Pahina 3

41.8K 618 3
                                    

Pahina 3


"Hoy Ian! Happy birthday!" Ayon ni Sera ng makarating na kami dito sa bahay nila Damian.

Ang daming tao. Halata mong talagang kilala tong lalakeng to. Tama rin si Lulu, marami ngang gwapo. Pero i'm sure mga heart breakers din ang mga yan. My guy friends are the reason why i don't trust boys.

Palapit na kami sa table na itinuro ni Damian samin. Naagaw ng atensyon ko ang isang tao roon kaya humiwalay ako saglit.

"Des!"

Anak ng isa sa mga trabahador nila lolo at lola na ngayon ay namamasukan narin sa hacienda bilang katulong. Sya ang halos naging kababata ko na since sabay kaming lumaki. Pag pumupunta ako dun, madalas ay sya ang kalaro ko at kasama ko. So basically, close lang kami kasi magkababata kami.

"Oh! Isay!" Nakangiti nyang bati sakin.

"Uhm... May itatanong lang ako."

"Sige, ano yun?"

"May alam ka bang okasyon bukas? You know? May mangyayari bang celebration?"

"Linggo nga pala bukas. Pupunta ka nga pala kila Donya Isabella. Hmm..."

Hindi sya agad nakasagot. Nagiisip sya at may pag tirik pa talaga ang mga mata nya. Nakakatuwa talaga tong babaeng to. She's actually so bright. Kahit na anong kalagayan ng pamilya nila ay makikita mo sakanya na kuntento na naman sya. Positibo lagi sa buhay.

I consider her as one of my friends. Minsan nga parang kapatid na turing ko sakanya since pareho kaming nagiisang anak lang.

"Ay! Ay! Birthday ni senyorito Elias!"

Medyo nagpigil ako ng tawa kaya halata ang pagtataka kay Des.

"Correction. Modern na daw! You should call him slash her as Yassi."

Sabay kaming natawa. Ang bunsong kapatid ni Papa na sa kasamaang palad ay naging binabae. Actually, mas gusto ko sya kaysa dun sa isa pang babae at lalake na kapatid ni Papa na panay mga seryoso sa buhay. Atleast si tito Yassi, he's so much fun kasama.

"Haha! Oo nga pala. Ayun nga. Birthday nya nga pala bukas."

"Kaya pala mukhang may ilulutong espesyal si Mama. Osige. Yun lang naman."

"Okay! Kita nalang tayo bukas sa hacienda nyo."

"Yeah. And uhm... Des? Ingat ka sa mga lalake dito huh? Alam mo na."

"Sus! Alam ko na yan! Noon mo pang bilin sakin yan simula ng magkaron ka ng mga kaibigang lalake. Haha. Okay lang ako Isay."

"Good! I'll go ahead."

Nakangiti kong iniwan si Des. I know kaya na nyang magisa. May mga kaibigan din naman sya. At alam kong alam na nya ang limitasyon nya sa ganitong mga panahon.

Palapit na ko sa mga kaibigan ko ng makita kong parang may nagsisimulang gulo. Hindi naman yun napapansin ng ibang bisita at mukhang wala ngang mga pakelam. Pero dahil involve nga ang mga kaibigan ko ay agad na kong lumapit sakanila.

"No wonder magpinsan nga kayo ni Javier! Pareho kayong--"

"Uy! Labas naman ako jan Coreen! Walang damayan!"

Kitang kita ko ang galit na mukha ni Coreen. Isa sa mga kaibigan kong babae. Nakita ko rin muli yung lalakeng kinekwento nya na kinaiinisan nya daw. I heard he's Javier's cousin.

"Ohhh.. Hashtag ang pagkikitang muli." Nakangisi ko pang ayon. Nilingon ako ni Coreen na salubong ang mga kilay. Why? Totoo naman ang sinabi ko ah?

Nagsimula silang magpalitan ng salita. Halata mong galit na galit si Coreen at yung lalake naman ay halos wala lang emosyon.

Kita naman naming lahat ang biglang paniniko ni Javier sa pinsan nya. How could he tell those things? Moving on? Coreen is still at that stage kaya sensitive yang salitang yan sakanya. Anyway, how can i blame him pala? Wala namang alam to eh.

Nakasunod lang ang tingin ko sa kaibigan kong bigla nalang nag walkout. Nabaling lang ulit ang atensyon ko dun sa lalake ng kausapin na sya ng pinsan nya.

"Dave! What was that? She's a girl you idiot! Pano mo nagawang magsalita ng ganun sakanya?" Napapangisi ako sa inaasal ni Javier.

He's too obvious. Obvious na kahit papano, minsan sa buhay nya ay nagkagusto sya kay Coreen. At walang ibang nakakaalam na totoo yun bukod sakin. Kahit sya ay di nya alam na alam ko ang tungkol dun.

"S-sorry."

"Alam mo pare? Di ka naman namin masisisi kasi wala kang alam. Pero Coreen is going through something. Ngayon palang yun nakakarecover kaya ganyan sya umasta. Pagpasensyahan mo nalang." Ayon naman ni Siemon.

"I know." Halos lahat kami ay nagtaka sa isinagot ni Dave.

"How?" Seryoso kong tanong kaya nakuha ko agad ang atensyon nya.

"I just know--"

"Shoot! Teka! Si Coreen ba? Sya ba yung kinekwento mo sakin na nakabungguan mo last time? Na hindi mo nailabas ang pagka gentleman mo kasi nakita mo sya ulit? Coreen is your first love, am i right?" Nangingising paningit ni Javier.

"Shut up man!"

"Naku ang pinsan ko oh! Kung sabagay, nakakatorpe nga naman yang si Coreen. Kahit nga yung kapatid nun eh! Pareho sila."

"Di ako torpe. I'll keep my silence since wala namang sense if ever. She's a Villafuerte, I'm a Cojuangco."

"Couz! Iisa apelyido natin! Kung nagawa kong maging malapit na kaibigan si Coreen, kaya mo rin. Alam mo na namang matagal ng tapos yang hidwaan na yan ng pamilya natin."

"Basta! Just shut up, Javier."

Itinaas nalang ni Javier ang dalawa nyang kamay na para bang sumusuko na sya. Napapataas naman ang kilay ko sa mga narinig ko. I know na may war between their families pero tama si Javier. Matagal ng tapos yun.

Naupo nalang ako at hinayaan silang lahat sa mga ginagawa nila. Balik pagpaparty naman yung mga lalake pati si Lulu. Si Sera naman ay tulad kong natahimik lang at mukhang nagiisip.

"Feeling ko, may gusto talaga yung si Dave kay Coreen." Ayon ni Sera.

"Halata naman."

"Oo nga eh, tanaw na tanaw ko nga sya oh! Talagang hihintayin nya makalabas si Coreen ng cr?"

"Siguro."

"Hmm... Isay? What should we do? Paglapitin na kaya natin? Malay mo si Dave pala ang maging dahilan para makapag move on na talaga si Coreen kay Marco."

"Don't do that."

"Huh? Why? Anong mali sa suggestion ko?"

"Mali kasi pakikialam na yun. Hayaan mong mafall sila sa isa't isa. Wag ka ng makisawsaw."

"Hmm... Oo nga. Oh well, ikaw, bibihira ka na nga lang magsalita ng marami, medyo masakit pa! Prangka! Jan ka na nga muna."

Pareho kaming napangisi nalang. I now na prangka ako. Ayoko lang ng paligoy ligoy. Pero sinusubukan kong kontrolin ang bibig ko pag ganun. Alam kong anytime kasi pwede akong makasakit dahil sa mga sinasabi ko.

Tulad ni Dave at Coreen. Ngayon ay nagkasakitan sila dahil lang sa salita. Pero mahina parin si Coreen kaya sya ang unang bumigay. Anyway, pasasaan pa eh mukhang alam ko na naman ang ending ng dalawang to. Pero tulad nga ng sabi ko. Walang pwedeng mangialam. Let fate do it's job.

US2: Her Doubt [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon