Pahina 30

25.9K 499 7
                                    

Pahina 30

"FINALLY!!!"

Sabay sabay kaming naghiwayan sa tuwa. Sa wakas at nakapagtapos narin kami. Sabay sabay. Walang napagiwanan.

Tapos na ang graduation ceremony pero heto at nasa venue pa rin kaming labing isa. Kumpletong kumpleto ang barkada. Walang labis, walang kulang.

"So ano ng plano nyo?" Tanong ni Keeno.

"Obviously, bihira nyo ng mararamdaman ang presensya ko. It'll be ok. Kung para naman sa ikaaayos ng condition ko 'di ba?" Ayon agad ni Coreen. Yumakap lang sakanya si Dave.

"And i will be right beside her. Ako na muna ang bahala sakanya." Ayon ni Dave.

Pabirong nagtilian ang mga lalaki habang kaming mga babae ay napapangiti lang. Napaka sweet kasi nila. Sila yata ang kauna unahang couple na nabuo sa aming magbabarkada.

"Aalis na rin ako next week. Alam nyo na naman yun eh. Mamimiss ko talaga kayo." Ayon ko naman. Nakangiti lang silang lahat sa akin. Nakaakbay naman sa akin si Javier at tinatapik tapik ang balikat ko.

"Mamimiss ka rin naman namin." Ayon nya.

"Oo nga! Even though madalas ka naman talagang parang aninong nakasunod lang sa amin, pero seriously, iba pa rin kasi kapag nakikita ka namin." Ayon naman ni Lulu.

"Basta, there will come a day na mabubuo ulit tayong lahat! And i bet, successful na tayo nun." Ayon naman ni Siemon.

Naghiwayan nanaman sila bilang pag sangayon! Sana nga, at sana rin, when that day comes, naayos ko na talaga ang buhay ko.

"So? Despedida ko this coming friday. Walang aabsent ha! Please lang." Ayon ko pa.

Eversince, sila sila na ang kasama ko. Hindi ko lang sila kaibigan, pamilya ko na sila. Pamilya na namin ang isa't isa. Kahit madalas ay nagkakairingan ang iba, hindi rin lahat ay sangayon sa gawain ng ilan, in the end, heto at kami kami pa rin naman ang magkakasama.

Friendship goals kung maituturing. Kung sana lahat ng makakasalamuha ko ay ganito ang ugali at tatanggapin ako, siguro mas magiging madali lahat.

"Anak! Let's go? Hinihintay na tayo ng lolo at lola mo." Masayang ayon ni Papa. Tumango lang ako habang nakangiti sakanila.

Natanaw ko ang pamilya ni Zancho na halos katabi lang rin ng sasakyan namin ang sasakyan nila. Nagawa pa silang batiin ng mga magulang ko kaya napunta na talaga sakanila ang atensyon ko.

Hindi napuputol ang pagtititigan namin ni Zancho habang naguusap ang mga magulang namin. Hindi namin magawang magusap. Kahit papaano ay natutuwa nalang ako kanina na kahit may ilangan pa rin sa aming dalawa ay hindi yun naging hadlang sa kasiyahan namin kasama ang mga kaibigan namin.

Inaya na ako ni Mama na pumasok sa loob ng sasakyan. Muli ay nagkatinginan pa kami ni Zancho habang nasa labas ng sasakyan at halos sabay na yatang papasok.

After what happened, this is actually the first time that we smiled genuinely to each other. Walang halong kaplastikan. Totoo lang! Tumango ako bilang pagpapaalam sakanya at ganun lang rin ang ginawa nya.

Habang nasa daan ay di ko maiwasang mapailing habang nakangiti. Kung tutuusin ay ito na yata ang pinakamabilis na pagkalimot ko sa kasalanang nagawa sakin. Parang halos mabura na lahat sa isip ko yung nangyari. Basta purong saya nalang ang nararamdaman ko ngayon.

"Aba! Mukhang tuwang tuwa ka na nakatapos ka na hah!" Ayon ni Mama na nakatingin lang sakin mula sa rear-view mirror.

"Sigurado ka ba anak na ok lang na sumama ka sa amin sa States? Pwede ka namang maiwan dito sa tito mo kung ayaw mo talaga. Ayos lang sa amin." Ayon naman ni Papa habang di inaalis sa daan ang tingin nya.

US2: Her Doubt [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon