseryoso.

Lalo pang lumapit si Lolo sakanya at ipinatong ang kamay nito sa balikat ni Zancho. Nakangiting tumatango sakanya ang Lolo ko kaya napangiti na ko ng tuluyan.

"Hijo, welcome to the family! Please, just take good care of Eleissa. Alam mo na naman siguro? She's our one and only princess."

Nakangiting tumango si Zancho bilang sagot. They hugged each other bago ako sumingit para makiyakap rin sa Lolo ko. They're really the coolest grandparents! I love them more than they ever know.

* * *

"Grabe yung kaba ko kanina! Napansin mo ba?"

"Sobra."

"Eh kasi naman, ang daming pumapasok sa isip ko!"

"Mukha nga."

"Pano kung ayaw nila sakin para sayo? Pano kung di nila ako tanggapin? Pano kung magalit sila? Yung mga ganun--"

I gave him a kiss so he'll shut up. Ang daldal talaga! Well atleast tama nga ang kasabihan na if wanna shut the person up, just give him a kiss. Effective naman dahil mukhang natameme na sya.

"Ang daldal mo, mahal!"

Nginitian nya ko at hinagit para yakapin. I hug him back immediately. I think we can stay like this for a long time. Pero dahil naalala kong nasa hardin kami at makikita ng mga tao kaya agad na kong kumalas.

I'm not used to p.d.a! Nakakailang kahit na usually ay wala naman talaga akong pakialam sa sasabihin ng iba. But this time, masyado akong nacoconscious.

"Halina kayong dalawa. Dito na tayo magmerienda!" Ayon ni Lola.

Buti at hindi na kami nagyayakapan ng dumating sila. Baka mapagalitan kami. Sakanilang dalawa, si Lola talaga ang conservative.

"Zancho! Nakilala na ba ng family members mo si Isay?" Tanong ni Tito Yassi.

"Hindi pa po. But speaking of that. Pwede ko ba pong ipaalam si Isay?"

"Why? Anong meron?" Tanong ni Mama.

"Kasi po kasal ng ate Sandra ko the day after tomorrow. Sa manila po kasi yun. Pwede ko po ba syang isama?"

I think sa akin na ngayon nalipat yung kaba nya kanina. Incase na pumayag sila, makakasama ko ang buong pamilya ni Zancho sa manila. Malayo dito sa amin kaya kung hindi nila ako magustuhan ay saan ako tatakbo?

"Ay pwedeng pwede yan! Kasama naman ako eh!" Kunot noo kong tinignan si Tito Yassi.

"Nabalitaan ko nga na ikakasal na ang ate mo. Nagpadala narin ng inbitasyon ang daddy mo sa akin. Hindi naman ako pwedeng lumuwas kaya itong si Elias ang padadaluhin ko!" Paningit ni Lolo.

Actually i feel so relieved! Kahit papaano ay may kasama ako bukod kay Zancho. And i'm sure this will be fun lalo na't si tito ang kasama ko.

Now all i have to do is pick a perfect dress. Make myself presentable. And practice a smile. Mukhang challenging yung panghuli pero kayang kaya ko yun! Tiwala lang?

US2: Her Doubt [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon