Pahina 9

29.4K 561 10
                                    

Pahina 9

Kanina pa ko naiirita dito sa dress na pinasuot sakin ni Mama. I understand na formal attire dapat kaya lang bakit ang kati kati nito? It's a royal blue colored hi low dress with lace long sleeves. I really hate lace!

"Dalaga na po pala ang apo nyo!" Ayon ng isang kaibigan ng Tito ko kay Lolo at Lola. Kasama ako ni Lola sa pag akay kay Lolo kaya lahat ng bumabati sa kanilang dalawa ay napapansin rin ako.

"Don Eliandro! Donya Isabelle! Happy wedding anniversary ho!" Bati naman ng isa pang kaibigan nilang lalake.

Ang daming tao. Talagang maraming kaibigan ang Lolo't Lola ko. Ang ilan ay mga kumare at kumpadre raw nila na halata mo namang mga bigtime, ang iba naman ay mga bussiness partners nila na tindig palang ay ibang iba na, at yung iba naman ay kaibigan lang ng tito at tita ko.

Niyaya ng kaibigan nila lolo't lola na maupo muna sila sa iisang lamesa. Ngayon ay malaya naman akong maglakad lakad na. Naghahanap nalang ako ng lugar na di masyadong matao pero malapit parin sa lolo't lola ko.

"Tito!"

"Ay bongga! Sabi na nga ba't Salcedo kang tunay! Iisa ang ganda nating dalawa!"

"Sus! Wala akong barya ngayon tito! Anyway, bakit ka po magisa dito?"

"Hmm... Kasi bakla ako inday!"

"Huh? Eh ano naman? Di ka naman po kinakahiya nila Lolo at Lola ah!"

"Hindi nga! Pero syempre, di naman ganun ka kapal ang mukha ko para ibandera ko pa ang kagandahan ko sa harap ng mga visitors nila. You know? Nirerespeto ko lang ang event ng mga magulang ko!"

Ngumiti ako ng mapait at tinabihan nalang ang Tito ko na mukhang kanina pa nagiisa dito sa may garden, sa fountain. Ayoko nalang magsalita dahil naiintindihan ko na naman ang sinabi nya.

Nakipagkwentuhan nalang ako sakanya at feeling ko kung maraming tao dito ay kanina pa kami pinagtinginan dahil sa kakatawa namin. Tito Elias is simply one of the people i look up to.

Kahit na naging bakla si tito, may class pa rin sya. He knows what to do in times like this at kahit alam kong hindi sya ok, ngumingiti pa rin sya at nadadamay ako sa kasiyahan nyang alam kong pilit lang sa ngayon.

"Isay!"

Agad humupa ang pagtawa ko ng makita ang lalakeng tumawag sa akin. What in the world is he doing here? I don't remember inviting him. And why the hell does he look good tonight? I know most girls ay nagagwapuhan na sakanya pero iba ang dating nya sakin ngayong gabi.

Zancho is wearing this gray polo with sleeves rolled up to his forearms. It's quite fitted sa katawan nya kaya bumabakat ang abs nya. Open rin ang first button nito na para bang nangaakit talaga sya. It's a complete attire that suits him so well.

"Uy! Ano yan? Boylet mo?" Bulong sa akin ni Tito Yassi.

"H-hell no!" Bakit ako nauutal?

Tumayo ako ng makitang palapit na sya sa amin. He's smiling again at kinikilabutan ako. Bakit bumibilis rin ang tibok ng puso ko? Ayoko! Hindi to pwede!

"Good evening, Isay! Good evening po!" Bati nya sa amin ni Tito.

"Uhm... Tito Yassi! My friend. Si Zancho. Zancho, My Tito!"

"Oh nice to meet you.. Friend!"

"Uhh... Nice to meet you rin po!"

Pansin ko ang biglang pagtataka sa mukha ni Zancho habang nakatingin kay Tito. Ng lingunin ko ang tito ko ay nakita kong panay pa cute sya kay Zancho. Di sya tumitigil sa pagbebeautiful eyes at pag ngiti na akala mo bagay sakanya.

"Tito ano ba yan? Nakakaumay hah!" Impit na boses kong pagsabi kay Tito matapos syang sikuhin.

"Impaktang to! Osya, maiwan ko muna kayong dalawa dito! Goodbye, love birds!" Kumekembot na umalis si Tito at iniwan kaming dalawa.

"Uhm... Pasensya na sa Tito ko."

"No, it's ok. He's funny."

"She!"

"Haha! Oo nga pala."

Biglang namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. I feel uncomfortable, as always.

"Babalikan ko na sila Lolo at Lola."

"Oh! Wait! Samahan na kita."

"No-- I mean, jan ka nalang."

"Hindi, dun rin kasi ang punta ko."

"Wag mo na kong sundan Zancho!"

"I'm not. I told you, doon rin ang--"

"Oh ayan na po pala ang anak ko Don Eliandro! Zancho. Lumapit ka rito!"

Napatigil ako sa paglalakad ng makita na nandito rin pala ang parents ni Zancho. They're with my grandparents and mama at mukhang kanina pa nga sila nagkakasarapan ng kwentuhan.

Hinawakan ni Zancho ang kamay ko para isama ako sa paglapit nya sakanila. Parang may kung anong klaseng kuryente ang biglang dumaloy sa buong katawan ko. His touches feels weird. It feels unusual. But it's nice.

Ipinakilala ng mga magulang ni Zancho ang anak nila sa grandparents ko pati na kay Mama na ngayon ay may kung anong ngiti sa labi habang di inaalis ang tingin sa akin.

Sh*t! Yung kamay naming dalawa!

"Uhm... Maiwan ko po muna kayo. Pupunta lang po ako sa kwarto ko." Paalam ko agad dahil di na ko komportable.

Agad kong isinara ang pintuan ng kwarto ko dito. Pari't parito ang lakad ko dahil hindi ko maintindihan kung ano ba yung naramdaman ko kanina. Pakiramdam ko rin ay init na init ako kaya agaran kong binuksan ang aircondition. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Ano namang solusyon dito?

Zancho and i have never been this close. As in close na magkasama. Laging may pagitan. Laging may ilangan. Mas lalo akong naiilang ngayon sakanya knowing na may nangyari na sa amin. At ngayon ay pakiramdam ko na unti unti ng lumiliit ang mundo namin.

"Are you--"

"Sh*t!"

Why didn't i check kung nilock ko ba ang pinto? Stupidity at it's finest!

"S-sorry!"

"What the hell Zancho?! Anong ginagawa mo dito?"

"Sinundan lang kita. Mukhang may problema ka eh!"

"Eh anong pakelam mo?"

Hindi sumagot si Zancho at napayuko nalang at umiling. Ng iangat nya ang mukha nya ay nakita kong may mapait syang ngiti saakin.

"Bakit kaya ang init ng dugo mo sakin?"

"I-it's none of your bussiness!"

Bigla nyang isinara ang pintuan. Lumapit sya lalo sa akin na iba na ang ekspresyon. Seryoso. Napaka seryoso na ng itchura nya kaya napapalunok nalang ako sa kaba. Walang nagsasalita. Tahimik kami pareho.

Umatras ako hanggang may maramdaman akong pader sa likod ko. Tingin ko ay parang nasa dead end na ko ngayon.

I felt his hands sliding on my waist. Inilapit nya ko lalo sakanya at heto na naman ako na nawalan na ng tapang at lakas.

His kisses are making me weak and helpless.

US2: Her Doubt [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon