Pahina 28

23.3K 484 10
                                    

Pahina 28

His house looks like a mess! Hindi ganito ang Zancho na kilala namin. Masyadong makalat. Masyadong maraming bote ng alak. Alam kong umiinom sya pero hindi ko inakala na ganito kalakas!

"I can't offer you a seat!" Ayon nya. Obvious naman. Saan naman kasi ako uupo kung puno ng kalat ang bawat sulok ng sala nya?

"Parang binagyo 'tong bahay mo!" Sarkastiko kong ayon.

"Nadamay lang nung binagyo yung puso ko." Walang emosyon nyang ayon.

Agad syang nagsimula na damputin yung mga kalat. Walang nagsasalita sa aming dalawa. Nanonood lang ako sa bawat kilos nya habang napapairap minsan sa hangin.

Ng tumigil sya ay basta nya lang akong tinitigan. Napapaiwas naman ako dahil hindi ko sya magawang tignan ng diretcho.

"I just wanna make things clear, Zancho."

"Malinaw naman na sakin! Naiintindihan ko rin. Ano pa ba?"

"Zancho! You need to understand. Napaka sakit nung ginawa mo! Kung alam mo lang kung gaano kita iniyakan! Gabi-gabi. Kahit pag gising ko kusa akong naiiyak--"

"And you need to understand na hindi mo nga kasi alam ang buong pangyayari! Oo na, may nakita ka! Pero nakita mo rin ba kung paano yun nagsimula? Halos murahin ko na sya sa kakadikit nya sakin!"

Tumigil sya saglit at mukhang pinapakalma ang sarili nya dahil unti unti ng tumataas ang tono ng pananalita nya sakin.

"Isay, hindi mo yun nakita! Hindi mo nakita kung paano ko ipamukha sakanya na ikaw lang ang babaeng mahal ko at hinding hindi ako maghahanap ng iba! Hinding hindi kita ipagpapalit! Hindi mo rin nakita na hindi ako humahalik pabalik sakanya! You just assumed what you saw in a glance!"

Malalim ang paghinga ko. Gusto kong pigilan ang sarili ko at huwag syang patulan pero paano ko yun gagawin kung nasa sistema ko na ang pagpatol lalo na't ayaw ko ng ganitong pinagtataasan ako ng boses!

"Look! Try putting yourself into my position! Nakita mo 'kong may kahalik na ibang lalake, anong mararamdaman mo? Anong magiging reaksyon mo? Magagawa mo pa ba 'kong pakinggan? Hindi ba mangingibabaw rin yung galit mo? Sige nga!"

"Hahayaan kitang magpaliwanag! Dahil kung ako sa sarili ko eh ayokong pinagbibintangan ako ng basta basta, paniguradong ganun ka rin!"

"Oh please! Palibhasa hindi pa nangyari sayo kaya ganyan ka magsalita! Minsan ka ng nagselos Zancho. Nadamay pa ang kaibigan ko tapos ngayon ganyan ang sinasabi mo? Sinong niloloko mo?"

"Alam ko! Kaya nga binaling ko yung galit at selos ko dun sa kaibigan mong yun at hindi sayo! Di baleng masaktan ko sya! Huwag lang ikaw because damn it mahal na mahal kita Isay!"

Saglit kaming nagkatitigan. Iisa ang ekspresyon ng mukha namin. Pareho kaming kunot ang noo. Parehong kinokontrol ang galit. Parehong nanginginig.

Walang pasabi akong naglakad ng mabilis palabas ng bahay nya. Rinig na rinig ko ang pagtawag nya sa akin kahit ang yapak ng pagsunod nya sakin.

I stopped walking the moment he reached for me and grabbed my wrist.

"Hanggang kailan mo ko tatakbuhan? Hanggang kailan ka iiwas? Hanggang kailan ka ba matatakot, Isay?" Pasigaw nyang tanong.

Hindi ako makasagot. Nanginginig ang bibig ko at hindi na matigil ang pag agos ng luha ko. Lalo pa syang lumapit sakin at ikinulong sa mga palad nya ang mukha ko.

He kept on wiping my tears at ako naman ay hindi inaalis ang pagkakahawak sa braso nya.

"I want this to stop! Yung sakit! Yung takot! Lahat! Gusto ko mabura lahat ng nakita ko, lahat ng naramdaman ko. Kaya lang ika nga nila, this is reality! Ano pa bang magagawa ko? Mababaliw na ko Zancho! Ang sakit sakit na kasi!"

US2: Her Doubt [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon