Pahina 1

78.3K 934 7
                                    

Pahina 1

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Pahina 1

"Isay!"

Hindi ko masyadong maaninag kung sinong tumawag saakin. Yes i'm under a tree pero natatakpan parin ng sinag ng araw ang mukha nya. But her natural and perfectly permed hair tells me kung sino sya.

Pinagpag ko ang jeans ko ng makatayo na ko. Tinanggal ko narin ang mapipigtal ng ponytail ko. Why do i have to have this thick, semi curly hair? Wala akong gana mag ayos ng sarili, magsuklay. Tuloy nagmumukha ako lalong weirdo sa paningin ng iba.

"Ano na namang ginagawa mo dun? Kanina ka pa naman tapos magpakain ng mga alaga natin ah?"

"Nothing, Ma."

"Ang hilig mo talaga mag-isa. Osya, naghanda na ko ng merienda. Kumain na tayo."

...Most people say i'm weird. Oh well, Kung alam lang nila. Kapag tahimik ka, mas marami ka kasing naririnig, mas marami kang nakikita, mas napapansin mo ang paligid mo.

I'm not talkative, minsan lang. Ok! Super bihira lang. Naniniwala kasi ako na kung wala ka namang magandang sasabihin, why bother na ibuka pa ang bibig mo? Nakakadagdag ingay lang.

Hilig kong mapagisa lalo na pag maganda ang panahon. Matapos ko magpakain ng mga kambing, kabayo, baboy, pato at magpagatas ng mga baka ay talagang nauupo ako sa nagiisang malaking puno dun. Ganito na ko simula pagkabata, simula nung mapalapit ako sa mga alaga naming hayop.

This huge ranch and farm is owned by my father. Well, dahil para syang magic na nawala, iniwan nya to kay Mama. Sa amin. Okay na yun. Nakapangalan naman na kay Mama to tsaka napapalago nya to ng mag isa. May konting tulong from me pero hangga't maaari ay ayaw nya basta mag focus daw muna ako sa pagaaral ko. Matatapos na naman ako kaya matutulungan ko na sya.

...Nakaakbay si Mama sakin habang kapit ko naman ang bewang nya. Kami lang ang magkasama kaya para narin kaming magbestfriends. I can tell her everything. Lalo na ang mga secrets ko. Yes, She will judge at pagsasabihan ako pero in the end, she'll always be my number one supporter.

Abot tenga ang ngiti ko ng makita ang inihandang pagkain ni Mama. Puro paborito ko iyon. Magkatapat kaming naupo at sinimulan na nya kong hainan ng pagkain.

"Anak? Uhh... Nakausap ko ang Papa mo--"

"He's still alive? Akala ko matagal ng nakabaon sa lupa yun. Nagmumulto na yata."

"Tsk! Eleissa Veronica Salcedo! Kailan kita tinuruang magsalita ng ganyan sa Papa mo? Walang ganyang ugali ang mga Salcedo!"

Being a Salcedo is a bit too much for me. Kilala sila dito sa buong Port Valencia. Simula sa mga kanunu-nunuan ko hanggang ngayon sa akin. People expect so much from me since ang mga babae daw na Salcedo ay puro matataas ang pinag aralan. Matatalino. Magaganda, Mahinhin At talagang may mga sinabi sa buhay.

Hindi ganoon kalaki ang Port Valencia. Kung kabilang ka sa kilalang pamilya ay parang lahat narin ng tao rito ay kilala ka na. So i assume na alam na naman sa buong lugar na iniwan na kami ng tatay ko. Hindi ba dapat ay tigilan na nila ang pagsubaybay samin ni Mama? Apelyido nalang nya ang mayron ako. Wala na naman sya. So why does it have to hunt me until now?

"Ma, don't blame me! Sya tong nawala bigla tapos ngayon magpaparamdam nalang ulit. Hindi ba parang multo yung ganun?"

"Kahit na! Kabilinbilinan ko naman sayo na kahit anong mangyari, rerespetuhin mo sya. You have no choice anak. He's your father."

"Whatever. So what about him?"

"Hay naku! Babalik sya. Gusto ka nyang makita--"

"Oh my gosh. Aalis na ko!"

"Isay--"

"Bye Ma! Luto ka pong masarap mamaya huh?"

"Teka-- Anak! Saan ka pupunta?!"

Halos di ko na narinig ang isinigaw ni Mama dahil mabilis akong tumakbo papasok ng kotse ko. I own a red phantom drophead coupe. Sabi ni Mama ay galing daw to sakanya pero little did she know, Alam kong galing to kay Papa. As if hindi ko narinig na sinabi ni lola na inutusan sya ng anak nya para bilhan ako ng kotse for my 18th birthday.

That's what i'm saying. Nagiging matalas talaga ang pandinig at pakiramdam mo pag tahimik ka lang.

Even when i hate him, Tinanggap ko tong kotse. Dapat ba hindi? I think i deserve this after he runaway from us. Kulang pa nga to sa ginawa nya eh. Although wala naman akong rights maningil, i'm just saying na kahit anong suhol ang gawin nya, di mabubura yung kasalanan nya samin ni Mama.

Close naman ako sa mga kamag anak ko. Lalo na sa lolo at lola ko. Wala na namang parents si Mama kaya parents lang ni Papa ang naging grandparents ko. Every weekend ay nandun kami ni Mama at bumibisita sakanila. Minsan doon ako natutulog pero di ako komportable kaya mas madalas ay sa bahay talaga ako.

Sweet, maalaga at talagang ramdam kong mahal ako ni lolo at lola. Siguro kasi ako palang ang apo nila. Lima pa ang kapatid ni Papa. Namatay na yung isang babae, kakamatay lang din nung isa pang babae. Yung isa namang lalake at babae ay parehong di parin nagkakaanak at yung bunsong lalake ay naging bakla naman. Ano kayang problema ng pamilya nila? Sana di ako madamay.

Nakakatuwa isipin na hindi talaga ako pinabayaan or itinakwil ng family ko sa side ni Papa. Bakit nga naman nila gagawin yun eh wala akong kasalanan! Yung anak nila ang may kasalanan.

Don't get me wrong. I don't hate him that much. It's just the thought na bigla syang nawala samin. As in bigla nalang nawala. Parang magic. Poof! He's gone. Ofcourse i cried. Pero pag nakikita ko si Mama, feeling ko dapat maging matatag ako. Ako nalang ang meron sya. Hindi ako mawawala sakanya.

US2: Her Doubt [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon