Pahina 12

27.6K 515 4
                                    

Pahina 12

Si Zancho ang nagmaneho. Wala akong imik kahit na kanina ko pa sya gustong kausapin ng masinsinan. Iniisip ko nalang na may driver lang ako at di ko sya kilala. How pathetic.

"Hija you're here.. And Zancho, good! Buti bumalik ka nga hijo" Bungad sa amin ni Lolo.

Inalalayan namin sya hanggang sa hardin at doon pinaupo. Ano bang kailangan ng lolo ko sa lalakeng to para pabalikin pa sya rito?

"So.. Ikaw muna apo, how was your day?" Nakangiting tanong ni Lolo.

"As usual, nothing special happened naman po."

"Dapat kasi ay magkaron ka na ng boyfriend! Para naman may thrill na ang pagdadalaga mo. Nasa hustong edad ka na naman hija."

"Lo, pwede change topic nalang po?"

"Naku ang prinsesita ko talaga... Osya, hijo, Zancho. Ewan ko kung sigurado ka na ba dito but i want you to know that i'm so thankful sa pagpepresinta mo--"

"For what?"

"Kasi hija, nagpresinta si Zancho na tumulong sa akin sa rancho. Alam mo na namang di ko na kayang imano mano ang pagaasikaso roon at mahirap nang makahanap ngayon ng taong mapagkakatiwalaan."

"Lolo, nakalimutan nyo na po bang sinabihan nyo ko na tumulong po doon? Pumayag na po ako! Don't tell me nagiging makakalimutin narin po kayo?"

Hindi agad sumagot ang lolo ko at imbes ay nagpakawala sya ng paghalakhak. Am i joking? Ni wala nga ako sa mood makipaglokohan ngayong araw eh!

Nilingon ko si Zancho na nakangisi at palipat lipat ang tingin sa akin at kay Lolo. Isa pa to. Akala nya siguro sobrang close na kami para tignan nya ko at ngisian ng basta basta!

"Apo, matalas pa ang memorya ko!"

"Eh bakit po parang nakalimutan nyo?"

"Hindi ko nakalimutan. But i need some extra hand as well. Bukod kay Zancho, you'll also help me. Actually, both of you will help me. Together."

Napakagat ako sa ibaba kong labi dahil sa frustration. Sumasakit ang ulo ko just by thinking the thought na bukod sa nakakasama ko sa school si Zancho ay makakasama ko pa sya sa rancho ni Lolo.

Masyado ng lumiliit ang mundo naming dalawa. Ang tindi naman talaga manadya ng tadhana!

"Maiwan ko muna kayo. At kailangan kong sagutin yung tawag. Babalik din ako." Ayon ni lolo at umalis saglit na inaalalayan ng isa sa mga maids.

Nilingon ko si Zancho at tinignan sya ng masama.

"What are you trying to do? Huh? Are you playing games on me?" Mataray pero mahina kong tanong sakanya.

"What? Anong pinagsasasabi mo jan Isay?"

"Alam mo to di ba? Nagpresinta ka dahil alam mong nasabihan na ko ni Lolo? Bat ba ayaw mo nalang akong lubayan?"

Hindi agad sumagot si Zancho. Nakita ko ang basta pagngiti nya habang nakatingala pa sa langit.

"Hey, look. Wala akong alam! Nakinig ako nung ilang paguusap nila ni daddy at nagmamagandang loob lang ako. Madalas akong magisa lang sa bahay at walang ginagawa, wala naman sigurong masama kung di ko na sayangin sa panonood ng tv ang oras ko." He paused.

"And i'm telling you this, again. I'm not following you. But i'm not also ignoring you. Minsan ba hindi nasagi sa isip mo na maybe fate is just doing its job?"

"The hell?!"

"Sabi ko naman sayo, pwede mo kong layuan hangga't gusto mo. Pero kapag tadhana na ang kumilos. You can't run away anymore. So might as well, just face it."

Umayos sya ng upo habang di inaalis ang tingin sakin. Akala mo kung sino syang tama. Oo na! Tama na sya! Pero kung si tadhana lang naman ang kakalabanin ko, di hamak na mas mananalo ako.

I hope?

* * *

"Ma? Ikaw po? Kapag naiirita ka, naiinis, di mapakali, ano pong ginagawa mo?"

Tuwing gabi, bago matulog ay magkasama kami ng Mama ko dito sa porch swing sa balcony ng bahay at naguusapn ng nangyari samin buong araw kahit si mama ay nagbabasa ng libro at ako naman ay diretcho lang ang tingin sa malayo.

"Well, i take some time off. I go to places na malayo."

"Ganun po?"

"Yeah, but it depends naman anak. Halimbawa naiinis ako sa isang bagay, nilalayuan ko muna yun--"

"Sa tao ma? Pano kung sa tao po?"

Hindi sumagot si Mama at nang lingunin ko sya ay nakababa na sa hita nya ang kanyang libro at nasa malayo na ang mga tingin nya.

"Based on my experience? Kung ayaw mo sa isang tao at ginawa mo na naman ang lahat para iwasan at layuan sya pero walang nangyari, then stop." She paused at nilingon ako habang nakangiti.

"Tadhana na yun. And believe me, mahirap kalabanin ang tadhana. Kapag sinasabi mong ayaw mo ay mas lalong gumagawa ang tadhana ng paraan para ilapit sayo yung tao na yun. Wala ka ng magagawa."

Umiwas ako ng tingin kay Mama. Pinipilit ko parin na magisip ng paraan para maiwasan si Zancho pero mukhang tama sya pati na ang Mama ko. This is fate doing its job.

I'm just questioning, of all people bakit si Zancho pa? Bakit sya pa?

"In love na ba ang baby ko?" Biglang tanong ni mama.

I can't keep any secrets from her. As much as possible ay gusto kong sinasabi ang lahat sakanya coz that's how close we are.

"No, ma."

"Sigurado ka ba?"

"Opo. Pero, isang tanong pa po. Paano po ba alisin ang takot na magmahal?"

Natigilan si Mama at tinignan ako ng may halong pagtataka. Napapakagat lang ako sa labi ko dahil baka hindi ko magustuhan ang isasagot ni mama.

"Face it. Katulad ng ibang mga kinatatakutan mo, para mawala yun ay harapin mo."

At yan na nga ba ang sagot na hindi ko gustong marinig. Alam ko na naman yun eh! Siguro kinailangan ko lang marinig sa iba bago ako makumbinsi.

"And i will, ma."

US2: Her Doubt [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon